CHAPTER 2

80 9 0
                                    

                      CHAPTER TWO



“What the fuck is this?!” Mabilis na naghiwalay ang mga labi namin ni Jeco nang makarinig kami ng sigaw malapit sa pintuan. Agad na lumipad ang mga mata namin sa kinaroroonan ng boses at doon ko nakita ang isang babae. Tinaasan ko ito ng kilay habang ini-eksamin ang kabuuan nito. Err, babae--- mahaba ang buhok, morena, pangit, mataba, at mukhang palaban, pero pasensyahan, mas palaban ako.


“Tangina mo naman, Jerico!” Muling sigaw niya at halos matapilok ito makarating lang 'agad sa pwesto namin. Mabilis akong kumalas mula sa mga bisig ni Jeco at napaatras nang aktong sasabunutan ako nito. Mabilis siyang hinila ni Jeco papalayo sa akin at mahigpit na hinawakan ang magkabilang kamay niya.

“Putangina mo!” Gigil na sigaw nito habang malakas na nagpupumiglas. I don't know if this pig was pertaining to me or to her ex. Yes, ex. I know after this incident, from standing on the title as a boyfriend, Jeco would easily fall down to the lowest step as an ex-boyfriend. All of the sudden, I wanted to smirk upon watching these idiots. Tingnan mo nga naman ang tagpong 'to. Isang manlolokong pilit na pinipigilan ang balyena niyang ex-jowa mula sa pag-ataki sa akin. Wow. Wasn't that a hard slap for her? Kasi mas mukhang inaalala pa ni Jeco ang kapakanan ko kaysa rito sa yakap yakap niya. Well, not that I'm complaining. Dapat lang talaga gawin iyon ni Jeco.

“Babe naman, tama na 'yan! Nakakahiya---”

“Tangina mo, gago! Tama na 'tong ginagawa ko? Bakit? Sobra sobra na ba para sa'yo? Bakit ka mahihiya? Because those bitches next door are watching us right now? At nahiya ka pa talaga ro'n, samantalang napaka kapal ng mukha mong lokohin ako pagkatapos kong ibigay ang lahat sa'yo!” Hindi ko naiwasang ipag-krus ang mga braso ko bago naglandas ang mga mata ko sa may pintuan. Naiwanan kasing bukas ng ex-jowa ni Jeco ang pinto kaya ayan tuloy, pinagpipiyestahan ang pathetic na palabas nilang dalawa.

Ito rin kasi ang mahirap sa ibang tao. Bakit ba kasi ang hilig ng mga ito na ibigay ang lahat sa karelasyon nila? Hindi ba sila aware na ang pag-ibig ay isang sugal? Kung makapag invest naman kasi ng feelings at ari-arian, akala mo naman may kasiguraduhan sila. Bakit, mala lupa ba ang mga ito? Na at the end of the day ay may makukuha kang proof or document na nagsasabing sa'yong sa'yo na ang partner mo at pag-aari mo na ito kaya wala nang ibang tao pa ang makikinabang dito maliban sa'yo. Ang sino mang pangahas na lalapit at magtatangkang magkontrol sa karapatan mo rito rito ay makakakuha ng violation na encroachment or trespassing. Susko, eh, 'yung mga mag-asawa nga minsan, may kasulatang pinanghahawakan na at may singsing nang nakasakal sa kanila, pero ano? May mga nagagawa pa ring magloko. Sa dagat ng pag-ibig, halos lahat ay nagagawang manlinlang para lang makaahon. Hindi talaga mawawala sa mundo ang manloloko at nagpapaloko... tulad na lang nitong dalawa.

“Please lang, babe. Pag-usapan na lang natin 'to, maaayos din natin---”

“Putangina, Jerico! Natutuyuan ako ng utak tuwing nagsasalita ka! 'Yung katarantaduhang ginawa mo sa'kin, hindi na maaayos 'yan ng putanginang pag-uusap! Pakyu! Ang kapal talaga ng mukha mong hayop ka. Magdadala ka pa ng babae rito, putang ina ka, eh ako ang lahat ng gumagastos sa'yong damuho ka! Ang kapal kapal ng mukha mo! Alam ba ng mga kabit mong pera ko ang ginagamit mo sa pambababae?! Tarantado ka pala eh!”

Napanganga ako sa narinig. What the hell? So, lahat ng perang ginastos sa'kin ni Jeco para sa araw na 'to ay galing sa baboy na 'to? I have my own money and I've never tried in my whole life to ask someone to buy me stuff or give me some money. Ang lahat ng ginagastos sa'kin ng mga naging lalaki ko ay hindi dahil sa pamimilit ko, kundi sa pagiging mapagbigay nila, but in this case, kahiya hiya nga naman si Jeco dahil ang lakas nitong mambabae eh, butas naman pala ang bulsa!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Behind Stone-Blind HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon