Update Twelve

7.1K 293 70
                                    

Asia's POV

"Sinong gusto mo sa Connection?" tanong ni Miko na agang-aga ay kinukulit ako.

Hindi ko siya pinansin at pinatuloy lang ang sarili ko sa pagbabasa.

"Wattpad ba 'yan?" tanong pa niya na may pagsilip pa sa screen ng phone ko.

Agad kong iniwas sa paningin niya 'yung phone ko para di niya makita.

"SPG binabasa mo no?"

Grabe?! SPG agad pag ayaw ipakita??? Di pwedeng I just want some privacy?

"Dali! Kwentuhan mo ko. Inaantok ako."

Paki ko kung inaantok ka?

Inirapan ko lang siya kaya napangisi lang siya.

"H'wag kang feeling pretty ha?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ang pangit mo," sabi niya pa.

"Tae ka, mas pangit ka sa'kin!" ganti ko.

Dumating bigla 'yung prof kaya natahimik na kami.

Maya-maya, matapos ang anim na oras, break time na rin sa wakas.

"Tara sa canteen," utos niya.

"Ikaw mag-isa!" sabi ko at inayos 'yung gamit ko.

"H'wag kang maarte ah? Hindi bagay sa'yo."

Tinamaan ako dun.

Medyo lang.

Duh! Hindi ako nag iinarte!

Kailangan ko lang talaga na hindi siya makasabay ngayon kasi gusto ko makisabay sa mga babae kong kaklase T__T

"Bahala ka na nga," sabi niya at binitbit yung bag niya tapos umalis na.

Ako naman, nagpatuloy sa pag-aayos ng bag ko.

Sunod kong ginawa ay makiramdam sa mga taong nasa classroom.

Kanino kaya ako pwede makisama?

Lalapit pa sana ako doon sa isang medyo approachable tingnan kaya lang di pa ako nakakalapit ay tinaasan na niya agad ako ng kilay.

Hanggang sa nalaman kong ako na lang ang tao sa classroom.

Ugh.

Hindi ko na naman nagawa.

Paano na ko ngayoooon??? Kanino ako sasamaaa?

Forever loner na ba ang peg ko ngayon?!

Nakatayo lang ako nang maramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko.

Joshua: San ka? Free cut namin 💑💕

Nireply-an ko siya.

Ako: Sa room.

Joshua: Di ba break n'yo na?

Oo, Joshua. Break na tayo. Charot.

Magrereply pa sana ako pero nagtext ulit siya sa'kin.

Joshua: Puntahan kita d'yan ha 💏

The Eff?! What's with the emojis?! Grabe, sana pala hindi ko na lang pinagawa 'yung phone ko para hindi ko nakikita mga 'yon! Kaasar!

Wala pa yatang tatlong minuto, nasa may labas na siya ng pinto.

Siyempre, no choice ako, lumabas na ako.

(ONHOLD) Prologue to LoveWhere stories live. Discover now