Hinawakan niya ang kamay ko na medyo ikinagulat ko. Napatingin tuloy ako sa kanya dahil iyong kaliwa lang niyang kamay ang gamit sa pagmaneobra ng sasakyan.

"Sir Wave?" tawag ko sa kanya. Sinimangutan niya ako bago ako saglit na sulyapan ng tingin.

"I told you not to call me Sir when we're alone." Tumawa ako ng mahina. Hindi naman ito nag-abala na tumingin sa akin dahil diretso pa rin ang tingin nito sa daan. "Bakit? Nakakatanda ba?"

Kitang-kita ko kung paano kumunot ang noo niya. Lalo tuloy akong natawa dahil doon. "Dalawang taon lang ang tanda ko sa'yo."

Tuluyan nang lumakas ang tawa ko dahil sa sagot niya sa akin. He doesn't find it amusing though. Hindi ko akalain na papatulan nito ang ginagawa kong pang aasar tungkol sa edad niya. Ewan ko ba pero baka tama ako na ayaw niya pinag-uusapan ang edad lalo na ang sa kanya.

"Mag-asawa ka na kaya? Para mabawasan naman yang kasungitan mo." Palagi ko kasing sinasabi sa kanya na maghanap na siya ng totoong girlfriend at hindi iyong set up namin.

Ang totoo, kaya ko palaging sinasabi sa kanya iyon ay baka makita nito na pupwede pa sila ni Tanya na magkabalikan kasi kahit ako... Alam kong pupwede pa sila...

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin sinasabi sa kanya ang mga narinig ko sa huling pag-uusap nila. Gano'n din ang mga sinabi sa akin ni Tanya. Ayoko kasi mangialam but maybe... Just maybe... I can help him in a little way... Na baka kapag narealize niya na sasaya pa siya kung kakalimutan lang nito lahat nang nasa nakaraan ay baka maisip nito na pwede pa sila ni Tanya.

A little help from me won't hurt.

Afterall. Love deserves a second chance.

Ang gusto ko lang naman ay sumaya itong kaibigan ko. He deserves all the love that he could get. At kung itong pagpapalapit sa kanila ni Tanya ang magiging dahilan para maging sila ulit ay bakit hindi? I'm more willing to help to make him happy.

"Sino naman ang papakasalan ko? Ikaw?" tanong niya habang nakatitig sa akin. Hindi ko namalayan na nakatigil pala kami dahil sa stop light.

Umawang ng bahagya ang aking bibig sa narinig. Parang bigla ko naramdaman ang mabilis na pag-akyat ng dugo sa aking katawan papunta sa mukha. Wala na tuloy akong nagawa kundi ang magkunwari na tumawa para matakpan ang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon at pinalo siya sa braso.

Nakangisi na ito sa akin kaya lalo akong nataranta.

"P-Pwede ba? H-Hindi tayo talo Wave okay? Saka bakit ako? Pwede naman si Tanya!"

Unti-unting nawala ang ngisi ni Wave nang mabanggit ko si Tanya. Mula sa malapad na ngiti ay naging seryoso ito. Hinihintay ko ito umimik pero tila wala itong balak magsalita sa sinabi ko. Mukhang nagalit siya dahil binanggit ko si Tanya.

Ikaw kasi Reene! Kung ano-ano ang lumalabas dyan sa bibig mo!

"K-Kaya ko lang nasabi iyon ay dahil si Tanya lang naman ang nakilala kong ex mo hindi ba?"

Mabilis lang na tumango ito sa akin kaya tinitigan ko rin siya ng mabuti kung ano ang tumatakbo sa utak niya sa mga oras na 'to. But Wave being Wave, para na naman siyang libro na nakapadlock. Na kahit tama pa ang susi sa padlock ay hindi ito basta-basta magbubukas.

"Hindi ba si Tanya ang gusto mo pakasalan noon? Bakit siya na lang din kaya ngayon?"

Pinaandar na niya ulit ang sasakyan nang sandaling magkulay berde ang stop light. Nanatili pa rin itong tahimik at tila nag-iisip dahil sa sinabi ko.

"Things change Reene," mahinang wika niya sa akin. Nagulat ako roon, hindi dahil sa sobrang lamig ng boses nito, kundi dahil sa sinabi nito mismo.

Siguro nga ay tama siya. May mga bagay talaga na nagbabago sa pagdating ng panahon. Ibig ba sabihin no'n ay nagbago na rin ang nararamdaman niya para kay Tanya?

The President (Presidential Series I) -- DREAME --Where stories live. Discover now