Kabanata 3

64.9K 2.4K 42
                                    

RUN

Niyakap ko na lang ang sarili ko nang maalala ko iyon. He is a damn cheater at pati sarili kong pamilya ay hindi ako pinaniwalaan at pinagbigyan sa gusto ko. They are not concern of my feelings. Humiga na lang ako sa kama at tinakpan ang sarili ng kumot. Wala na akong ganang mabuhay. Nakakapagod.

***

Dalawang araw ang nakalipas ay naging busy ang lahat. Ngayon kasi ang araw ng kasal ko. Kung dati ay excited na excited ako, ngayon ay para akong namatayan. No one, not even my mom listened to me. Wala sa kanila ang naniwala na pinagtaksilan ako ni Gregory. Marami sigurong paraan para iligtas ang kompanya, marami sigurong options, pero ako ang ginawa nilang bayad para maligtas ang kompanya nila. Parang hindi ako tao. Para akong isang robot.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Suot ko ngayon ang mamahaling gown na siyang bagay na bagay sa akin. Sobrang ganda ko ngayon, sobrang ganda ng lahat. Lahat ay excited sa kasal namin. Hindi ko namalayan na tumulo ang luha ko at nang napansin iyon ng makeup artist ay natigilan siya at hinarap ako.

"Bakit umiiyak ang bride?" nagtatakang tanong niya habang inaayos muli ang makeup ko.

Ngumiti ako nang mapait sa kanya. "W-Wala, m-masaya lang ako." Nanginig ang boses ko. "K-Kasal ko na k-kasi."

Ngumiti siya sa akin at pinaharap muli ako sa salamin. "Sabagay." Bumuntonghininga siya. "Sino naman ang hindi iiyak sa saya? Eh, magiging asawa mo ang isa sa mga gwapong binata sa business world."

Kinagat ko nang mariin ang ibabang labi ko at hindi na lang nagsalita.

Nang matapos niya akong ayusan ay iniwan niya ako saglit kaya nagkaroon ako ng oras na buuin ang plano ko. Hindi ko hahayaan na maikasal ako sa kanya.

"Malapit na mag-start! Kailangan na nating isakay ang bride sa kotse!" narinig kong sambit ng isang babae na tingin ko in-charge sa kasal namin ni Gregory.

Agad lumapit sa akin ang isang kasambahay at inalalayan niya ako na makalabas sa kwarto. Siya ang nag-angat sa malaki kong gown dahil halos hindi ako makalakad dahil sa bigat at haba. Diretso lang ang tingin ko sa kotse at laking pasalamat ko na wala pang driver dahil umiihi pa raw.

Kaya nang makapasok ako sa kotse ay dumiretso ako sa driver's seat at ako na mismo ang nagpaandar. Mabuti at nasa dashboard pa ang susi. Nahirapan ako sa pag-upo dahil sa sobrang laki ng gown ko pero wala akong pakialam. Ang mahalaga ay makaalis ako at hindi matuloy ang kasal.

Nanlaki ang mata ko nang nakita ko ang natarantang si Manong kaya agad kong pinaharurot ang kotse.

"Ma'am!" sigaw niya at hinabol pa ang kotse na sinakyan ko kaya mas binilisan ko ang pagmamaneho.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko lalo na't hindi ako sanay mag-drive. Pero kailangan kong gawin ito para makaalis ako at hindi na matuloy ang kasal. Ito na lang ang tanging magagawa ng isang desperadang babae. Diretso ang pag-drive ko sa Compostela road at nang naramdaman ko na may sumusunod sa akin ay mas lalo lang akong nataranta kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo sa kotse.

Halos tumigil ang hininga ko habang um-overtake ako sa mga kotse na binubusinaan na ako dahil sa mabilis ko na pagmamaneho. Nang marinig ko ang pag-ring ng phone ko ay mas lalo akong nataranta. Tumulo ang luha sa aking mata at napailing-iling.

"Please hayaan niyo na ako!" sigaw ko at humigpit ang kapit ko sa manibela. "I hate you, Greg! I thought you were the only man who would never hurt me! Pero pareho lang pala kayo!"

 Inabot ko ang phone ko na nasa gilid ko at sinilip kung sino ang tumawag. Para akong baliw na tumatawa nang makita ko ang pangalan ni Greg. In-off ko ang tawag at tinanggal ang battery sabay tapon sa back seat.

Ibinalik ko ang atensyon ko sa harapan at nakita ko ang kotse ni Gregory sa side mirror. Umawang ang labi ko at muntik ko na mabangga ang nasa unahan ko.

"Hayaan niyo na ako!"

Pinunasahan ko ang luha ko.

Hindi na ako makapag-focus dahil halo-halo na ang aking naramdaman. Hindi ako masyadong makagalaw dahil na rin sa gown ko. Ang tanging nasa isip ko lang ay ang makatakas. Napasigaw ako at pinukpok ang ulo sa manibela nang maubusan ako ng gas sa gitna ng kalsada.

Binuksan ko agad ang pinto at akmang lalabas na sana nang maipit ang gown ko sa may upuan kaya bumalik ako sa pag-upo at hinila ang naipit na tela. Pero natigilan ako nang marinig ko ang paparating na isang truck na mabilis ang pagtakbo. Bigla akong nanigas sa kinauupuan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako makagalaw sa sobrang gulat.

Parang biglang tumigil ang mundo ko. Wala akong tanging narinig kundi ang pagtibok ng puso ko. Huli na nang napagtanto ko na babangga ang truck sa akin. Naramdaman ko na lang na parang lumabas ang kaluluwa sa katawan ko sa sobrang lakas ng impact ng pagkabangga. Parang sa isang iglap, nilipad ang katawan ko at naramdaman ko ang pagtusok ng balat ko sa basag na salamin.

Halos hindi na ako makahinga at sobrang labo na ng paningin ko. Mga tili ng tao at ang usok ng sasakyan ko ang nakita at narinig ko. Naramdaman ko ang unti-unting pagdaloy ng dugo ko mula ulo hanggang sa buong mukha. Naghahabol na ako ng aking hininga at nang dumilim na ang paningin ko, mapait akong napangiti at tinanggap ang aking pagkatalo sa buhay na ito.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon