One

145K 2.9K 813
                                    


Buwan ng Setyembre ngayon kasabay nun ang muling pagbubukas ng Royal Academy.

Ang school kung saan ako naka-enrol ngayon.

Madaming estudyante sa paligid ngunit lahat sila ay nakatigil at ang mga mata nila ay sa akin nakapokus.

Bakit? bakit sila nakatingin sa akin?

Siguro, dahil isa akong transferee.

Hindi ko na lang pinansin ang mga tingin nila sa akin at deretsong naglakad.

Maya maya ay naka rinig ako ng mga bulungan, pero sa tingin ko hindi na bulong iyon.

"Transferee siya di ba?"

"Oo, pero walang nakaka alam kung saan siya school nanggaling"

"Pero maganda siya ha? Sigurado akong sa 13th Class siya mapapapunta, pero teka?"

"Bakit?"

"Sino yung lalaki sa likod niya?"

Napatigil ako sa paglalakad dahil sa mga naririnig ko. Sigurado naman akong ako talaga ang pinag uusapan nila dahil ako lang transferee dito ayon sa head ng school na ito.

Pero sino yung lalaking tinutukoy nila? Lumingon ako sa likod at nakita ko ang lalaking naglalakad papalapit sa direksyon ko.

"Hey, Tiffany" tawag nito sa akin. Nakakapagtakang alam niya ang pangalan ko.

"Magkakilala sila?" Rinig ko na naman ang mga bulungan nila pero di ko na lang pinansin ito.

"Siguro, tinawag siya sa pangalan e"

Pagkalapit na pagkalapit sa akin nung lalaki ay tiningnan ko lang siya. Nakangiti lamang ito. Hindi ako interesado sakanya. Sa tingin mo pa pa lang, halatang mayabang.

Nakakaubos ng oras.

Aalis na dapat ako ng pigilan niya ako "Ano bang kailangan mo? Bakit alam mo ang pangalan ko?" iritado kong tanong dito. Ayaw ko sa lahat, lalaki!

"Unang araw pa lang, sikat na agad tayo" Sabi nito at hindi man lang pinansin ang mga tanong ko.

Akala ko tahimik ang buhay ko dito pero hindi pala.

hindi pala talaga.

"Liam nga pala" inabot niya ang kamay niya sa akin ngunit hindi ko ito tinanggap kaya ibinaba na rin niya ang kamay niya. Nakatingin lang ako sakanya. Ayoko mag aksaya ng laway sa lalaking ito.

"Okay, I saw your name on your name pin, happy?" napatingin ako sa sinasabi niya at oo nga. Nakalimutan ko na may name pin ako.

Nakita kong may name pin rin siya.

Liam Rio Modesto

okay? tumingin naman ako sa paligid at ganun pa rin ang mga estudyante. Mga nakatigil at sa amin lang nakatuon ang atensyon.

nakakabanas

Tiningnan ko ang isang eatudyante.ngunit wala itong name pin katulad na amin.

bakit kaya?

Hindi ko na lang pinansin ang taong nasa harap ko na nagngangalang 'Liam'

Nagsimula na ulit akong maglakad ngunit makulit itong lalaking ito at sumunod pa rin sa akin. Actually kasabay ko na nga siya. Nakakairita.

Kilala akong manhater sa dati kong school kaya ganito na lang ako kung umasta sa mga lalaking katulad ni Liam. Naging ganito ako dahil sa isang lalaki.

Hindi ko na lang pinansin ang pagsabay niya sa akin. Pero hindi siya tumigil at nagtanong pa.

"Alam mo ba kung saan nakikita ang mga sections dito? kasi kanina pa ako paikot ikot dito di ko naman makita" napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

Hindi ko rin alam. Ano ba yan! Paano ako makakarating sa room ko? Pati malay ko sa section ko.

Akala ko naman alam niya kung saan matatagpuan ang mga iyon.

Maya maya'y nakarinig kami ng boses na nagmumula sa speaker.

"Calling the attention of Ms. Tiffany Rochefort and Mr. Liam Rio Modesto. Please proceed to the 13th Class building 5th floor. Room 513"

Tapos inulit pa nila ulit ang kanyang sinabi.

"So I guess that's our room and section, classmate" sabi nito ng nakangiti tapos kumindat pa.

Kinilabutan ako sa ginawa niya. Yuck! Yea, he has the looks but I don't care.

Nauna na siyang pumunta sa 13th Building kaya sumunod na lamang ako.

Pagkapasok na pagkapasok namin sa building ay nakita ko ang reaksyon ni Liam na mukhang na-astigan sa paligid.

"Woah! Ang cool ng building na ito ah. Walang mga ganito sa ibang building"

Kung ako lang rin naman ang tatanungin tungkol sa building na ito. Mamangha ka talaga. Well, designed. Pati napapalibutan ka ng High Technologies. May fountain rin sa gitna.

Ano naman kaya ang itsura ng ibang building?

Pumunta na kami sa 'elevator daw' sabi ni Liam. Pero sa tingin ko pang teleport ito. Ito na lamang ang ginamit namin kesa naman daw mag escalator pa kami.

Pinindot ni Liam ang 5th floor pero wala pang tatlong segundo ay narito na kami. Teleporter nga siya.

Nauna akong lumabas at dumeretso sa sinasabi nilang room 513 na matatagpuan sa gitna ng 5th floor. Sa tapat naman nito ang guidance office. Sa mga katabi naman nito ay may storage room. Ladies room at meron din sa boys.

Pero ang pinaka agaw tensyon ay ang Red room. Pula rin ang pinto nito. Ano kaya ang nasa loob nito?

Hindi ko na lamang iyon pinansin at akmang papasok na sa room namin kaso pagtulak ko ayaw nitong mabuksan.

Tiningnan ko ang kabuuan ng pintuan at nakita kong may pindutan sa tabi. Kailangan siya ng code.

Pinapunta punta kami dito pero di naman sinabi ang code? yung totoo?

Nagtry akong magpindot ng kung ano anong numbers pero access denied.

"Anong ginagawa mo?" Nagulat ako dahil sa lalaking bigla bigla na lang sumulpot at nagsalita sa tabi ko.

Papatayin yata ako nito.

"Nakakainis ka e. Are you going to kill me?" ngumiti lang siya at nagsalita ng numbers.

"63636866674"

"Yan ata ang code nakita ko sa harap ng guidance office. Try mo?" Sabi nito ng nakangiti pa.

Agad ko naman tinry ang code at ayon access granted.

Nagbukas ang pinto at bumungad sa amin ang isang guro na nasa unahan at ang iba pa naman kaklase.

Ang room na ito ay parang katulad sa cinehan. Madaming silya na nagsimula sa mababa hanggang sa tumaas ito at mayroong malaki screen sa unahan na may nakasulat.

Welcome 13th Class:V:M-M

"oh, Andito na pala ang dalawa. Ms. Rochefort and Mr. Modesto. Please find a seat"

Nagsimula na akong maglakad. Nakikita ko ang mga titig ng ilan sa akin na para ba silang papatay. Mga nakangiti sila ngunit hindi ngiting masaya. Ngiting parang may binabalak na masama.

Masyadong madaming silya para sa amin. Siguro ang mga silyang ito ay lagpas isang daan. Kung tutuusin nasa mga 25 lamang kami rito.

Habang ako ay naghahanap ng maganda gandang pwesto ay napako ang mga mata ko sa isang lalaki.

Silver

- - - - -

13th Class (COMPLETED)Where stories live. Discover now