21: Lady Calliope Grimmwulf

8K 489 109
                                    

"CALLIE, while your daddy is hunting, we have our own battle to fight as well," pabulong na sabi ni Kakie kay Calliope habang nagti-tea sila sa loob ng tent. "Are you ready?"

Napalunok si Calliope, saka nito niyakap ang teddy bear na regalo rito ni Eli no'ng nakaraan. Halatang kabado ito pero halata rin sa mga mata nito ang determinasyon. "Ready na ko, Mommy."

"Good girl," nakangiting sabi niya rito, saka siya tumingin kay Linden. "You may let them in now, Sir Linden."

Magalang na yumukod si Linden sa harapan niya. "Yes, Your Grace."

By "them," she meant the nobles who wanted to meet Calliope.

Alam naman nilang mangyayari 'yon dahil sinabi sa kanila ni Eli na sa oras na umalis ito, sigurado daw na dadalawin sila ng mga noble. Pero sinabi rin ng Duke na karamihan sa mga ito ay gusto lang daw maging malapit sa kanila para sa kanya-kanyang greedy reasons.

I'll stay vigilant for Callie.

Mayamaya lang, dumating na sa loob ng tent nila ang mga nobles na may rank mula Marquess hanggang Viscount. Karamihan din sa mga bisita ay mga babae. Lahat ay pinapaulanan ng papuri si Calliope pero iilan lang ang nararamdaman niyang sincere.

Pero so far, tolerable naman ang mood at mukhang okay pa naman si Callie.

She had to commend the child. Mula sa polite na pagbati nito sa noble kanina hanggang sa pagsagot nito ngayon sa mga katanungan dito, walang mag-iisip na ilang weeks pa lang simula nang nag-aral ito. Sa kabila ng hindi maayos na environment na kinalakihan nito, mabilis itong natuto kaya siguradong natural ang brightness na meron si Calliope.

Well, she's the main girl of the original novel.

"This is just a hypothetical question," mayamaya ay nakangiting sabi ni Amelia, anak ng isang influential Viscount. Out of all the women there, this one had the flashiest yellow dress. Flashy in a bad way though. Masyado kasing maraming nakakakabit na jewels sa damit na nagmukha na iyong cheap kesa sosyal. "Lady Calliope, what will happen to you when the Duke and Her Grace have their own child and it happens to be a male heir?"

This bitch...!

Binaba niya ang tasa niya sa mesa at sa gilid ng mga mata niya, nakita niyang mas naging alerto si Linden. Na para bang handa na itong kaladakarin ang anak ng Viscount kung iyon ang iuutos niya rito. Needless to say, they both didn't like the implication of the lady's question.

Pero bago pa siya makapag-react, naunahan na siya ng main star.

"If that happens, then I'll have a younger brother and our family will get bigger," nakangiti at polite na sagot ni Calliope. Pero sa kabila ng inosenteng mukha nito, nakikita niya sa pulang mga mata ng bata ang pag-aapoy. "Ano ba ang naiisip mong mangyayari sa'kin kapag nagkaro'n ng bagong baby ang mommy at daddy ko, Lady Amelia?"

"I'm just concerned about you, Lady Calliope," nakangiti pa ring sabi ni Amelia na para bang hindi pa nito napapansin na ginawa na nitong awkward ang ambiance sa paligid. "I mean, you're an adopted daughter. Your place as a Grimmwulf will never be secured. Sinasabi ko lang sa'yo 'to para pag-isipan mo. Para kung anuman ang mangyari, ngayon pa lang ay puwede ka nang makapag-plano ng ibang options mo."

Another awkward silence ensued.

I'm about to throw these hands, fam.

"You made two mistakes, Lady Amelia," nakangiti pa ring sabi ni Calliope pero sa pagkakataong ito, umiilaw na ang pulang mga mata ng bata. "Una, in-assume mo na masamang balita para sa'kin kapag nagkaro'n ako ng kapatid kasi iniisip mo na itatapon na ko ng mommy at daddy ko. At pangalawa, minaliit mo ang bond ng pamilya namin."

The Duke's Sassy LadyWhere stories live. Discover now