Chapter 32: Marco

965 25 0
                                    

Isabel's pov:

Maaga pa lang ay nakaluto na ako at nakapaglinis… ang totoo kasi nyan ay halos hindi ako makatulog ng sbihin ni Sir Harold na nakagawa na sya ng appointment kay Marco…

Ilang araw na rin syang nakikipag usap sa manager ni Marco… buti naman at pumayag ng makipag kita kay Mam Andrea si Marco…

Nasa laguna ngayon si sir Harole at  sa makalawa pa ang uwi dahil sa taping…

Mamayang tanghali ay si mam Andrea ang makakasama ko para makipagkita kay Marco…

"Anung susuotin mu mamaya Isabel…? " tanung sa akin ni Carlo..

Tumakbo naman ako papasok sa kwarto para kuhain ang paborito kong bulaklaking bestida.. ito ang regalo sa akin ni Marco nung sabay kaming nakagraduate ng high school..

Napangiti ako ng maalala ang nakaraan namin ni Marco... napakamaasikaso ni Marco.. lagi nya akong inaalala.. tumutulong din sya sa itay sa pagsasaka nuon.   Mahal na mahal ko si Marco at alam kong Mahal na mahal din nya ako...

Ni minsan ay hindi nya ako pinilit na sumiping sa kanya.. nirerespeto nya ako at ang sabi nya ay hihintayin nya ang araw na maikakasal kaming dalawa..

Ang maikasal kay Marco ang pangarap ko.. sya ang tanging lalaking pag aalayan ko ng aking katawan.. ang lalaking gusto kong maging ama ng mga anak ko..

Madalas kaming mangarap nuon... tungkol sa buhay namin kapag mag asawa na kami .. palagi nyang sinasabing tanging ako lamang ang mamahalin nya.. lagi nyang sinasabing hinding hindi nya ako iiwan...

"An tagal mo naman…"  lumingon ako kay Carlo… nakangiti naman syang yumakap sa akin…

"Wag ka na umiyak… dapat magpaganda ka para mamaya matuwa si Marco kapag nakita ang prinsesa nya…"  napangiti ako sa sinabi ni Carlo

Prinsesa… yan ang lagi nyang tawag sa akin… Marco… sana matuwa ka kapag nagkita na tayong muli..

Punong puno ng kaba ang puso ko at halos hindi na ako makahinga sa sobrang galak.. nakaupo kami ni Andrea sa mesang reserve para sa amin.. halos mag iisang oras na rin kaming nandito at naghihintay..

Nakabusangot na ang muka ni Andrea peo ako naman ay nanatiling masaya.. nagawa kong hintayin si Marco ng limang taon. Anu ba naman yung hintayin ko pa sya sa susunod na 1 oras...

Parang huminto ang oras ng matanaw ko ang aking mahal na papasok sa pinto ..

Naninikip ang aking dibdib habang nakatingin sa kanya.. lumaki ang katawan nya at nawala na ang katabaan.. hindi na rin sya simple manamit ngayon.. napakagandang lalaki nya..! 

Nakangiti sya at bahagya pang kumaway.. tumayo naman si Andrea at nakipag beso beso sa kanya..

Unti unting nawala ang ngiti nya ng sya ay umupo sa harapan ko..tinangal nya ang kanyang shades at kunot noong tumingin sa akin.

"Marco…  ako ito si Isabel…"  mahina kong sabi sa kanya… nakita ko namang namutla sya at bahagya pang napanganga…

Nagpalinga linga sya sa paligid at agad na tumayo at inakay paupo ang bakla nyang manager… napansin kong namumula ang kanyang mata…

"Ah dave… Andrea here didnt tell me na may kasama pala syang magandang dilag dito…"  masigla nyang sabi habang nakatingin sa baklang manager…  "Im Mikey Alvarez… your name is…?"  Tumayo pa sya at nakipagkamay sa akin..

Si Andrea naman ay halatang nagulat sa ginawa ni Marco..  halata namang naiinis ang manager nya dahil sa gnawa ni Marco..

"So Andrea… kamusta naman ang kuya mo…?"  Nakangiting sabi ni Marco..

"Hindi ako nagpunta dito para lang ikwento ko si kuya… nandito ako para kay Isabel…" mataray na sagot ni Andrea

Nakita ko namang natigilan si Marco.. pero maya maya pa ay tila bale walang nagtanong..

"Okey… so what about her…?  Bakit nandito sya..?" Tumingin sya sa akin.  Tikom ang kanyang labi ngunit nakikiusap ang kanyang mga mata..

"Idolo ko po kayo…  fan nyo po ako…"  wala sa loob kong sabi… bigla namang natawa ang manager ni Marco

"WHAT…!!!!  " bulalas ni Andrea. Magsasalita pa sana sya ngunit hinawakan ko ang kanyang kamay na nasa ilalim ng mesa.. napalingon sya sa akin ng bahagya ko itong pisilin.

Nagpapasalamat naman ako at tumahimik na lamang ang babae.. muli akong tumingin sa lalaking aking mahal.. nanikip ang dibdib ko ng makita ang pagpapasalamat sa kanyang mukha..

Nang makapagpaalam na ang dalawa sa amin ay naglakad na din kami palayo..  ilang hakbang pa lamang ay napasandal na ako sa salaming dingding habang umiiyak.  Halos hindi ako makahinga sa sobrang pag luha.. pinukpok ko ng kamay ang aking dibdib upang maibsan ang paninikip.. yumakap naman sa akin si Andrea at sa kanya ko ibinuhos ang lahat ng luha ko.. tumingin akong muli sa gawi ni Marco.. nakatalikod sya at naglalakad papalayo..

Bawat himaymay ng katawan ko ay nagsasabing sundan sya.. ngunit hindi ko magagawa.. nakita ko syang lumingon. Mapulang mapula ang kanyang mata at tila ba anu mang oras ay luluha na din sya.. kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mukha..

Loving the Unexpected [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon