Tumawa siyab ng mahina, "Ahh! Ganoon pala 'yon. Akala ko kasi nahihiya ka lang na hindi sumagot." 

Nagtawanan kaming dalawa.


Tinitigan ko si Seis habang nagmamaneho, ang kanang kamay niya ay hawak-hawak ang kaliwang kamay ko. Ayoko sanang hawakan niya dahil nagmamaneho siya pero mapilit ang isang 'to. Halos manigas ang katawan ko sa pagkakaupo nang dalhin niya ito sa kanyang labi upang halikan. 


"Seis..." Awat ko, baka kasi ay mabangga kami kung ipagpapatuloy niya ang ginagawa niya.


Napatingin ako sa cellphone kong nagva-vibrate sa kandungan ko. Naka-flash doon ang pangalan ng kapatid ko. Binawi ko ang kamay ko kay Seis at sinagot ang tawag. 


"Eon, bakit ngayon ka lang tumawag? Ano bang nangyayari sa'yo?" Bumuntong hininga siya. 

"Uuwi ako ng hacienda bukas." 

"Bakit hindi pa ngayon? Nasa Galderivia ka daw." Matagal siya bago nagsalita.

"I can't Ate. Bukas na. Tinawagan lang kita para hindi ka na mag-alala. Take care and say hi for me to Kuya Seis." Pinutol niya ang tawag, tumingin ako kay Seis na sumulyap na para bang gustong malaman kung anong sinabi ng kapatid ko. 


Pagdating namin sa hotel ay nagpahinga agad kami. Kinabukasan ay tumulak na kami ni Seis sa hacienda, dito kasi kami mag-aagahan at para maabutan ko na ring gising si Lola. Tama nga ako, pagkarating ko doon ay saktong dadalhin ni Primrose ang agahan sa kwarto ni Lola. Kaya naman sumama ako sa kaniya.


"Ikaw na ang magdala nito, Rence." Aniya at ipinasa sa akin ang tray na may lamang oatmeal, yogurt, chopped fruits at hot cocoa. "Ang sabi ng Doctor sa amin ay mainam ang mga 'yan lalo na't madalas mawalan ng ganang kumain si Mama." 

Ngumiti lang ako kay Primrose at pumanhik na kami paitaas. 


Bukas na ang mga bintana at nakahawi na ang mga kurtina pagpasok namin sa kwarto ni Lola, mayroon ding musikang tumutugtog na sakto lamang ang lakas. 


"Ma, nandito na po si Rence." Anunsyo ni Primrose. 


Malaki ngunit may lungkot ang ngiti sa labi ni Lola. Unti-unti akong lumapit at inilagay ang tray sa gilid ng kaniyang kama. Pinilit niyang maupo kaya naman inalalayan namin siya ni Primrose. Kitang-kita na ang katandaan sa kaniyang mukha, ang dating eleganteng damit ay napalitan ng isang puting bestida. Naroon pa rin ang mapaglarong kislap sa kaniyang mga mata.


"Ang tagal mo namang dumalaw, limang taon kitang hinintay." Pabirong sabi ni Lola kahit nahihirapan. 

"Pasensya na po," hinawakan niya ang kamay ko. Napatingin ako doon. 

"Ayos lang, Rence. Ang mahalaga ang narito ka na." Kung ano ang ipinaramdam niya sa akin noon nang unang tungtong ko sa hacienda, ay ganoon pa din ngayon. Unti-unti akong naluha.

"I'm sorry po if it took five years for me let go and accept the truth." Hindi ko na napigilan. The realization hit me so hard. Lola's old and weak now. I shouldn't have run from them, I should stay here and take care of her instead.

"That's fine, hija. You're just a teen back then so we decided to bring you here. We could have told you the truth but we chose not to because we thought that it's best for you. If you think that we don't like you or accept you, that is not true Rence." 

Tumango ako, "I know Lola. I understand po. I'm sorry for running away. I'm just... scared." 


Yes, I'm scared. Everything is perfect then suddenly it all became so blurry. I am happy when I met them, beyond happy pa nga eh. Pero nung malaman ko ang katotohanan, I was taken aback. Tila isang magandang panaginip kasi ang lahat ngunit biglang naging nakakatakot. 


"Oh Emirenciana..." She took me for a tight hugged. I cried so hard in her arms when I felt the sincerity, calmness and the feeling that I belong in this place. That she is really my grandmother. That I belong in this family. 


Maikli ang naging pag-uusap namin ni Lola, matapos ng iyakap at paghingi ng paumanhin ay pinakain ko na siya ng agahan. Nakangiti siya sa buong oras na sinusubuan ko siya ng pagkain niya. I never felt this way before, para akong nabunutan ng tinik sa dibdib pero hindi lahat. Nawala ng kaunti ang bigat na pinapasan ko sa buong limang taon. 

Agad ding nakatulog si Lola nang makainom ng gamot. Sabay kami ni Primrose na bumaba, kinuha niya na ngayon sa akin ng ang tray.


"Mabuti naman at maayos na ang lahat." Aniya. Umiling ako.

"Hindi pa, kailangan ko pang kausapin sina Tita Hellen."

Nilingon ako ni Primrose, nagtataka. "Is that necessary?" 

"Yes, they deserve an apology. It's not me who made mistakes but it is my mother and father. Nasaktan sila dahil sa amin." Ngumiti ako ng tipid. 


Tahimik ang hapag kaya naman nagtaka kaming dalawa ni Primrose, ang alam kasi namin ay naroon na ang lahat at hinihintay na lang kaming dalawa. Pagpasok namin sa dining area ay nagulantang kami dahil walang katao-tao.


"Senyora! Senyora!" Tawag ng isang katulong, nagmamadali itong tumulak sa amin. "Ang mga Del Ruiz! Nasa labas ng mansyon!" 


Nagmamadali kaming tumungo sa labas at doon namin naabutan ang mga nakahilera kong mga pinsan, kasama din si Seis. Agad na lumapit si Primrose kay Kuya Rio para mag-usisa. Samantalang lumapit naman ako kay Seis na katabi si Isobelle.


"Rence!" Yakap sa akin ni Isobelle. 


Napatingin ako sa mga taong nasa baba ng hagdan. Kumunot ang noo ko nang makita si Eon na katabi ng isang babaeng nakaputing bestida. Naramdaman ko ang pagkapit ni Seis sa aking baywang na para bang sinasabi niyang dito lang ako sa tabi niya at huwag akong aalis.


"Ate..." Tawag ni Eon na nagpakaba sa akin.

TilaOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz