19

3.1K 93 2
                                    

ALAS singko pa lang ay gising na si Hailey. May usapan kasi sila ni Jaxon na mamasyal ngayong araw. Susunduin raw siya nito sa farm ng alas nuwebe. Excited siya. At mukhang ganoon rin naman si Jaxon. Alas otso pa lang ay nasa bahay na ito. Wala itong pasok ngayon.

"Maaga rin akong nagising. And surprisingly, mabilis ang biyahe..." Niyakap siya ni Jaxon nang makita siya. "I missed you..."

Ngiting-ngiti si Hailey. Noong isang araw lang naman sila huling nagkita nang lumuwas siya ng Maynila. Inihatid pa nga siya nito pauwi. They spent time. Kahit kahapon ay halos maghapon rin silang magkausap. But then, they still both missed each other. The feeling is mutual.

Sabay silang kumain ni Jaxon ng almusal. Pagkatapos noon ay niyaya na siya nitong sumakay ng sasakyan para makapunta na sila sa lugar na papasyalan nila.

"Pupunta ba tayo ng Maynila?" tanong niya nang pumasok sila sa tollway. Hindi kasi sinabi ni Jaxon kung saan siya nito igagala.

Ngumisi si Jaxon. "Yeah. Pero 'wag ka ng magtanong kung saan roon. Let yourself be surprised,"

"Hmmm..." Curious man ay pinili na rin ni Hailey na huwag magtanong.

Nakarating sila ng Maynila bago magtanghali. Pumasok sila sa isang exclusive subdivision at tumigil sa isang malaking bahay.

Lumakas ang kabog ng puso ni Hailey. Napalunok muna siya bago nakapagsalita. "Kaninong bahay ito?"

"Mine,"

"Sa 'yo lang?"

Umiling si Jaxon. "I also live with my parents. You'll meet them today," Bumaba na si Jaxon ng sasakyan. Inalalayan siya nitong makalabas. Halos nanginginig siya.

"Do not fret. I am here," Kinandatan siya ni Jaxon.

Inirapan niya ito. "Sobrang surprised naman ito!"

"But I'll promise it will be a good one," Pinisil nito ang kamay niya. "Let's go,"

Wala ng naggawa pa si Hailey. Sumama na siya kay Jaxon. Mabuti na lang pala at nagdress siya ngayong araw. Mukha naman siyang presentable.

Sinalubong si Hailey ng mag-asawa sa pinto. Mukhang ito ang parents ni Jaxon. Pero alinlangan pa siya dahil parang napakabata pa nito, lalo na ang babae. She looks stunning even though she just wore a simple blouse and pants.

Pinakilala siya ni Jaxon sa dalawa. Tama naman siya.

"It's nice to meet you, hija." Niyakap at bineso pa siya ng Mommy ni Jaxon. "You looked lovely,"

Ibinalik ni Hailey ang papuri. After all, she deserves it. Gumaan rin ang pakiramdam niya dahil parang napaka-welcoming nito. Niyaya na siya ng mga ito na magpunta sa dining room.

Habang naglalakad ay nauna ang mag-asawa. Nakita niyang sumiko ang Ginang sa asawa nito. Bumulong ito pero dahil malakas iyon ay narinig niya.

"Mukhang malapit na tayong mawalan ng sakit ng ulo. Mukhang seryoso siya. Ang isang kambal na lang..."

Nilingon naman siya ng Daddy ni Jaxon. Ngumiti ito at pagkatapos ay tumingin ulit sa asawa. "Yeah..."

Kumapit naman ang Ginang sa asawa nito. Bahagyang inihilig pa nito ang ulo sa braso ng asawa habang naglalakad. Tumaba ang puso ni Hailey. They looked so great to watch. Kahit matanda na ay mukhang in love na in love pa rin. She silently wished she have that kind of love...

Hindi imposible, Napatingala si Hailey kay Jaxon. Kung ganoon ka-sweet ang magulang nito sa isa't isa kahit matanda na ay baka ganoon rin si Jaxon. Ganoon rin sila---kung may sila man in the future. Hindi na dapat niya ikabahala na may hindi ito magandang simula bilang playboy. After all, narinig na mismo niya sa magulang nito na mukhang seryoso na si Jaxon.

Everything seems so well, hanggang sa makarating sila sa dining room. Napakunot ang noo niya nang makitang may lalaking nakaupo roon na kamukhang-kamukha ni Jaxon. Nasa lap nito ang sa tingin niya ay may tatlong taong gulang ng bata.

"Bakit nandito 'yan?" Kunot na kunot rin ang noo ni Jaxon.

Ngumiti ang kamukha ni Jaxon. "Well, nalaman ko lang kasi na ipapakilala mo na raw ngayon si Hailey sa pamilya natin. So I thought of coming..."

"Oo nga, Anak. Mabuti nga iyon. After all, madalas ka namang nagseshare ng experience sa kakambal mong si Jaxon, ah."

"Jaxon?" Base sa sinasabi ng Mommy ni Jaxon, ang tinutukoy nitong Jaxon ay ang lalaking nasa lamesa.

Tumikhim si Jaxon. Tumingin ito sa ina. Pero napansin niyang medyo nawalan ng kulay ang mukha nito. "N-nalito na naman si Mommy. Ako si Jaxon. Si Jayden ang kasama ni MM,"

Umiling ang Ginang. "No. Ikaw si Jayden. Hindi ako puwedeng magkamali. Ako lang ang nakaka-distinguish sa inyong dalawa na kambal,"

"Well, you are wrong this time. I am Jaxon," Hinawakan ni Jaxon ang likod niya. "'Wag na nga tayong magtalo. Let's eat. I'm hungry. Mahaba rin ang binyahe namin ni Hailey,"

Alinlangan man ang Ginang ay sumunod na rin naman ito sa gusto ng anak. Habang kumakain ay ipinakilala siya ni Jaxon sa kakambal raw nitong si Jayden. Ganoon rin sa tatlong taong gulang na pamangkin nitong si MM. Anak raw iyon ng panganay nitong kapatid na si Mikhail. Dahil out of the country daw ang mag-asawa, iniwan muna ang anak sa poder ng grandparents nito.

"Bakit ngayon mo lang sinabi sa akin na may kakambal ka pala?" Walang kaalam-alam si Hailey. Hindi nagkuwento sa kanya si Jaxon. Wala rin siyang narinig sa iba na may kakambal pala ito.

Napakamot ng ulo si Jaxon. "Well, ayaw ko lang isipin mo na may nakakapantay sa kaguwapuhan ko,"

"Insecure kasi 'yan sa kaguwapuhan ko," sabat ng isa pang kambal.

"Pareho lang tayo ng mukha,"

"Whatever," Nagkibit-balikat ang kakambal. Kumakain ito habang pinapakain rin ang pamangkin. Maya-maya ay tumingala ito. "But anyway, bakit mo nga pala naisipan na dalhin si Hailey dito sa bahay?"

"Gusto ko siyang ipakilala sa inyo,"

"That's given. Pero bakit? Sa dami ng babae na nakasama mo, ngayon ka lang nagdala ng babae sa bahay..."

"Nagbago na ako..."

Tinaasan ito ng kilay ng kakambal.

Hinawakan ni Jaxon ang kamay niya. Pinisil nito iyon. "Can't you just be happy for me? I finally found the girl that I am serious for. Gusto ko si Hailey kaya naman gusto ko rin na ipakilala siya sa inyo."

Lahat ay napangiti. Si Hailey naman ay napatulala. Can't this day stop to be a day full of surprises? Pero dapat pa nga ba siya na ma-sorpresa? Gusto niya na mangyari.

But it feels so damn good that Hailey is having a hard time to believe it. Pakiramdam niya ay siya na ang pinaka-masuwerteng babae sa mundo.

Jayden, The Pretentious Playboy (COMPLETED)Όπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα