Bitter, Sweet

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo nga eh. Ang takaw kumain nito"

"Parang si ku...."

"Anne panu yung mga gamit ko?" Putol ko sa mga sasabihin nya.

"Si Vhong na ang bahala jan"

"Ok. Iaakyat ko lang to ha."

"Here's the key. Room 205"

"Thanks." Tumalikod na ako

"Ahm K." Lumingon naman ako.

"Yes?" May pag aalinlangan sa mukha ni Anne.

"Hey" pukaw ko sa kanya.

"Ah wala. Sige akyat ka na"

~

"Mom" napaungol ako. Ramdam kong may timatapik sa pisngi pero sobrang antok ko pa talaga.

"Mom lets go swim na. Please wake up"

Bumaling ako pakaliwa upang umiwas sa humihila ng kamay ko.

Bigla akong napabangon ng may pumalahaw ng iyak.

Wala sa wisyong hinila ko si Mark at niyakap.

"Anak bakit? May masakit ba sayo?"
Nagaalalang tanong ko habang kinakabahan.

"Ahahahahaha joke lang mama" sumimangot ako.

"Anak hindi magandang biro yun ha" inis na hinila ko ang kumot at nagtalukbong.

Narinig ko nanaman syang humikbi pero di ko pinansin.

Nakakainis na parang carbon copy sya ng tatay nya pati sa pang iinis.

"Sorry na mama. Gusto ko lang talaga mag swim. Ayaw ako payagan ni tita Anne eh"

Pinilit kong matulog uli pero nawala na yung antok ko. Muli akong bumangon at umupo.

"Mom payag ka na?" May pag asam sa mata.

"Ok" tutal nagising na rin naman ang kaluluwa ko.

"Yeheey" nagtatalon ito sa kama.

"Magpalit ka na ng panligo mo"

"Yes mama." Dali dali nitong tinungo ang bag ay nagmamadaling kinuha ang pampaligo na bagong bili ko lang. May design yun na iron man kaya siguro sobrang excited  nitong maligo.

"Ay mama, yan daw yung suotin mo sabi ni Tita" nguso nito bago pumasok sa c.r.

Nanlaki ang mata ko. Walanghiya talaga to si Anne. Eh parang wala na akong itinago nito.

"Ay mom wag ka daw lalabas pag di yan ang suot mo" sigaw ni Mark mula sa c.r.

Lumapit ako sa bag at naghagilap ng pwedeng ipangpatong. Nailabas ko na ang lahat ng laman pero wala akong nakitang pwedeng ipantakip. Dumampot na lang ako ng maong short.

"Mom Im done. Ikaw na po" napangiti ako pagkakita sa anak ko. Proud na proud ako pag nakikita ko kung gaano kagwapo at kacute ang anak ko at the same time. Pero minsan nakakadepress din kasi ilong ko lang at kulay ko ang naman nya. The rest nakuha nya lahat sa tatay nya.

~

"Tita" kumay si Mark kay Anne. Nakangising lumapit ito sa amin.

"Teh parang ate ka lang ng bagets na to"
Umirap ako sa sakanya.

"Sana pinaghubad mo na lang ako."

"You dont have to be shy. Ang sexy mo kaya teh" ngumiti na rin ako.

"Nambola pa. O sya samahan ko na si Mark at kanina pato nangungulit"

Hinawakan ko na ang kamay ni Mark. Napalingon ako sa paligid. Pakiramdam ko kasi may nakatingin sa akin pero parang wala naman.

Music & Hearts|| ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon