“K-KENT! TULUNGAN MO AKO!”

        Kent’s POV

 

        “Sir Manjon,” sinalubong ako nang isa sa mga security sa companya na si Manong Gary. Tiningnan ko si Theyn at sumenyas itong sa kotse maghihintay tinanguan ko siya saka siya lumakad na.

        “Oh, Manong Gary. May kailangan po kayo?” napayuko lang siya at parang nahihiya.

        “Opo, gusto ko sana mag-loan at may sakit ang anak ko kaso hindi ako pinayagan nang accounting.” Nakatungo niyang sabi. Napatango-tango lang ako.

        “Alam ko pong madami akong loan dito sa kumpanya kaya hindi ako pinayagan. Kaya kinakapalan ko na po ang mukha ko na sa inyo humingi nang tulong. Hindi po kasi namin madala sa hospital ang anak ko dahil wala kaming pera.”

        “Manong Gary, isa ka sa mga tapat na security guard dito at matagal na kayo dito. Hindi kayo dapat nagdadalawang isip na lumapit sa akin.” Kinuha ko ang wallet ko at kumuha ng cheque. I seldom bring money. Cheque or credit card lang ang laging laman ng wallet ko.

        I write an amount on the cheque saka ko ‘to pinirmahan. Inabot ko kay Manong Gary saka ito umalis na sobrang nagpapasalamat.

        Tumalikod na ako nang maalala ko na naghihintay pala sa akin si Theyn.

        Naglakad ako papunta sa parking space nang sasakyan ko at halos magulat ako sa nasaksihan ko. The blood sucker is trying to get her again.

        “K-KENT! TULUNGAN MO AKO!” agad akong kumaripas sa takbo at inilayo siya sa blood suckers. Kinalong ko si Theyn at agad akong nagteleport papasok sa kotse ko.

        Mabilis akong nagda-drive at kung puwede ko lang paliparin ang kotse ginawa ko na. Hysterical pa rin si Theyn at umiiyak na nakapikit.

        I brought her to my place and called Lorelei. Hindi ko kasi alam kung ano ang gagawin kay Theyn. Kapag niyayakap ko siya tinutulak niya ako at parang takot na takot.

        “Ako ‘to, Theyn. You’re safe now.” Bulong ko sa tenga niya habang patuloy pa din siya sa pagtangis.

        “Tito Kent,” tumambad sa akin si Lorelei kasama si Hunter. Medyo malaki na ang tiyan niya para sa second baby nila ni Aric.

        “Lorelei, inatake si Theyn nang mga blood suckers. This is the second time.” Nag-aalala kong sabi.

        “It’s because her blood was fragrant. She was fresh. S-she was…V-virgin,” nakangiting sabi ni Lorelei. Napasimangot naman ako. May gana pa siyang ngumiti sa ganitong sitwasyon?

        “And what do you mean by that?”

        “You know blood suckers like a victim who’s like…her. Theyn’s kind is what blood suckers would love for a victim.”

        “I know that. But what it has to do with her virginity?!” I retorted.

        “Stop being so naïve, Tito Kent. As if you didn’t study about the different kinds of vampires. Blood suckers victimized those virgin. You know that kasi nabiktima nila ang kaibigan ni Theyn.” She said.

        “So ano’ng gagawin ko?”

        “You can’t just get her purity without marriage, Tito Kent.” She said.

        “And, what are you implying?” I narrowed my eyes on her and waited for her to speak up.

        “Marry her so you can claim her. Marry her and she will be yours forever. Marry her and the blood suckers will stay away from her.” Napalunok ako nang malalim sa sinabi niya.

        “Pero malalaman niya ang sekreto ko.” Nag-aalala kong sabi.

        “Kung totoo kang mahal ni Theyn, matatanggap ka niya. Confess your true you at pakasalan mo siya.”

        Marry her. That was my dream. But how can I marry her if she wants it in church? I would love to marry her in every part of the country. Pero hindi sa simbahan.

        Natatakot ako sa magiging reaksyon niya kapag nalaman niya ang totoo.

        “Alam ko Tito na hindi madaling mag-pakasal. You need a lot of time for preparation. But you can run your money para mas mapadali. Ang maitutulong ko ay ma-stall and blood suckers and prevent them from getting her. I will ask Queen Ingrid if they have an amulet about it. Ang problemahin mo ay ang pagtatapat kay Theyn and of course, your proposal.” Mahabang litanya ni Lorelei.

        “Give me month, Lorelei. 1 month is all I need.”

-=-

        A.N: Hi guys! You should commend me for I updated #MKiSF trice in a row. Hahaha. Enough with the mushy part and let’s get to action. *bang!*

Hugs and kisses to everyone ♥

©Thyriza

My Knight in Shining Fangs [Fangs Series # 1]Where stories live. Discover now