4 "He's A Gangster"

Start from the beginning
                                    

"Ano nga yun? Ano?"

Talagang hindi na nya ako pinatapos.

Patience Torrence patience.

"Like I said sir, depene po sa okasyon. But our best sellers po namin dito ay Chopard Swiss watch, rainbow gemstone-diamond huggie hoop, and baguette-round rectangle diamond cluster. Kung set naman po popular itong oval blue topaz jewelry set." Habang itinuturo ko sa kanya kung anu-ano yung mga yun.

Ang bait ko no? Customer is our priority kahit na ganito ka-rude.

"Teka teka! Ang hihirap naman banggitin ng mga sinabi mo. Wala kong natandaan. Eh kwintas, hikaw, relo at bracelet lang naman lahat yan." Pilosopo nyang sagot. I agree naman sa kanya kung hindi sana sya bulong pa ng bulong. Parang baliw.

"Ganun po talaga sir. Pero kung para sa inyo po ang item, I highly recommend po ang pinky rings." Tumigil sya sandali. "Para po kasi sya sa mga gangster." Tiningnan nya ako ng masama. "Suggestion lang po." Umiwas ako ng tingin kasi konti na lang mamamatay na ako sa talim ng mga tingin nya.

"Ang dami mo ding sinasabi miss. Simpleng lang yung hinahanap ko. Meron ba kayong –" then tiningnan nya yung list namin at parang nahihirapang mag-isip. " – silver necklace?"

Batukan ko kaya 'to? Patanong-tanong pa ng best seller at patingin-tingin pa sa display eh kwintas lang pala ang hinahanap. Kakaubos ng pasensya.

"Marami po sir. Ano po bang style ang hinahanap nyo?" syempre parte 'to ng trabaho ko. Dapat kong itanong 'to para alam ko kung anong ibibigay sa kanya. Kung para sa kanya lang din eh kadena ng aso ang irerecommend ko.

"Wag na lang kaya akong bumili dito. Ang dami mong tanong eh. Para sa mommy ko yun. Ikaw na ang bahalang pumili!" Parang nahihiya sya nung sinabi nyang para sa mommy nya yung cake.

Kung pwede ko lang syang sagutin na maghanap na lang sya ng ibang store eh ginawa ko na. Mukha naman talaga syang gangster, pero gangster na bibili ng regalo para sa nanay nya, ayos din naman.

"Ah sige po sir." Nagprepare ako ng order.

Genuine Diamond Cabochon White Mother-of-Pearl locket with 18 inches rolo chain rhodium plated sterling silver ang pinili ko para sa kanya. Ako daw ang pumili, eh di ito ang pinili ko para makaalis na din sya kasi naiinis na ako.

"Here's your order sir, 7,000 pesos po. What type of payment po ang gagamitin nila?." Ipinatong ko sa counter yung order nya.

Parang namutla sya sa pagkarinig ng price ng kwintas. "Sigurado ka ba? Baka hindi para sa akin yan."

Siraulo pala 'tong lalaking 'to eh. May nakikita pa ba syang ibang customer dito sa counter bukod sa kanya? Naku naman talaga. "Sir, very popular po itong necklace na 'to and para talaga sya sa mga nanay. Pwede naman pong installment. I just have to check your credit score."

Dumukot sya sa bulsa nya at nagbilang ng cash. "Oh ayan." Ipinatong nya ang bayad sa counter kaya naman kinuha ko at binilang.

Hinawakan ko sya para pigilan. "Pero sir kulang pa po ang bayad nyo ng 500 pesos."

"Mabuti nga binayaran pa kita eh. Sa sobrang daldal mo alam mo bang late na ko sa birthday ng mommy ko?" Dire-diretso na sya palabas.

Arghhhhh. Balak pa talaga nya kong pagabonohin? Sisihin pa ko sa pagkalate nya? Kasalanan nya kaya lahat.

"Pero sir hindi po pwede. Kailangan nyo pong magbayad ng tama!" Mahinahon pa ako nyan ha.

At dire-diretso pa din sya sa paglabas ng store. Hindi naman pwedeng magabono ako. Wala akong pera ngayon. Hinabol ko sya bago pa man sya makalayo.

Sobrang pikon na pikon na ako. Hindi ko na matiis. Humarang na ko sa daanan nya. Eh ano kung malaki sya. Hindi ako natatakot.

"Hoy! Kung naghahanap ka ng mura sana dun ka na lang sa palengke nagpunta at bumili ng pwet ng baso!! Doon sampung piso lang may kwintas ka na!!!!" Nakapamewang pa ako. Di ko alam san ko kinukuha yung lakas ng loob para gawin 'to.

"Ikaw ang nagbigay sa'kin nito. Hindi mo naman tinanong kung magkano ang budget ko? Isa pa cash naman ang ibinayad ko kaya dapat discounted!! Laki nyong magpatanong ng interest kapag credit! Tikal nyo din!" maangas na sabi nung lalaki.

"At balak mo talagang isisi sa'kin ang mga kalokohan mo. Hoy mister hindi mo ako masisindak. Magbayad ka kung hindi tatawag ako ng pulis!" Inilalahad ko yung kamay ko at iniintay yung kulang nya.

Grabe hindi pa din sya nakinig kahit sumigaw na ko. Itinulak nya ako para makadaan sya at tinakbuhan pa din nya ako. Habang ako eh nakahandusay na sa kalsada dahil sa ginawa nya. Sa sobrang bilis nyang tumakbo hindi ko na sya nasundan dahil hindi naman ako pwedeng lumayo at walang tao sa store. Kung hahabulin ko sya baka hindi lang 500 pesos ang mawala sa'kin at baka makulong pa ako.

Ugh! Hindi ko makakalimutan ang mukha ng bwisit na lalaking yun. Mashoshort pa ko ngayon dahil sa kanya. 'Wag lang magku-krus ang landas namin, naku. Nakakagigil lang. Napakaantipatiko. Nakakasira lalo ng araw. For sure gangster talaga yun tapos kulang ang nakotong sa mga tao kaya kulang ang ibinayad sa akin. Naku, kapag nakilala ko lang ang nanay mo humanda ka.

AAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! Hindi ko na mabilang ilang beses akong sumigaw ngayong araw. Para akong pinagsakluban ng langit at lupa habang naglalakad pabalik sa store. Nakakainis talaga!!!!

BUWISIT kang gangster ka!!!!!! 

LOVE Disaster (NEW EDITED VERSION)Where stories live. Discover now