IAR [14.5] - Silver

Start from the beginning
                                    

Ano ba'ng silbi ng isang tulad ko na ikinukulong ang sarili? Ayaw ipakita ang mukha at ipakilala ang tunay na pagkatao?

Gusto ko... gustong-gusto kong malaman niya kung sino ako.

Kung gano'n lang kadali ang lahat... sinabi ko na three years ago. Sinabi ko na sa tuwing magkasama kami. Pero hindi maaari. Masyadong komplekado. Hindi lang sarili ko ang sisirain ko kapag nakilala niya ako. Siya. Mawawasak siya. At ikamamatay ko 'yon.

Sapat nang ako lang. Ako lang ang masaktan.

Tumayo siya at naglakad-lakad. Hinahampas ng alon ang paa niyang bumabaon sa basang buhangin. Sinundan ko siya. Mga labinlimang hakbang ang layo ko sa kanya.

Sa muling paghakbang niya, nawalan siya ng panimbang. Napaluhod siya sa buhangin. Mabilis akong tumakbo palapit sa kanya. Natigilan ako nang sinapo niya ang mukha. Hindi ako nakagalaw. Naikuyom ko lang ang mga kamao habang nakatitig sa likod niya.

Matagal siyang nanatili sa gano'ng posisyon habang umiiyak. Ilang minuto bago siya muling tumayo. Saka siya muling naglakad, patungo sa dagat. Bawat hakbang niya, lumulubog ang kanyang katawan sa tubig.

Naalerto ako nang hindi pa rin siya tumigil sa paglalakad. Lumubog na ang kanyang labi.

Mabilis akong lumusong sa tubig at hinila ang siko niya. Pinaharap siya. "What are you doing?!" Hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses.

Agarang kumunot ang noo niya nang makita ako. "S-Silver?" Titig na titig siya sa mga mata ko. Biglang lumaki ang kanyang mga mata. Napaiwas agad ako ng tingin at inayos ang maskara.

Damn! I'm not wearing contacts. Siguradong makikilala niya ako kapag tumitig muli ako sa kanya.

"Ano'ng ginawa mo dito?" tanong niya.

Hindi ko siya sinagot. "Ano'ng balak mong gawin?"

"H-Ha?"

"May balak ka bang magpakamatay?"

"No! Maliligo lang ako." Nakatitig siya sa kamay kong mahigpit na nakakapit sa braso niya. Napatingin ako doon. Nanginginig ito. Mabilis ko siyang binitiwan. Itinago ang kamay sa likod ko.

Pinakawalan ko ang hangin na kanina ko pa pinipigilan. Binabaliw talaga ako ng babaeng 'to.

"Sinundan mo ako dito? Stalker na kita?" Napamaang siya.

Hindi ko napigilang matawa nang pilit. "Wow! Ngayon mo lang napansin?"

Matiim siyang nakatitig sa 'kin. Hindi ko magawang ibalik. Hawak ko rin ang maskara. Baka bigla niyang tanggalin. "P-Paano ka nakarating dito? Private property ang lugar na 'to. Mga Loriete lang ang makakapasok sa isla na 'to, malalapit na kamag-anak o kakilala. Sino ka ba talaga? Bakit ayaw mong magpakilala?" Sinusuntok niya ang dibdib ko. Paulit-ulit. Nag-uunahang bumagsak ang luha sa kanyang mga mata.

Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. Tinulungan ko siya sa pagsuntok. She stopped. Securely, I hugged her.

Itinulak niya ako. "B-Bitiwan mo ako, Silver. Makikita tayo ni Grant."

Mas hinigpitan ko lang lalo ang yakap sa kanya. "I love you."

Hindi siya nakaimik agad. "S-Stop it. I love Grant."

Napapikit ako. "I love you. I love you."

Mas lumakas ang paghikbi niya. "N-No! I love Grant. I don't love you. I love him."

Kinagat ko ang labi. Isiniksik ko ang mukha sa leeg niya. Halos mabingi ako sa paulit-ulit niyang pagsambit na hindi niya ako mahal. Hindi niya ako magagawang mahalin kasi si Grant lang. Paulit-ulit akong sinasaksak ng mga matatalas na salita. Pero hindi ko siya kayang bitiwan. Hindi ko siya kayang pabayaan sa ganitong kalagayan.

Nilabanan ko ang pagtulo ng tubig sa 'king mga mata habang paulit-ulit sa pagsambit ng mga katagang... "Mahal na mahal kita."

_..._..._

NAKATITIG AKO sa kanya. Nakahiga siya sa kawayang sahig. She fell asleep while crying. Dinala ko siya dito sa kubo. Tinawagan ko rin ang isang taong aasikaso sa kanya.

Basang-basa ang kanyang damit. Walang pamalit dito sa kubo. Wala ring kumot. Pinunasan ko ang tumulong luha sa kanyang mata. Kahit tulog, umiiyak siya. Ano na namang kayang napapanaginipan niya?

Hinubad ko ang damit at ipinatong sa katawan niya.

I kissed her on her forehead. Hinimas ko ang magkabilaan niyang pisngi gamit ang likod ng palad ko. May pumatak na tubig sa gilid ng kanyang labi. Naistatwa ako't napahawak sa ilalim ng mata ko.

Umayos ako ng tayo't mabilis na lumabas ng kubo. Napasandal sa may dingding at napaupo. Tinanggal ko ang suot na maskara. Agad na pinunasan ang mga pisngi.

Hindi dapat ako makaramdaman nang ganito. Hindi ako p'wedeng manghina. Kailangan kong maging matatag para sa kanya. Kung hindi ako gagawa ng paraan, walang sasagip sa kanya paahon mula sa pagkalunod kay Grant.

Paulit-ulit kong pinupukpok ang dibdib. "Idiot, suit yourself. Don't give up now. H-hold on."

Napaangat ako ng tingin nang makarinig ng kalabog. Napatitig ako sa mukha ni Nanay Cora na nakatayo sa harapan ko. Siya ang tinawagan ko. Nabitiwan niya ang mga dalang damit. Nanlalaki ang mga matang nakatitig siya sa mukha ko. Tulala.

Pinunasan ko ang pisngi at nginitian siya. Isinuot ko ang maskara. Pinulot ang mga nahulog na damit at inabot sa kanya. Nakabuka ang kanyang bibig na nakatitig lang sa 'kin. Halatang hindi siya makapaniwala sa nakikita.

Ipinatong ko ang kanang kamay sa kanyang balikat. Yumuko ako. "Pakiusap, 'wag mo pong sasabihin sa kanya kung sino ako. Para sa ikabubuti niya ang ginagawa ko."

"A-Aling Cora..." My body stiffened when I heard her voice from behind. Hindi ko magawa ang lumingon. Gano'n na lang ang mabilis na pagpitik ng aking pulso. Binalot ako ng samu't saring emosyon. Takot, pangamba at marami pang iba. "S-Sino siya?"

Napahigpit ang pagkakawak ko sa balikat ni Nanay Cora.

In a REALationSHIT (Trese Series #1) - PUBLISHED (PSICOM)Where stories live. Discover now