Chapter 5

8.8K 420 80
                                    

Chapter 5

"ANONG MUKHA 'YAN?" Sinamaan ko ng tingin si Nicole. Kanina pa sila nagkukwentuhan pero hindi ko makasali sa usapan dahil bad trip talaga!

'Yung liptint ko!

Sabi niya pa na siya magpapapula?! What the heck? Arghhh! Namumuro na sa'kin ang Mr. Ssg na 'yon!

"Wala na kase 'yung liptint ko. 'Yung Mr. Ssg na 'yon! Lagi na lang ako pinupuntirya!" inis na sabi ko.

"Baka crush ka." Sinamaan ko naman ka'gad si Janelle.

"Psh! Basta naiinis ako sa Mr. Ssg na'yon."

"Oyy, 'wag mo masyadong hate. The more hate the more you love pa naman," sabat naman ni Stephanie.

"Psh, Hindi totoo 'yon."

"Laki naman ng problema mo. Pwede ka naman bumili ng panibagong liptint," si Nicole.

"Eh wala akong pera eh. Tsaka bago lang 'yung liptint ko na 'yon!"

Napasimangot ako dahil kahit ano namang pagrereklamo eh wala na akong magagawa. Bibili na lang ako ulit at hindi ko na ipapakita kay Mr. Ssg.

Walang pasok kaya ako ay nakahilata na naman sa kwarto ko. Naghalungkat naman ako sa mga gamit ko at sa Hindi inaasahan ay nakita ko ang isang bagay na nakakapag papaalala sa kaniya.

Kinuha ko ito at dinala sa kama. Bracelet ito na ginawa ko noon para sa kaniya pero hindi niya tinanggap at sinabihan pa ako ng panget. Dahil sa kaniya ay na insecure ako sa sarili ko. He's my first crush. My first down because of rejection.

Alam kong bata pa kami noon at hindi malinaw ang nararamdaman pero dahil sa ginawa niya ay nawala ang gana ko sa ibang bagay. I became more insecure on what I look. Feeling ko tuloy sa bawat nakatingin sa'kin ay palihim akong sinasabihan ng panget. Masakit kaseng masabihan ka ng panlalait mula sa taong gusto mo.

Hinila ako pababa noon. As the time passed, I learned to lift up myself. Bring back my confidence that's why I'm into make ups or so what could make my appearance be more attractive.

"Shan-shan!" sigaw ko pero hindi niya ako nililingon. Napasimangot ako at binilisang tumakbo para mahabol siya at nang maabutan ko siya ay agar ko siyang hinarangan gamit ang braso ko.

Naiirita naman siyang tumingin sa'kin. Napanguso tuloy ako. Pasalamat siya diyan crush ko siya kun'di ay nabatulan ko siya dahil sa sama ng tingin niya sa'kin. Wala naman kase akong ginagawang problema eh.

"Bakit ba kase ayaw mo sa'kin? Malaki na kaya ako," sabi ko at tumingkayad pa para ipakita sa kaniya na malaki na talaga ako.

"Da-day stop it. Hindi ka pa malaki tsaka ang liit-liit mo kaya," aniya at nakangusong umiwas ng tingin. Humalukipkip naman ako at umisip ng maaring magpakumbinsi sa kaniya. Tila ay may umilaw na bumbilya sa aking gilid at nakaisip ng paraan.

Mabilis kong hinubad ang panty ko na mayroong napkin na nakalagay. Nilagay ko ito kase nakita ko yung crush niya na bumili ng napkin at nang tanungin ko ito ay para daw ito sa malalaking babae na kaya bumili rin ako. Medyo makati nga sa singit eh.

Nakita kong nanlaki ang mata niya at nagtakip ng mata. Naiinis naman siyang Napalayo sa'kin. Lumapit ako sa kaniya at inilapit ang panty ko para makita niya. Nakamahabang palda naman ako kaya hindi niya makikita ang kiki ko.

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon