Kabanata 5

66K 2.4K 101
                                    

 DEAL

Inalalayan ako ng ginang na makaupo. Ingat na ingat siya habang nilalagyan niya ng unan ang likod ko para makasandal. Ngumiwi ako nang nakita ang buong sugat ko sa buong braso. Bigla tuloy akong nalungkot para sa aking sarili dahil ang inaalagaan ko na balat ay nasira na.

Naamoy ko ang sinigang na tingin ko ay luto niya. Nilapag niya ang table tray sa harap ko at inayos pa ang pagkain sa table ko. Naninibaguhan ako dahil hindi ako sanay na may umaasikaso sa akin. Hindi ko maiwasan ang maalala si Mommy. Ginagawa niya ito sa akin dati noong hindi pa siya nagpakasal, noong kami pa lang dalawa. Kapag may sakit ako, ginagawa niya ang bagay na ito. But that was before...

"Grabe, sayang ang balat mo, hija, lalong-lalo na ang braso mo," naghihinayang na sambit ng ginang. "Pang-beauty queen ang kutis mo, hija. Iyan ang kutis na kinaiinggitan ng anak ko."

Umawang ang labi ko at nagtagal ang tingin sa kanya. Kahit gano'n pa man, masuwerte pa rin ang anak niya sa kanya kasi may maaalahanin siyang ina. Hindi niya kailangang mainggit sa physical na kaanyuan dahil temporaryo lang naman ito.

Maingat na inilapag ng ginang ang mainit na sinigang sa table tray.

"Kumain ka, hija! Dalawang linggo kang tulog. Akala ko ay comatose ka na, hija. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman mo ngayon pero kailangan mong mabuhay at magpakalakas," sambit niya at ngumiti sa akin.

Hindi ako sanay na may ganitong tao na magsalita ng ganito sa akin. Pinukaw niya ang puso ko.

"Alam ko na may nagmamahal pa rin naman sa iyo, kaya..." Hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin tuloy ako roon. "Laban lang! Walang problema ang hindi nasolusyonan. Everything happens for a reason, hija. May rason kung bakit ka naligtas sa aksidenteng iyon."

"M-Maraming salamat po," sambit ko at nag-iwas ng tingin.

Inalis niya ang kamay niya sa akin at umatras na.

"Huwag ka sa akin magpasalamat. Sa alaga ko kasi siya ang nagligtas sa iyo sa aksidente."

Umawang ang labi ko at tiningnan siya. Ngumiti lang siya sa akin bago nagpaalam na umalis.

Bakit niya ba ako niligtas? Talagang niligtas niya ako? Baka nagkataon na siya ang nakakita sa akin kaya wala siyang choice kundi ang tulungan ako. Hindi sila friends ni Greg at hindi ko alam kung ano ang dahilan ng alitan nila. Nalaman ko lang na dati siyang kaibigan ni Greg.

Pagkatapos kong kumain ay pinainom ako ng ginang ng gamot na binigay ng doktor. Ang pangalan ng ginang ay Eula at siya ang nag-alaga kay Brent simula bata pa lang. Gusto niyang tawagin ko siyang Manang Eula dahil iyon daw ang tawag ng alaga niya sa kanya.

Kung dalawang linggo na ang nakalipas, ano na ang nangyari sa kanila? Hinahanap ba nila ako? Siguro nga, pero sana hindi na. Sana isipin nila na patay na ako.

***

Nang gumabi ay nakaramdam ako ng kalungkutan dahil ako lang ang mag-isa sa kwartong ito. Hindi ako pamilyar sa lugar na tinapakan ko ngayon pero tingin ko ay nasa Cebu pa rin kami. Hindi ko lang alam kung saan. Gusto ko lang naman magpakalayo at hindi na mahanap muli.

Bumuntonghininga ako at saka pipikit na sana nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa roon si Brent na may dalang laptop. Yes, his name is Brent Young at tingin ko ay pareho sila ni Gregory na may kompanyang hinahawakan. Gulat na napatingin ako sa kanya. Pareho pa rin ang suot niya kanina.

"Uhm..."

Sinarado niya ang pinto at nagpunta sa sofa at saka inilapag sa center table ang laptop na dala niya. Binalingan niya ako saglit bago nagtungo sa malaking kurtina at hinawi ito.

Mangha ang unang naramdaman ko nang nakita ko ang labas. Hindi ko akalain na nasa Cebu City kami at tingin ko ay condo unit ito. Sobrang ganda ng gabi at nagliwanag ang mga ilaw na nakapalibot sa bawat building.

Hindi siya umimik at bumalik sa may sofa matapos hinawi ang kurtina. Nagawa ko siyang pagmasdan dahil sa anggulo niya at tingin ko ay hindi niya naman ako mapapansin kung titigan ko siya.

Brent was the opposite of Gregory. Kung si Gregory ay ngumingiti, ang isang ito ay hindi. Asset niya yata ang poker face niya na bagay naman sa kanya. Bukod sa abo niyang buhok at malinis na paggupit, hindi rin gaano ka-rough ang feature niya kung ikukumpara natin siya kay Gregory. Mahahalata natin sa physical na anyo niya na may lahi siya. Sa ilong niya pa lang na matangos. Ang kanyang makurba na labi na mapula, ang kanyang kilay na sakto lang ang kapal at mas nagpapaganda ng mukha niya ang kanyang pilikmata na makapal.

Kung si Greg ay fuckboy type ang vibes, ang lalaking ito ay parang may sariling mundo. Kung college pa ito, sigurado ako na nasa libro ang atensyon. May aura siya na suplado at tipid magsalita. Pananamit niya ay simple pero alam ko na mahal. Sa lahat ng lalaking nakilala ko, siya ang pinakamalinis at mabango. In short, guwapo.

I sighed.

"Stop staring."

Namilog ang mata ko at biglang natauhan. Bigla akong nahiya sa sarili nang nakita ko na sumulyap siya sa akin. Umayos agad ako sa paghiga.

"S-Sorry." Ibinaling ko agad ang tingin ko sa bintana.

"I can't focus," dagdag niya na ikinalingon ko.

Nakita ko na sinara niya ang kanyang laptop at hinubad ang kanyang eyeglasses. Napalunok ako nang tumayo siya at naglakad patungo sa akin. Wala pa ring pagbabago sa kanyang mukha.

Nang tuluyan na siyang nakalapit ay yumuko siya at niliitan ako ng mata. Ang kanyang electric blue eyes ang biglang nagpatigil sa akin. Ang ganda ng mata niya.

"Let's make a deal, Khadijah Louise Cruz," sambit niya sa buo kong pangalan. "We are going home. My place where no one knows. Even Greg, even my family."

Nang hindi ako nagsalita, nagpatuloy siya.

"No social media, no phones allowed. In that way, you will be able to heal yourself. I will share with you my comfort place."

Hindi naman ako mahilig sa social media.

"Matitiis mo iyon, Khadijah?" naghahamong tanong niya.

Wala sa sariling tumango ako. Iyon naman talaga ang gusto ko, ang makalayo sa lugar na ito. Kaya sasama ako, matitiis ko ang lahat ng iyon.

"Deal?" tanong niya muli, nakaangat na ang isang kilay.  

Huminga ako nang malalim at saka siya tinanguan. "Deal."

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon