"Iyang buhok mo. Siya rin ba nagpakulay?"

Umiling ako. "Desisyon ko po."

"Baka bawal iyan. Itanong mo muna roon sa school kung puwede at baka hindi ka pa papapasukin sa klase."

After nodding, she started explaining to me the rides that I should be taking going to school and back home. Nililista ko sa kalahating papel ang numero ng mga jeep na sasakyan pati na rin ang ekstaktong halaga na ibabayad.

"Bilangin mo ang sukli, ha? Minsan kulang o sobra ang ibibigay nila sa 'yo nang hindi namamalayan. Matuto kang magsalita, Samara. You have the right to complain kung kulang o sobra ang isinukli sa 'yo," dagdag pangaral niya habang nasa pangalawang jeep na kami.

She didn't drive her car. Nag-commute kaming dalawa tungo sa bago kong eskwelahan para sa susunod, ako na ang gagawa nito mag-isa.

"Kahit piso lang ang kulang?"

Nainis ko yata siya lalo sa sinabi ko.

"Anong piso lang? Marami nang magagawa ang piso, huwag mong maliitin iyan!"

God, I think she's teaching me responsibilities. Wala ka na raw kasi ibang inatupag sa mga nagdaang buwan kundi gala, mukmok sa bahay at Angelov! When in fact, there's more to explore out there, Samara, than the fields within Pueblo El Grande! You are no longer the trapped princess you're used to be.

After one tricycle ride and three jeeps later, I reached the school. Bumaba si Ate para ihatid ako sa enrollment area pero hindi na rin nagtagal at binuod na lang sa akin ang dapat kong gawin sa buong proseso.

Looking back, the anxiety of talking to people I don't know all came home to me. Wala akong iniimik maliban sa mga staff ng enrollment. May isang lalaki nga na katabi kong nagfi-fill up ng form, hindi ko sinagot ang tanong at tumayo na lang ako basta para sa sunod na proseso. I felt bad ignoring him but I just couldn't do it. It's like my words are predestined to tremble as soon as I open my mouth.

Anong nangyayari? Dapat hindi muna ako iniwan ni Ate. Pero paano ko malalagpasan ito sa susunod na wala siya, o ang ibang tao? I thought the conversations I had with my therapist would at least make me slightly improved but I guess it didn't work out, or am I the one holding back?

Iniisip ko na lang na dise-otso na ako. So I shouldn't act like a twelve-year-old or some grade-schooler who still waits for her mother to fetch her.

"Vidaurri!"

Tumayo ako at pumasok sa silid na pagkukuhanan ng litrato para sa ID.

This is indeed something new. Hindi ko napigilan na ikumpara ang ngayon sa dati rati na pag-apak ko pa lang sa unibersidad sa unang araw, diretso na ako sa classroom. There's always someone who takes care of it for me, probably my father's secretary, but it was really more about the perks of being the youngest daughter of the renowned and top cosmetic surgeon in the country.

Now, I'm just no one. Not that I was somebody way back in our big house in Maria Luisa. Ang pagkakaiba lang ay wala na ngayon ang mga luho ko na noon ko pa natantong hindi ko pala labis na kinailangan.

"Dra. Vidaurri, paayos daw po siya ng ilong, o!"

Dumapo ang tingin ko sa mga nagtatawanan sa likod ng photographer. They're a bunch of guys teasing their friend in the middle. Curly hair on top and with glasses.

"O, sagot ko na pa-nose lift mo!" asar ng isa sa kaliwa niya.

I towed my eyes back to the camera and pulled up a tiny smile. They know my Mom, of course. But I don't think a single cell in here knows who I am, unless a research about me would interest them. Limitado sa clinic at bahay ang pagkakalantad ng mukha ng mga anak ni Graciella. Well, maybe except my sister but no one talks about her nowadays. Today may not be an opportuned time to talk ill about Mom but I think she's got something to do with the media keeping their lenses off of her daughters.

OBSIDIAN ISSUE #2 : WOUNDEDWhere stories live. Discover now