Chapter 16

5.8K 306 11
                                    

Chapter 16

"First day mo as ssg officer. Magbantay ka muna sa gate. Alam mo naman siguro 'yung rules 'diba?" sabi ni Mr. Vice. Tumango naman ako.

Medyo kinakabahan naman ako dahil nga baka puro mga kakilala ko lang ang makita ko! Mamaya kasi isipin nila na parang walang pinagsamahan at gawin nila akong taga excuse sa kanila.

"Walang kaibigan kaibigan ha?" nakangiti namang sabi ni Mr. Vice. Tumango ulit ako at nagtatakang wala parin si Mr. Ssg. Sabi kase ni Mr. Ssg may sasabihin pa s'ya sa'kin bago ako magsimula.

"Okay, let's start. Nag bell na." An'ya at nag simula naman na pumwesto ang bawat isa.

Wala pa naman masyado akong nakikitang lumalabag sa rules hanggang sa nakita ko ang mga kaibigan ko!

Napasapo ako sa noo ko. Ano ba'yan!

"H-hoy," sabi ko sabay harang sa kanila gamit ang braso ko.

"Hoy ka din." Pamimilosopo ni Janelle.

"Ssg officer na s'ya HAHAHAHA pa excuse kami," sabi naman ni Steph. Napakunot naman ako ng noo.

"Hindi pwede. Tanggalin n'yo na lang 'yan," sabi ko at napairap naman sila.

Nakakainis! Ito na nga ba sinasabi ko eh! Napabuntong hininga na lamang ako.

"Dali na bago may iba pang makakita!" sabi ko at nagsikilos naman sila. Mga pasaway!

Lumingon lingon pa ako para tingnan kung may ibang naka tingin at nanlaki ang mata ko dahil paalapit si Mr. Ssg!

"Oh dali—dali! Pumasok na nga kayo at 'wag na lang magpahalata," sabi ko at tumango naman sila. Tinignan ko naman sila na dire-diretso ang lakad at nakayukong nakasalubong si Mr. Ssg. Nilingon pa sila ni Mr. Ssg bago dumaretso sa'kin ng lakad.

Patay.

"Good morning," sabi n'ya nang nakakunot parin ang noo.

Nakita kaya niya?

"M-morning," sabi ko at tumango s'ya.
Tinitigan n'ya pa ako kaya napaiwas ako ng tingin.

Palpak first day ko!

Ano ba 'yan self! First day mo as ssg tapos nakalabag ka ka'gad ng rules!

"Sino 'yon?" an'ya at nginuso ang nakasalubong n'ya kanina.

'Mga pasaway kong kaibigan!'

Gusto ko sana sabihin 'yon kaso umurong ang dila ko dahil may kasalanan ako!

"H-ha? Sino? Wala 'yon."

"Really? Hindi ba mga kaibigan mo 'yon?" sabi n'ya at humakbang papalapit sa'kin. Napakamot naman ako ng ulo. Ang tanga ko naman! Kilala n'ya pala sila!

"Ah—oo nga pala mga kaibigan ko sila hehe." Napataas naman s'ya ng kilay sa sinabi ko. Napakagat ako dahil ang tanga ko magdahila. Hmp!

"Bakit hindi mo sila hinarangan? Dapat magsusulat 'yung mga 'yon," sabi n'ya at pasimpleng napangiwi ako.

"H-ha?"

"Hakdog. Unang araw mo as ssg pero lumabag ka ka'gad. I thought you're responsible," sabi n'ya at napayuko naman ako.

Saket naman ng 'I thought mo.'

"Sorry," nasabi ko na lang. Narinig ko naman ang pagismid n'ya.

"Ganito kase dapat." Napatingin naman ako sa kan'ya na pumunta sa mga student na nakabukod dahil lumabag sa rules. Lumapit naman ako ka'gad.

Hinila n'ya ang isang babae na pulang pula ang pisngi at labi.

MR. SSG [ COMPLETED ] *editing*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon