"Oh? Bakit nandito ka?" tanong ni Sir.

"Hindi ko nga kasi alam kung paano sasabihin kay Mama na buntis ako. Tapos hindi ko pa boyfriend 'yong nakabuntis sa 'kin! Sinong magulang ang hindi magagalit 'di ba?" sabi ko.

"Oh tapos?" tanong ni Sir.

"Eh-- kase-- sabi ko kay Mama may trabaho ako sa malayong lugar kaya kailangan ko umalis. Hindi pa ako handa na malaman niya," sabi ko at napayuko.

Gusto ko na lang magpakain sa lupa kesa harapin ang katotohanan.

"So? Paano 'yan? Dito ka sa sala matutulog?" tanong ni sir at dinala ang mga bag ko sa kwarto niya.

Hay naku! Lintek na kwarto 'yan, naaalala ko yung nangyare sa 'min dati! Baby ko hindi ko akalaing mabubuo ka.

"Oo," sabi ko.

"Sige, diyan ka na muna may bibilin lang ako sa palengke," sabi ni sir at lumakad na paalis.

Ngayong araw rin ang Anniversary namin ni Nhel. Magkikita kami mamayang hapon sa Mall at dahil maaga pa matutulog muna ako, sumasama na naman ang pakiramdam ko dahil sa pagod.

Nag-set ako ng alarm at humiga na sa sofa ni Sir at taimtim na natulog.

**************

Nagising ako ng marinig ko ang alarm ng cellphone ko. Pagdilat ko ay nakita ko si sir na hawak ang phone ko.

"Hoy!" sigaw ko at inagaw sa kaniya ang phone.

"Bakit ba may alarm? Nakakailan na 'yan ah? Ilang beses ko na rin pinatay," sabi ni sir.

"Ha? Ano? Bakit mo pinapatay?!" inis kong tanong at tinignan ang oras.

4:30 pm na.

Supposed to be magkikita kami ng 4:45 pm. Sa Mall.

"Sh*t naman kasi! Nag-alarm ako ng 3:30pm e!" inis kong sigaw kay sir at tumakbo sa kwarto ni sir para kumuha ng damit.

"Myra naman! Mag-ingat ka nga! Takbo ka ng takbo eh buntis ka!" galit na sigaw ni sir sa akin.

Hindi ko ito pinansin at nagtungo ako sa banyo para magbihis.

Si Nhel ang mahalaga ngayon. Hindi na ako nagpaalam pa kay sir, kinuha ko ang regalo ko kay Nhel at agad na umalis. Chineck ko ang oras sa phone ko at 5 pm na.

Nang makita ko si Nhel ay parang huminto ang mundo ko. Sobrang saya ko ngayon na nasa harap ko na ang lalakeng pinakamamahal ko, ang lalakeng matagal ko nang hinihintay.

"Love! I missed you so much," sabi ni Nhel at niyakap ako.

"Love! Ang saya-saya ko," sabi ko at hindi na bumitaw pa sa yakap niya.

"Halata nga Love, kasi hindi na ako makahinga sa yakap mo," natatawang sabi ni Nhel kaya bumitaw na ako.

"Tara sa food court," sabi ko at naglakad na kami.

"Ang ganda mo, Love," sabi ni Nhel, 'eto 'yung sobrang namiss ko sa kaniya after a year na hindi kami nagkita. Everyday niya ako sinasabihan na maganda ako.

"Love, I love you," sabi ko at naupo na kami.

"Sus, naglalambing ang baby ko, I love you too po," sabi ni Nhel at inabot sa akin ang isang paper bag. "Happy Anniversary," dagdag pa nito.

"Love, Happy Anniversary din," sabi ko at inabot din sa kaniya ang regalo ko.

Sobrang galak naman niya at binuksan agad ang bigay ko. Hindi ko mapigilang hindi malungkot dahil pwede na niya akong iwanan ano mang oras dahil sasabihin ko na sa kaniya 'yong kalagayan ko.

"Love, may sasabihin ako," panimula ko.

"Sige lang sabihin mo na, thank you dito ah. Sakto sa 'kin yung damit," sabi ni Nhel.

Huminga muna ako ng malalim at ngumiti ng mapait, parang hindi ko kaya, gusto ko na lang umiyak sa harap niya.

"Nhel, I'm sorry," sabi ko at tumulo na ang luha ko dahil hindi ko na ito mapigilan.

"Ha? Love bakit?" tanong ni Nhel.

Nakita ko ang pagaalala sa mga mata niya, 'eto yung mamimiss ko ng sobra.

"Buntis ako," sabi ko at napatakip ng mukha at pinunasan ang luha ko.

"Ha? Prank ba 'to Love? Vlogger ka na ba ngayon? Nasaan yung camera mo ha?" tanong ni Nhel at matawa-tawa pa ito.

"Nhel," sambit ko at patuloy pa rin sa pag-iyak.

"Myra, paano?" tanong nito.

"Nhel, I'm sorry. Hindi ko ginusto 'yon maniwala ka sa 'kin kasi ikaw talaga 'yong mahal ko," sabi ko.

"How could you say that, Myra! Paanong hindi mo sinadya e ginawa mo! Nakipag--Putangina!" sabi ni Nhel at nakita ko ang pagtulo ng luha sa kaniyang mga mata.

"Mahal na mahal kita," iyon lang ang tanging nasabi ko.

"Sinong ama?" tanong nito nang hindi tumitingin sa akin.

"Si sir John," sabi ko at nagpunas ng luha.

"Sana maging masaya kayo," sabi ni Nhel at tumayo.

"Magkakapamilya ka na, take care always, Myra. Gusto ko lang sabihin sa 'yo na, mahal pa rin kita kahit ganito pero sorry kase I can't handle it anymore," sabi ni Nhel at naglakad na palayo.

Naiwan akong nakaupo at umiiyak. Dumukdok lang ako dahil may mga tao na tumitingin sa amin.

"I'm sorry, Love," bulong ko sa sarili ko.

*********

My Professor's Obsession (R-18) PUBLISHED UNDER IMMACWhere stories live. Discover now