TATLONG arar ang lumipas. Nai-process na ni Coleen ang driver's license niya. Sa tulong ng kaibigan ni Franco na nagtatrabaho sa LTO ay napapabilis ang proseso. Pero habang hindi pa na-release ang license niya ay nag-hire mula siya ng part-time driver na inirekomenda rin sa kanya ni Franco. Habang tumatagal ay tila lalong napapalapit si Coleen kay Franco. Nabigyan na rin siya nito ng project.

Samantalang nagsisimula na ang taping ng pelikulang kinabibilangan niya. Kaya halos wala na siyang oras para mamasyal. Ne hindi na sila nakakalabas ni Cedric para kumain sa labas. Busy rin ito sa pag-aaral at trabaho.

Sabado ng gabi ay himalang pumunta si Cedric sa isang hotel sa Makati kung saan sila nagte-taping. Katatapos lang ng part niya sa taping at sa susunod na araw naman.

"Tapos na ba ang taping ninyo?" tanong ni Cedric nang puntahan siya nito sa kuwartong ginawa nilang dressing room.

"Oo. Pauwi na rin ako," tugon niya.

"Kumain muna tayo."

"Tapos na kaming mag-dinner."

"So, hindi man lang ba muna tayo mamasyal kahit sandali? Doon muna tayo sa unit ko," sabi nito.

"Kailangan kong matulog ng maaga. May pupuntahan pa akong project bukas sa Pasig."

Narinig niya ang malalim na hininga ni Cedric. "Kaya ayaw kong pumasok ka sa pag-arte, eh. Nawawalan ka na ng time sa akin. 'Tapos pumasok ka pa sa construction company. Bigyan mo naman ng break ang sarili mo. Mamaya magkasakit ka niyan," palatak nito.

Kinuha na niya ang kanyang bag at ibang gamit saka lumabas. Ayaw niyang may makakita na nagtatalo na naman sila ni Cedric. Pagdating sa parking lot ng hotel ay dumeretso siya sa kanyang kotse.

"At kanino namang kotse 'yan?" usisa ni Cedric.

"Nakuha ko itong hulugan sa co-model ko," mabilis niyang sagot habang ipinapasok sa backseat ang dalawang paper bag na may lamang mga damit at sapatos.

"Sino naman 'yon?" iritableng tanong nito.

"Si Franco Sta. Maria. Siya rin ang boss ko sa St. Blaise construction."

"What? Si Franco?" manghang bigkas nito.

"Yes. May problema ka ba sa kanya? Marami siyang binigay na magandang opportunity sa akin. Hindi siya masamang tao," depensa niya.

"Given na 'yon. So ganoon ka na lang kabilis nagtiwala sa kanya? Gusto mo pa lang magka-kotse bakit hindi mo binanggit sa akin? Marami rin akong inu-offer na opportunity sa 'yo pero dedma ka," palatak nito.

Maayos niyang hinarap si Cedric. "Alam mong ayaw ko ng libre. Wala namang ibinigay na libre sa akin si Franco. He just want to help me so he gave me a job. He's professional," aniya.

"Of course, he will use your weaknesses."

"Wala siyang masamang intensiyon."

"But he's still a guy, Coleen. Kung wala siyang ibang interes sa 'yo, hindi siya mag-aaksaya ng panahon para sa 'yo. Inaalok ka lang niya ng dahilan para mapalapit ka sa kanya. Ikaw naman, grab lang nang grab. Baka hindi mo namamalayan, nakukuha ka na niya."

Nag-init ang bunbunan niya dahil sa pinagsasabi nito. "Wala kang karapatang husgahan 'yong tao, Cedric. Ne hindi mo siya lubos na kilala. Nagmamagandang-loob lang 'yong tao," giit niya.

"Kaya nga. Nagmamagandang-loob siya. But everything has a reason why he did it to you," pilit nito.

"And what reason then?" taas-noong hamon niya.

"He likes you."

Tumawa siya nang pagak. "Franco knows his limitation. Alam niyang may boyfriend ako," sabi niya.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Where stories live. Discover now