Spoken Poetry 35

1.3K 6 0
                                    

Ikaw Parin Pala
Ni:zyramaemotita
Yung taong inakala kong aking nakalimutan
Syang laman parin pala ng aking isipan
Yung inakala kong wala ng nararamdaman
Puso ko'y ikaw parin pala ang ipinagsisigawan
Tapos na ako sa pagpapanggap
Iibigin ka parin kahit ito'y mahirap
Sakit ay aking matatanggap
Pagkat ang ibigin ka'y napakasarap
Duwag daw ang taong nararamdaman ay itinatago
Pero diba matapang naman ang naghihintay kahit walang kasiguraduhan sa isang tao? Oo,maaaring duwag ako dahil di kayang umamin sayo
Ngunit,siguradong tapat ako,dahil kahit masakit na ang pagmamahal ko'y nananatiling buo Ang dating puso't isipang nagtatalo
Isip na nagsasabing sumuko
Ngunit "magmahal lang!" sigaw ng puso
Ngayon ay magkasundo at iibig parin ako
Ika'y di na iiwasan
Puso'y di na pipigilan
Hahayaan ka na lang sa isipan
Maghihintay parin ako baka pwede na sa kinabukasan
(Siya parin pala)

Mahal kita pero hanggang kaylan?
Tama pa bang lumaban kung hindi naman na kita nararamdaman? Ipagpipilitan ko pa rin ba yung sarili ko para lang wag kang mawala? Kailangan bang magpahinga lang kapag napapagod na? Paano kung yung pagod ko mauwi na sa ayoko na talaga? Mahal kita pero sana naman makita mo bigyan mo naman ng halaga.
Kung hindi ka pa sigurado sana di kana lang muna pumasok sa relasyon di mo kayang panagutan hindi mo pinuputol yung communication natin kasi para kapag bored kana alam mong nandito ako pwede mong balikbalikan diba?
Pero patawarin mo ko kung dumating yung panahon na hindi na kita kukulitin, kasi ang sakit mong mahalin.

-zyramaemotita

PANAKIP BUTAS"
By:zyramaemotita
Sinagot mo lang pala ako
Para matakpan ang sakit na sinapit mo
Hanggang kailan ka ba aasa sa kanya?
Hanggang kailan ka ba aasa na maibabalik pa
Ang inyong dating pag-iibigan
Na kahit kailan di ka niya kayang ipaglaban
Ikaw nalang siguro ang kumakapit sa relasyon niyo
Habang siya naman nag pupumiglas papalayo sayo
Paano mo ba makakalimutan ang isang tao
Kung ako ang iyong kasama, siya naman ang nasa isip mo
Sana intindihin mo rin na mayrong tayo
Dahil kung nahihirapan ka mas nahihirapan din ako
Sa relasyong ito ako na ang na iipit
Kahit nasasaktan na patuloy paring kumakapit
Bigyan mo naman ako ng halaga
Ginawa ko naman lahat upang mapasaya ka
Pero wala eh! Nagmumukha lang akong tanga!
Hanggang kailan ka ba magpapakatanga
Sa taong ipinagpalit ka naman sa iba
Halata naman na ginagamit ka lang niya
Tapos ngayon sabihin mo na mahal mo pa siya
Mas lalo mo lang pinapahirapan ang sarili mo
Kung puro lang sa kanya naka ikot ang mundo mo
Alam kong na papagod ka na
Dahil hindi mo matanggap na wala na siya
Wag mong ipilit ang mga bagay na tapos na
Dahil sa huli ikaw lang ang masasaktan at aasa
Siguro hanggang dito nalang ako
Hanggang dito nalang ang pagiging tayo
Salamat sa panandaliang pagmamahal mo
Kahit alam kong panakip butas mo lang ako
Palayain mo muna sarili mo sa kanya
Hanapin mo ang kasagutan upang makabangon ka
Mga pagkukunwari nalang ang makikita sa ating relasyon
Kahit alam naman natin na wala na itong direksyon
At parang hindi na tayo masaya sa isat-isa
Kaya't hangga't maaga pa tatapusin ko na

Spoken Poetry TagalogWhere stories live. Discover now