Hindi siya nakakilos kaagad. Hindi siya siya maka-move on sa sinabi nito na ito ang first kiss niya. Nang mahimasmasan ay hinabol niya ng tingin ang lalaki.

"Hey! What is your name?" tawag niya sa atensiyon nito.

Hindi huminto ang lalaki pero sumagot ito. "I'm Franco! Franco Sta. Maria!" anito.

Awtomatikong nakaalala siya.

First time niyang sumabak noon sa product endorsement noong unang buwan niya sa pagmomodelo. Twenty years old siya noong nagsimula. Ang ini-endorsiyo niyang produkto ay bagong launch na underwear ng sikat na fashion wear. May partner siyang lalaki noon na baguhan din. Habang ginagawa nila ang photo shoot na magkasama ang partner niya, bigla siyang nadulas at kamuntik nang mahulog sa stage pero hinila siya ng partner niya. Napalakas ang paghila nito sa kanya kaya napayakap siya rito at aksidenteng naglapat ang kanilang mga labi.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng lalaki kay Coleen.

Binalewala nito ang aksidenteng paglapat ng kanilang mga labi. Nabigla siya at na-realize niya na iyon ang first kiss niya. Nahihiya lamang siyang mag-reak pero para siyang nakuryente nang maglapat ang labi nila ng partner niya sa photo shoot na iyon.

"Hinalikan mo ba ako?" inosenteng tanong niya sa lalaki.

"Of course not. Aksidente ang nangyari. Pero halik pa rin iyon," seryosong sabi nito.

Nag-init ang mukha niya. "Nakuha mo ang first kiss ko," aniya sa malamig na tinig.

"Don't worry, wala pang nabubuntis sa halik lang," nakangiting sabi nito.

"Okay, position, guys! Mamaya na kayo magkuwentuhan," pigil sa kanila ng photographer.

Nag-focus na lamang siya sa trabaho.

NAPANGIWI si Coleen matapos maalala ang awkward moment niya bilang first timer sa industriya. Naalala na niya si Franco. Isang beses lang niya itong nakatrabaho at hindi pa sila nagkaroon ng panahon na magkuwentuhan. Busy rin ito at ang alam niya'y may iba pa itong pinagkakaabalahan maliban sa pagmomodelo.

Limang taon na ang nakalipas magmula noong huli niyang nakatrabaho si Franco. Malaki na ang pinagbago nito. Ganoon din naman siya. Immature pa siyang mag-isip noon. Twenty-five years old na siya, may boyfriend at ilang beses nang nahalikan ni Cedric ang labi niya. Balewala na lang sa kanya ang halik.

Natatawa na lang siya habang iniisip ang mga karanasan niya. Pagkuwan ay pumasok na siya sa opisina. Matagal na pala siyang hinihintay ng manager niya at ng manager ng fashion company na pagsisilbihan niya.

COMEBACK is real! Akala ni Franco ay hakahaka na naman ang nabasa niya sa instagram na post ng co-model niya na nagbalik na si Coleen sa Calla Modeling. Bumungad din sa kanya ang balita sa telebisyon tungkol sa interview ng ilang media company kay Coleen.

Naging busy siya sa pinapalago niyang construction company kaya hindi na siya updated sa modeling industry. Katunayan ay nasa plano na niya na mag-quit na sa modeling career at mag-focus na lamang sa mga investments niya. Okay na sila ni Gaizer at pasalamat siya dahil hindi nito pinakulong ang Daddy niya. Napatawad na rin niya ang kanyang ama at kasalukuyang tinutulungan siya nito sa kumpanya.

Obsession 2, Claiming Her (Completed)Where stories live. Discover now