Spoken Poetry 49

838 3 0
                                    

"Kamusta ka?"

ni: Pinky Mae Martinez

Kamusta ka?
Yung mga luha tumigil na ba?
Yung sakit tila hindi na humupa
Ikaw na muling nagpapanggap sa madla

Kamusta ka?
Ilan na nalinlang nang iyong mga ngiti?
Hanggang kailan mo itatago ang paghikbi
Hanggang kailan ka magkukunwari pag hindi na kayang ikubli?

Kamusta ka?
"Okay lang?"
Kamusta ka!?
"Okay lang!"
Uulitin ko..Kamusta ka?
"Okay nga lang"
Paulit-ulit na salita
Pero hindi mo alam kung may katotohanan ba talaga

Kamusta ka?
Mga tanong na kaydali sambitin,
Ngunit ang hirap sagutin,
Kamusta ka nga ba?
Mukhang naeenganyo kang lokohin ang iyong damdamin
Pero ang iyong nagsusumamong mga mata'y ang dali basahin

Bakit ba tuloy ka pa din sa pagkukunwari?
Bakit hindi ka na lang maging totoo sa iyong sarili?
Subukan mo lang kahit sandali,
Huwag mong hayaang manatili ang sakit at galit sa damdamin mong hindi mapakali

Bumangon ka!
Huwag mong hayaang lamunin ka ng lungkot at kawalang pag-asa,
Hindi 'yon rason para sumuko ka,
Bumangon ka!
At huwag kaligtaan na sa bawat gabi ay may umaga,
Kaya sa bagong umaga'y may panibagong saya

Kaya sana..
Sa muling pagtangkaan kong kamustahin ka'y hindi na puno ng pagkukunwari ang lumabas sa iyong bibig,
Kun'di tuwa't saya na ang manatili sa iyong labi
Dahil iyon lang naman ang tangi kong hiling,
Ang maging totoo ka sa iyong sarili't mawala ang sakit na nakakubli

At sana..
Sa muling magtagpo ang ating paningin,
Sana..
"Ako naman ang iyong kamustahin, Kahit malabo mo yatang sambitin."

Spoken Poetry TagalogWhere stories live. Discover now