Chapter 18: Salamin...

845 27 0
                                    

Harold's pov:

Naputol ang pamamahinga ko nang bglang may kumalabog sa katabi kong salamin… napahawak pa tuloy ako sa aking dibdib sa pagkagulat…

lihim naman akong natawa sa katangahan ng kung sino mang dumere deretso sa salamin…

Nakatalikod sya mula sa akin kya naman malaya kong natignan ang kanyang pananamit... pakiramdam ko ay nanghiram lang sya ng damit sa lola nya o di kaya naman ay galing sa amoy lupang ukay ukay,,

Nagkagulo gulo pa ang kulot nyang buhok dahil sa pilit nyang tinatakpan ng buhok nya yung muka nya., 

Nakita ko naman syang pinagtatawanan ng ilang mga tao. Ng tumagilid sya ay kapansin pansing umiiyak sya..

Bigla akong natigilan.,  naalala ko bigla si wonderful evening ...

Agad kong hinabol ang umiiyak na babae.,  hindi pa man sya nakalalayo ng building ay nahawakan ko na ang kanyang kamay..

Tama ako.. sya nga..!!! Umiiyak pa rin sya kaya naman agad ko syang niyakap..

Maya maya pa ay binigay ko sa kanya ang dala kong panyo.. 

Nanlaki ang mata nya ng makilala ako.. agad syang tumalikod sa akin at kumaripas ng takbo..

Anyare..??   Hinabol ko naman sya hangang sa magkandahingal na kaming dalawa...

"Hoy anu ba…!!! Wag ka na ngang tumakbo !!  Pagod na ako kakahabol!!!!  "   nakita ko naman syang huminto...

Napangisi naman ako at lumapit sa kanya...

"Bat ka ba tumatakbo…?  Dont tell me hindi mo ako namumukaan..?  Ako ung nag ala Michael Jackson.!!"  Nakangiti kong sabi sa kanya..

Nakita ko naman syang bumuntong hininga at saka umupo sa bench...

"Kilala na kita James Park…"  mahina nyang sabi

Natigilan naman ako… so alam na nya kung sino ako… pero bkit imbes kulitin at habul habulin ako ay sya pa itong tumatakbo palayo…

"Nahihiya kasi ako sa ginawa kong pagsipa sayo..."

Napangiti naman ako sa sinabi nya.. tumabi ako sa kanya ngunit usod agad sya palayo...

"Bkit ka naman napadpad sa studio…? "  tanong ko sa kanya

"Nag aply kase akong hardinero kaso hindi ako natangap…" malungkot nyang sabi…

Wait…   …   … hardinero……?

"Eh yung kaibigan mo…?"  Tumingin sya at ngumuso sa studio..  

Inaya ko syang bumalik kay Manager Manilyn. Hehe

Papasok palang ng building ay nakasalubong namin ang nakabusangot na muka nung Carlo.  Ng makita si Isabel ay agad nya itong niyakap

"Oh anong nangyari sa interview…??"  Tanung ni isabel habang  kinakalas ang pagkakayakap ni Carlo..

"Hindi ko na tinangap… mas gusto ko pang maghanap sa iba kesa yung maliitin ka nya…"

Napangiti naman ako sa loyalty ng kaibigan nya..

"Tanggap na kayo…"  sabay namang lumingon sa akin ang dalawa…… nanlaki ang mata nung bakla habang tila hindi naman naniniwala yung babae…

"James Park……!!!!!!!  "  tili naman ng bakla nung makilala kung sino ako..

Loving the Unexpected [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon