Kabanata 2

69.2K 2.3K 181
                                    

CHEAT

Hinubad ko ang dress ko sa hotel at nagpalit ng simpleng T-shirt at sweatpants. Tinanggal ko rin ang makeup ko at nagmamadaling umalis sa hotel upang sundan si Gregory. Ipinagdasal ko na sana mali ang iniisip ko. Tumulo ang luha ko habang pinapara ang isang taxi na papalapit.

"Manong, malapit lang naman," nagmamadali kong sinabi nang hinintuan ako ng driver. "Ituturo ko po sa inyo ang lugar!"

Tumango ang driver at agad akong sumakay sa loob ng taxi. Itinuro ko kay Manong driver ang direksyon at nagmakaawa pa ako na bilisan ang kanyang pagmamaneho. Nanginginig ako habang pinagsalikop ang kamay ko.

Nang nakarating kami ay agad kong binayaran si Manong sabay labas ng taxi. Narinig ko pa ang kanyang sigaw na may sukli pa pero inilingan ko lang siya at nagmamadaling pumasok sa loob ng building.

Pumasok ako sa elevator at pinindot ang number 10. Mabuti at ako lang mag-isa sa elevator dahil umiiyak na talaga ako. Hindi ako ganito na girlfriend. Kailanman ay hindi ko pinagdududahan si Gregory dahil may tiwala ako sa kanya. Pero ano itong ginagawa ko? Nandito ako, kahit ang sabi niya ay hindi siya rito matutulog.

Nang makarating na ako sa 10th floor ay agad akong lumabas at mahinang naglakad patungo sa tapat ng pinto. Nanginig ang aking kamay habang kinukuha ko ang spare key sa bulsa ko.

Bumilis ang tibok ng puso ko at napalunok. Nagdadalawang-isip ako dahil baka mali ako. Humugot ako nang malalim na hininga bago binuksan ang pinto. Madilim na unit ang bumungad sa akin. Mahina akong naglakad para hindi makagawa ng ingay. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan.

Please, huwag. Sana mali ako, Gregory.

Natigil ako sa paghakbang nang marinig ko ang isang ungol at mga tunog ng halik. Nabitiwan ko ang spare key sa carpeted floor at napatakip sa aking bibig. Unti-unti kong nilingon ang kuwarto ni Gregory kung saan nakabukas pa at hindi yata naisara. Tumulo muli ang luha sa mata ko at unti-unting lumapit.

Nang tuluyan ko nang nakumpirma ay napaatras ako sa gulat at natulala saglit. Hubo't hubad si Gregory habang binabayo ang kanyang sarili sa babaeng nakaposas ang kamay. Kitang-kita ko kung paano nagkaisa ang kanilang katawan at kung paano pinahirapan nang husto ni Gregory ang babae.

Bumuhos ang luha sa aking mata at napaatras. Tatalikod na sana ako nang aksidente kong nasagi ang isang vase na ikinatigil nila pareho at dali-daling nilingon ako. Sinapo ko ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay pero nakita na ako ni Gregory na gulat na gulat na makita ako.

"K-Khad," nauutal na sambit niya at agad umalis sa pagkaibabaw mula sa babae.

Hindi pa rin tumigil sa pagtulo ang luha ko. Napailing-iling ako at pilit kong tinatanggi sa isipan ko na panaginip lang ang lahat ng ito. Ngunit nang tinawag ni Gregory ang pangalan ko, tuluyan na akong namulat na totoo ang pangyayaring ito at hindi panaginip.

Inilingan ko siya at tinalikuran. Nagmamadali akong lumabas sa unit niya ngunit napaharap muli ako sa kanya nang bigla niya akong hinila. Hindi na siya nakahubad ngayon.

"K-Khad." Nanginginig ang kanyang kamay at umiling-iling siya sa akin.

Hindi ko siya kayang sampalin. Hindi ko kayang manakit pero isa lang ang gusto kong itanong mula sa kanya.

"B-Bakit?" maluha-luha kong tanong. "Bakit?"

Akmang hahawakan niya ang kamay ko pero umilag ako.

"K-Khadijah, s-sorry. Mahal na mahal kita. M-May pangangailangan lang ako-"

"Bakit?" sigaw ko sabay tulak sa kanya. "Bakit? Ano ba ang kulang ko, ha?"

Nanatili lang siya sa kanyang pwesto, hinayaan ako na itulak siya.

"Greg!" Halos hindi ko na siya makita dahil natabunan na ng luha ang mata ko. "Wala akong pakialam sa libog mo! Kung mahal mo ako, hinding-hindi mo ito gagawin! Kung totoong mahal mo ako, hindi ka magtataksil!"

"Khadijah..."

Mas lalong sumikip ang dibdib ko.

"Saan ba ako nagkulang, Gregory? Saan ba? Binigay ko naman lahat ng pagmamahal ko sa iyo. Ikakasal na tayo! Sana sinabi mo sa akin dati pa na ayaw mo na at sawa ka na sa akin para hindi ka na maghirap!"

Humagulhol ako sa harap niya. Nangatog ang tuhod ko. Nakakapanghina talaga.

"Khad..." pagsusumamo niya.

Umiling ako at pinunasan ang luha sa mata ko. "It's over, Gregory. Gagawin ko ang lahat, hindi lang maituloy ang walang kwentang kasal! Hindi ko kayang magpakasal sa isang lalaki na hindi marunong makuntento! Kahit mamatay ako, gagawin ko ang lahat, hindi lang matuloy ang kasal! Hindi ko kakayanin na kapag bibigyan kita ng pagkakataon, baka gagawin mo naman ulit!"

Matapang ko siyang tinalikuran at tumakbo palabas. Dumiretso ako sa elevator at umiyak mag-isa. Paulit-ulit  na bumabalik sa isipan ko ang nakita ko kanina.

Tinakpan ko ang mukha ko nang nakalabas ako sa elevator. Tumakbo ako palabas ng building at sinalubong ang lumuluhang langit.

Sinabayan yata ako sa sakit. Sinabayan ako sa pagdadalamhati. Wala akong pakialam kung magkasakit man ako. Gusto ko na kahit ang ulan man lang ay maintindihan ako. Gusto kong ilabas ang bigat na nararamdaman ko sa kanya.

"Bakit?" sigaw ko sa gitna ng ulan. "Bakit ganito ang kinahantungan ko? Bakit ang unfair ng mundo sa akin?"

Humagulhol ako. Sinuntok-suntok ko ang dibdib ko dahil sa sakit.

"Pagod na pagod na ako!" Tumingala ako sa madilim na langit. "Lahat na lang ng tao sa paligid ko ay sinasaktan ako! Gusto ko lang naman lumigaya! Pero bakit ako pinarurusahan ng ganito!"

Mukha na akong baliw habang sumisigaw sa gitna ng ulan. Pero masisisi ba nila ako?Niloko ako ng taong mahal ko.

Umuwi ako sa bahay na basang-basa. Mabuti na lang at nasa hotel pa ang mga magulang ko kaya si Manang Lourdes lang ang nakakita sa akin. Sinabi ko sa kanya na huwag na ipaalam sa kanila ang nangyari sa akin dahil kahit ipaalam pa ni Manang Lourdes, wala pa rin silang paki sa akin. Gusto kong iiyak lahat sa kwarto ko. Mahal na mahal ko si Gregory pero hindi ko matatanggap ang kanyang ginawa. I don't deserve to be cheated. No one is.

Runaway #1 The Runaway Bride (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon