"I don't know yet," sabi ko at humiga sa kama niya. Tahimik ko lang siyang pinapanood sa ginagawa niya until he strummed to a familiar tune. Ilang araw ko nang naririnig iyon pero parang hindi na siya lumalayo roon.

"Is that from a song?" tanong ko sa kanya pero di siya sumagot. "You composed it?"

He just grunted at sinubukan uling tumugtog. Habang abala si Zian sa pag gigitara ay nagpatuloy lang ako sa kanya sa pagkukwento ng mga pinagsasasabi sa akin ng mga kaibigan ko tungkol sa relasyon namin ni Fire. I am confident to tell all of it sa kakambal ko. He knows most of my secrets at kahit kailan ay hindi niya pinagsabi iyon.

"I just hope your heart won't get broken," iyan lang ang tangi niyang sinabi. I hope so but that's too ideal. If you love, you should be prepared to be hurt.

Muntik ko nang masampal ang sarili ko! Love? Is this love?

Tinawag kami ni Ate Kristy para bumaba na dahil nakauwi na raw si Daddy and we'll have our dinner. Tinabi ni Zian ang kanyang gitara kung saan may notebook sa gilid nito. Tumayo ako sa pagkakahiga upang lapitan iyon. Ang malinis niyang penmanship ay ibang-iba sa pagsusulat niya rito sa notebook na ito. Maraming bura at linya kung saan-saan pero malinaw ko pa rin namang nababasa ang mga salita na sinusubukan niyang pagsamahin. He's a writing a song.

Humalik kami sa mga magulang namin bago kami magsimulang kumain. Sinabihan ni Mommy na kumain na rin sina Kuya Eric. Tahimik kaming kumakain hanggang sa i-open ni Mommy ang topic about our college plans.

"Engineering po ang akin," Zian said. Bahagyang nagulat doon si Mommy,I bet she thought that we'll take the same course.

"O-Okay. Ikaw Ziana?"

"Accountancy po," sagot ko naman. Daddy looked at me before drinking his water.

"Ayaw mo ng music? I thought you wanted to be an idol?"

"I want a fallback plan, Daddy. Tsaka tutulong po ako sa business ni Mommy kung sakali."

"If you want to help your mother in the future, you might as well learn how to bake," wika ni Daddy.

Napaisip ako roon. Pwede! At dapat lang! Napangiti naman si Mommy, she looks pleased sa sinabi ni Daddy.

"Okay po, Dad." ngumiti ako

Mommy held Daddy's hand, "But Zia.. I still want you to follow your dreams. If you want to pursue music, we'll support you."

I smiled. Everything seems fine with my life at masasabi kong kuntento ako sa kung anong meron ako. Parang ayoko nang maghangad pa ng iba.

I glanced at my phone and looked at the messages. Nawala ang ngiti sa mukha ko nang makitang nagseen lang si Fire sa message ko sa kanya. I shouldn't ask for more right? I already got what I want from him, his attention and friendship.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nagdesisyon akong magsend uli ng mensahe sa kanya. Ilang araw na akong nababagabag sa nakikita at naririnig ko. I wasn't able to concentrate kanina sa klase, napagalitan ako ni Teacher Maricel dahil mali-mali ang steps ko at parang wala ako sa sarili. I want a peace of mind. Bahala na kung masaktan. Basta gusto ko lang na malinaw na ito.

Kung friends lang, edi friends! Makukuntento ako roon. I swear!  Huminga ako ng malalim bago magtipa ng mensahe sa phone ko.

Me : Fire, can I ask you something?

Buong gabi akong hindi mapakali kakahintay ng reply niya. Dinala ko sa banyo ang phone ko para abangan ang reply niya habang nagha-half bath ako, I put it on my vanity table while applying an aloe vera soothing gel on my face at nilapag ko iyon sa aking tiyan habang sinusubukan kong magbasa ng libro about accountancy.

Pink SkiesWhere stories live. Discover now