BS #25: MAKE UP YOUR MIND

Start from the beginning
                                    

Umuwi na sila Racky, Leon at Fier. Kapamilya lang kasi ang pwedeng pumasok sa private room at tapos na kasi ang visiting hours. Ibinaba ko si Reid sa sofa bed para doon na ito matulog pagkatapos ko siyang bihisan nang mag damit na binili sa amin ni Wright.

Pagkatapos kong magpalit ng damit ay lumabas na ako ng banyo. Naagaw ng pansin ko si Wright na namamalipit na sa lamig. Ungol ito ng ungol.

Lumapit ako sa kanya. "Wright?"

"It's so cold! Fvck!" Nanginginig nitong sabi.

"Sshhh." Hinimas ko ang noo nito. Mataas na naman ang lagnat niya. Kinumot ko sa kanya ang panglawang comforter.

"N-Not enough."

Umalis ako para kunin ang hot compress nito at nilagay iyon sa loob ng comforter.

"Ang ginaw pa din!" Ano pa ba ang gagawin ko?!!

Muntik na akong mapasigaw nang hatakin niya ako pahiga sa tabi niya.

"Give me your warmth." Sumiksik ito sa leeg ko. Wala na akong nagawa kundi ang humiga na ng tuluyan sa tabi niya. Napakainit ng singaw ng katawan nito. "Home. This is home. I'm happy you're here, Baby."

Hinipo ko ang batok nito.

"Hmm. What are you doing?" Ungol nito.

"When you have fever, you have to cool this part down. If you cool the arteries, the cold blood will go around the whole body and make you feel better."

"It feels good." Nanghihinang sabi nito. Iang minuto lang ay naging steady na ang paghinga niya. Tinangka kong umalis sa tabi nito pero mas humihigpit ang yakap niya. 

Wright's warm. So warm.

His head is on my shoulder, and he's breathing softly on my neck while he sleeps, his legs threaded through mine, his arm around my waist.

Nakatulog na rin ako dahil sa pagod.

I woke up with a pair of eyes looking back at me. Nanlaki ang mata ko nang maalala ang nagyari kagabi.

"No, don't go." He muttered. "You smell divine."

Sinalat ko ang noo nito. Nakahinga ako ng maluwag. "Sinat nalang. You need to eat, let go."

Wala itong nagawa kundi ang pakawalan ako. Pumunta ako sa maliit na kusina na kadugtong ng kwarto. Kinuha ko ang isang cup noodles na binili nila Racky bago sila umalis. Habang pinapainitan ko ang cup noodles ay tiningnan ko na muna si Reid. Tulog na tulog pa rin ito. Sabagay, alastres palang naman ng umaga kaya mahimbing pa rin ito.

"Kumain ka na. Kailangan mong uminom ng gamot." Sabi ko habang dala ang cup noodles. Umupo ako sa tabi niya at inumang sa bibig nito ang sabaw.

"Ang sarap namang mag-alaga ng Mahal ko." Nakangising sabi nito.

Bigla akong nakaramdamn ng inis sa ngisi nito. "Isumpak mo na 'to o ibabanli ko 'to sayo."

Tumawa ito pero sinubo na ang sabaw. Wala naman akong magagawa kundi ang alagaan ang bakulaw na ito. Dinamay pa kasi ako sa gulo niya. Kapag gumaling na ito, saka ko siya bubugbugin dahil sa kabalbalang ginawa niya kagabi.

"May masakit pa ba sayo?" Tanong ko habang patuloy itong sinusubuan.

"Yes . . Dito. Masakit." Turo nito sa kaliwang dibdib.

I rolled my eyes. "Inumin mo na 'tong gamot mo."

"I want to pee." Sabi nito pagkatapos inumin ang gamot at tubig.

"Thank you for sharing, ha." Sarkastikong sabi ko.

Papatayo na sana ako nang pigilan niya ako. "Help me."

BROKEN STRINGS (COMPLETED)Where stories live. Discover now