"I'm twenty-five years old now. Last month lang ako nag-birthday," nakangiting sagot niya.

Nagtataka siya bakit parang alam nito ang bawat detalye ng buhay niya. Hindi naman lahat tungkol sa private life niya ay kumalat sa publiko. Hindi naman halata rito ang pagkahilig sa tsismis, not even stalking someone's life.

"I know," he agreed.

"You know what?" manghang untag niya.

"I know your birthday. Uh, I know because it posted on Facebook," he said in an uneasy tone.

Nangunot ang noo niya. Ang alam niya hindi siya nag-post ng birth day celebration niya sa Facebook account niya. Hindi rin niya inilagay ang eksaktong birth day niya. Binalewala na lang niya ang sinabi ni Franco.

"Anyway, let's discuss your application," pag-iiba ni Franco sa usapan.

Nai-focus niya ng tingin sa mukha ni Franco habang nagsasalita.

"Since you chose a part-time job, I'll deal with a contract project with you. Actually, most of our projects here are contract basis. We accept huge projects like housing, bridges, building and even residential houses. Usually wala talaga akong residential interior designer dito. Meron kasi akong mga architects na magagaling din sa interior design," wika nito.

Napaisip siya. Kaya pala walang hiring para sa interior designer. Pero bakit pa siya nito gustong i-hire?

Weird

"Okay, I understand," aniya.

"About the salary, contract basis din. Pero once nag-present ka ng design at aprobado ng client, you will receive fifty percent of payment and the balance will be given after the project was done. Take note: you are required to participate for meetings regarding the project you were accepted. Also, you are obligated to visit the on-going project area or location. You have to open your connection always while the project was still on-going. It's for emergency purposes. I will give you an update if there are available projects. Pero magbigay ka rin ng maraming designs sa akin para in case na may nangangailangang kliyente ay may mai-presenta kaagad ako," mahabang pahayag ni Franco.

"Okay."

"So, may tanong ka pa ba?" anito.

"Uh, puwede ba akong pumili ng schedule sa pagbisita sa project area?"

"Yes. Pero kung hindi ka available sa mga petsang sasabihin ko, dapat abisohan mo ako nang maaga. Ayaw ko ng paimportante sa kompanya ko." Ang himig nito ay tila nagiging bossy.

"Naintindihan ko. Salamat."

"Okay. You're hired. Just wait for my call."

"Thank you."

Tumitig siya sa kanang kamay ni Franco na nakalakad sa kanya. Kinamayan naman niya ito. Naibaling niya ang tingin sa nakangiting mukha nito. Pero na-distract siya nang maramdaman niya ang pagpisil nito sa kamay niya na may katagalan, halos ayaw nitong bitawan ang kamay niya. Nahihiya naman siyang pangunahan ito sa pagbawi ng kamay.

Mamaya ay pinakawalan din nito ang kamay niya. "Uh, may sasakyan ka ba?" pagkuwan ay tanong nito.

"Wala. Nag-taxi lang ako," tugon niya.

"Talaga? Mabuti walang nakakilala sa iyo sa labas."

"Wala naman. Nakasuot naman ako ng sunglasses at binago ko ang makeup ko."

"May pupuntahan ka pa ba pagkatapos dito?"

"Wala na. Uuwi muna ako. Mamayang gabi pa naman ang fashion show ko."

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Where stories live. Discover now