Chapter 53: Worth it

869 21 0
                                    

Harold's pov

Pagkalabas pa lamang nang airport ay sumakay na ako agad ng sasakyan.. katabi ko si Manilyn habang tahimik naman syang nakatingin sa akin..

"Sa tondo tayo... " nagtaka naman ang driver at lumingon sa akin.

Dapat ay didiretso ako sa isang press conference.. pagkagaling na pagkagaling ko sa airport.. ngunit hindi ako duon pupunta..

Mas importante sa akin ang aking mag ina.. ang sunduin at makasama silang dalawa..

Hindi na importante kung lumamlam na ang liwanag ko sa showbiz.. ang importante ay makasama ko ang aking mag ina..

"What the hell James...!!! 3 hrs from now ay magsisidatingan na ang mga reporters.. " lumingon ako kay Manilyn na galit na galit na nakatingin sa akin..

"Mas importante ang mag ina ko Manilyn..." pinal kong sinabi... wala naman syang nagawa kundi ang sumunod...

(press conference: )

Manilyn's pov:

15 mins ng late si Harold.. at naguumpisa ng magalit ang mga reporters.. pilit ko namang kino contact ang number nya ngunit walang sumasagot. ..

"Ms. Manilyn matagal pa ba.?" Tanong ng isang reporter..

As if on cue. Bglang bumukas ang pinto at pumasok si Harold.. nanlaki ang mata ko ng kasabay nyang pumasok si Isabel at ang anak nila....

Marco's pov:

Halos 3 linggo na ang nakakaraan ng pagsamantalahan ko si Isabel... lagi akong dinadalaw ng panaginip ng nakaraan naming pinagsaluhan...

Pinakamamahal ko si Isabel... tiniis ko ang lahat para lamang mabigyan sya ng magandang kinabukasan...

Nasaktan ako... kahit sino naman siguro ay masasaktan din...ngunit alam kong nagkamali din ako.. masyado akong naging duwag.. natakot na mabaliwala ang lahat ng pangarap ko.. kaya ipinagkaila ko sya.. inilihin ang aming relasyon..

Alam kong nagkamali din ako.. ngunit huli na ata ang lahat

Napalingon ako sa nakabukas na T.V

Nagkakaroon pala ng press con itong si James Park.. at ano ikakaila din ba nya si Isabel.? Hah..! Ganun naman talaga dba.? Ililigtas nya ang kanyang career at....'

"Totoo ang lahat ng balita... anak ko ang batang ito... " nanlaki ang mata ko sa pagkagulat... inamin nya...? Pero tiyak na ikasisira iyon ng career nya.!!!

"At kasalanan ko ang lahat..una pa lamang ay ipinagtapat na ni Isabel na iba ang kanyang mahal.. ang lalaking pinangarap nyang makasama sa harap ng altar.. ngunit mahal ko sya.. at nakagawa ng isang pagkakamali.. ako ang sumira sa relasyon nilang dalawa .. at hindi si Isabel ang sumira sa career ko kundi ako na rin mismo.. "

Napalingon si James Park sa mag ina.. dahan dahan naman syang ngumiti sa batang nakataas ang kamay na tila ba nagpapakarga sa kanyang ama..

agad nya itong binuhat at muling nagsalita "Ngunit wala akong pagsisihan... kung ito man ang huling pag harap ko sa inyong lahat.. it's all worth it... " nakangiti nyang sabi habang hawak ang hawak ng munting mga kamay ng bata ang daliri nya..

Pinatay ko ang telebisyon.. at humiga.. bakit nagawa nya iyon.? Nagawa nyang ipagpalit ang lahat ng kasikatang meron sya para kay Isabel at sa anak nila..

Habang naduwag naman ako at ipinagkaila ang babaeng pinakamamahal ko..

Loving the Unexpected [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon