"Wala ka na bang project after n'on?"

"Meron akong mga extra roles sa movie at TV series. Meron din akong bagong project na gagawin. This time, ako na talaga ang leading lady," masiglang sagot niya.

"Wow! Congrats! Sabi ko sa 'yo, eh, tutuloy-tuloy na ang project mo," bati nito.

"Salamat. Sana nga ay mabigyan ko ng hustisya ang role ko. Medyo kabado pero exciting."

"Good luck! I know you will make it."

"Thanks," nakangiting sabi niya.

"Anyway, I already forwarded your balance payment to the accounting office."

"Salamat." Tumayo na siya. Hindi niya mabilang kung ilang beses na siyang nagpasalamat kay Franco.

Pagkuwan ay nagpaalam na siya rito. Bago siya tuluyang umalis ay kinuha muna niya ang kanyang tseke sa accounting office. Nagkakahalaga ng twenty-thousand ang laman ng tseke. May pandagdag na siya para sa pagpapagawa ng bahay.

Mabuti bukas pa ang banko. Nai-deposit niya sa kanyang account ang laman ng tseke. Malaking bagay talaga na nakapag-part-time siya sa kompanya ni Franco. Kung tutuusin ay marami nang naitulong sa kanya ang binata. Nagkaroon siya ng kotse at nasisimulan na ang dream house niya kahit kapos pa ang budget niya.

TATLONG araw ng lumipas. Dumalo si Coleen sa press conference ng RM production para sa bagong project na kinabibilangan niya. Excited na siyang makilala ang mga co-artist niya. At siyempre, ang magiging leading man niya. Ang sabi ni Ms. Agenta ay model din ng Calla ang leading man niya. Lalo tuloy siyang na-excite.

Habang hinihintay ang ibang staff ng production company ay nagkaroon ng pagkakataon si Coleen na makausap ang ibang cast ng pelikula. Ang iba ay mga sikat na ring aktres at aktor ng late generation. Marami ring baguhan at halos mga modelo ang naroon. Ang tema kasi ng kuwento ay about fashion at kompitisyon sa larangang iyon. Parang sa real life din, pero magkakaroon ng secret affair ang bidang babae sa kanyang photographer na siyang may-ari rin ng modeling company, Siya kunwari ang top model. Interesting ang plot ng story.

Nakapuwesto si Coleen sa bandang gitna ng long table sa may kaliwa. Ang bakanteng silya sa gawing kanan niya ay nakalaan para sa leading man niya. Nakahanda na rin ang taga-media para makisimpatiya.

Mamaya ay dumating na si Ms. Agenta at iba pang production staff. Kasama na rin si Ms. Cynthia na siyang in-charge sa casting. Kanya-kanyang hanap ng puwesto na rin ang mga ito. Ang inaabangan talaga niya ay ang kanyang leading man. Bakit wala pa ito? Nagsasalita na si Ms. Agenta.

Binabasa ni Coleen ang nakasulat sa kaperasong papel. Naglalaman iyon ng mga importanteng impormasyon tungkol sa paksa nila. Na-distract siya nang may humila sa silyang nasa kanyang kanan. Napadoble ang tingin niya sa lalaking umupo roon.

"Franco?" bulalas niya.

He smiled at her. He's wearing fitted black polo-shirt. Hindi makapaniwala si Coleen. Ano naman ang ginagawa nito roon? At doon pa talaga umupo sa upuan ng leading man niya.

"Bakit parang nakakita ka ng multo riyan? Ayaw mo ba akong makatrabaho?" pilyong tanong ni Franco.

Pakiramdam ni Coleen ay may bumara sa lalamunan niya. Hindi siya nakakibo dahil sa labis na pagkawindang. Ano ang ibig nitong sabihin? Naibaling niya ang tingin kay Ms. Agenta na nagsasalita at kinuha ang atensiyon nilang lahat.

"Okay, these will be our final press conference and we will discuss the project later. Since narito na lahat ng cast, lilinawin ko ang mga important roles ng bawat isa. Siguro naman ay lahat kayo rito ay nabasa ang physical book version ng gagawin nating movie. So, I hope, you guys know each other especially our leading man and leading lady. Later we will take some short interviews for the casts. Okay, lets' proceed."

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon