Chapter 25: Andrea (1)

847 24 0
                                    

Isabel's pov:

Maaga pa lang ay sinimulan ko na ang pagtatanim ng mga halaman sa pinataba kong lupa … ito yung parte na pwede ko ng pagtamnan…parang normal na araw lang ang lahat ,  ng dumating ang isang sosyal na babae

Wala naman si sir dahil may taping sya mula pa kahapon…

Natigilan naman ang babae ng makita ako…maganda ang kanyang mukha..  ngunit mukang masama ang kanyang ugali ..

"Bagong katulong kayo ng kuya…???" Lingon nya kay Carlo na nagmamadaling lumabas ng bahay

"Opo madam…" magalang na sabi ni Carlo…

Tinaasan nya lang ito ng kilay at dumeretso sa loob ng bahay…

"Ang pagkaka alam ko ay wala dito sa bahay ang kuya… kung wala sya ay bakit nagluluto kayo ng pagkain…? "

Lumapit sya sa kaldero na may lamang ulam ... kinuha nya ito at itinapon sa labas..

Maging si Carlo ay nagulat sa ginawa ng babae..  nanliit ako sa paraan ng pagkakatitig nya..

"Akin na ang cellphone mo…" nakatingin sya sa akin at nagtataka naman akong sumunod sa kanya…

Pagkabigay ko pa lang ng cellphone ay agad nya itong itinapon sa labas… buti nalang at matibay ang mga ganyang cellphone kaya case lang ang nabasag…

Lumapit sya sakin at nagsalita…" wag ka ng mangarap babae… hinding hindi ka papatulan ng kapatid ko…! " nag pantig ang mga tenga ko.. 

Tumayo ako at humarap sa kanya.. at malakas syang sinampal.. nagulat naman sya at gumanti ng sampal sa akin.. agad na lumapit si Carlo para ilayo ako sa nagwawalang babae..

"Get out…!!!!  Ang kapal ng mukha mo..!!!  Tama nga si Manilyn.. wala kang pinag aralan kaya asal kalye ka..! Nakakahiya ka.!!!"  Galit na galit na sigaw ng babae.. dun dumating si Manilyn.. ang Manager ni sir..

Lumapit sya sa babae at galit na sumigaw.. "look at what you've done…!!! Namumula ang pisngi ni Andrea...!! "  lumapit sya sa akin at sinapal ako.. tinulak naman sya ni Carlo..

"Mga walang pinag aralan……!! Mga hampas lupa..!  Lumayas kayo dito..!!!! "  nagkatinginan kami ni Carlo dahil sa sinabi ni Manilyn..

"Hindi kayo ang amo namin kaya hindi nyo kami mapapaalis dito…!!!!! "  halos sabay naming sabi ni Carlo.. pumasok kami ng kwarto at iniwan ang dalawa habang pinagmumura kami...

Tiniis namin ni Carlo ang kamalditahan ni Andrea.. maging ang pag rereyna reynahan ni Manilyn.. buong araw ay para kaming mga alipin kung itrato nila..

Lahat na lang ay ipinalinis nila sa amin. Maging ang kurtinang kaka kabit lang kahapon ay ipinalaba sa amin.. ngunit hindi kami aalis...

Nabalewala ang lahat ng sinampay dahil umulan ng hapon..  nagmamadali kaming kinuha ang mga sampay..

Habang patuloy naman ang pagmamando sa amin ni Manilyn habang nasa kwarto naman ang  kapatid ni Sir Harold...

Pinagluto sila ng hapunan ni Carlo.. nun una ay lait sila ng lait pero ng matikman nila ang kanyang luto ay pareho silang natahimik..

Magaling magluto si Carlo..sya ang tumutulong sa akin na magluto..

Ni hindi man lang kami inalok.. maging ang tirang ulam ay ibinigay ni Manilyn kay husky.. ang matabang aso..

Bigla namang natahimik si Andrea habang pinanunuod si Manilyn.. tumingin sya sa amin.. nag bukas ng cabinet at nag abot ng 2 malaking lata ng meatloaf...

"Ayan na lang muna ang kainin nyo… sayang yung afritada … ang sarap pa naman…  "  tumalikod na sya sa amin at inirapan si Manilyn.. 

Galit naman na lumapit si Manilyn… "kakapal talaga ng mukha nyo…!! " umirap lang sya at saka umakyat ng hagdan..

Napabuntong hininga na lang ako.. gutom na gutom na ako.. mula tanghali ay hindi pa kami kumakain at hndi pa natitigil sa paglilinis..  tinignan ko ang lata ng meatloaf. Kahit na siguro gutom ako ay hindi ko magagawang kumain..

Tumalikod na ako kay Carlo at tahimik na lumabas ng bahay.. dun muna ako sa likod bahay .. hindi ko namalayang  nakatulog pla ako..


Nagising ako dahil sa malakas na sigawan sa loob ng bahay..  agad akong pumasok sa loob  para lang salubungin ng sampal at sabunot ni Manilyn...

Gigil na gigil naman sa pag awat si Carlo. Gulo gulo ang kanyang buhok at may gasgas pa sa mukha..

"Mga magnanakaw…!!! Ilabas nyo na yung diamond ring ko..!!! Kayo lang ang magnanakaw nun..!!! "

Anong ibig nyang sabihin.?

Loving the Unexpected [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon