"Erianne!?"

"Sorry..." Napakagat ako sa ibabang labi ko.

Lumapit ulit siya sa akin para gawin ulit ang ginawa niya pero pinigilan ko siya. Alam kong lango ang isip niya sa alak at pati na rin sa kung ano mang ipinainom sa kaniya. Ayaw ko ring gawin niya sa akin ang ginawa niya roon sa babaeng iyon.

Nakakadiri. Nandidiri ako.

"Erianne, ano ba!?" Nagkasalungat na ang mga kilay niya at kunot na kunot na ang noo niya.

Umiling ako at tinalikuran siya. Tumungo ako sa kwarto at humiga sa kama. Tumulo na lang ulit ang mga luha ko.

Nakakapanibago siya. Ano ba kasing nangyari sa kaniya? Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Cassidy? Totoo bang hindi ko talaga kilala ang kinakasama ko ngayon? Pero, hindi, e. Hindi...

"Erianne!"

Napatingin ako sa pinto nang bigla siyang sumigaw. Lumingon ako sa kaniya.

He's fuming mad right now. Hindi ko alam kung bakit galit na galit siya. Hindi ko alam kung dahil ba hindi ko siya pinagbigyan doon sa halik o ano.

"Erianne, hindi mo ba talaga ako patatawarin!?"

Hindi ako sumagot at tumalikod sa kaniya. Humarap ako sa kabilang parte ng kwarto. Gayon na lang ang gulat ko nang bigla niya akong tabihan rito sa kama at hawakan ang baywang ko para kalabitin ako. Mabilis kong tinampal ang kamay niyang nasa baywang ko at umiwas sa kaniya.

Tumayo ako mula sa kama at dinuro siya.

"D-Don't you dare!" nagg-galaiti kong sigaw, naiiyak na naman. "D-Don't you freaking dare touch me again! Nandidiri ako sayo! Kadiri ka!"

The hell! That freaking girl touched him! Tapos hahawakan niya ako?

"Don't you dare, Arden! Don't you dare!" gigil na gigil ko siyang dinuro.

Para siyang natauhan nang dumapo ang kamay ko sa pisngi niya. Sinubukan niya pang lumapit sa akin, nagmamakaawa na ang mga mata niya ngunit ako na ang kusang lumayo.

"I-I'm so sorry, mahal... H-Hindi ko sinasadya 'yon..." He started panicking.

"T-Tama na, A-Arden!" Umiling ako. "U-Umalis ka na!"

"M-Mahal, please, I'm so sorry..." paulit-ulit niyang sambit.

"T-Tama na!"

Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko at sinampal ko ang sarili ko. Hindi ako nakuntento roon, I even pulled my hair. Iyak ako nang iyak habang sinasaktan ang sarili ko. Sinubukan niya akong lapitan pero binantaan ko siya gamit ang nanlilisik kong mga mata. Nang tumigil siya, tsaka ko ibinuhos ang galit ko sa sarili ko.

"W-What did I do wrong!? What!?" paulit-ulit kong tanong sa sarili ko, hila-hila ang sariling buhok. "Just hurt me physically than hurt me emotionally, Arden! Mas matatanggap ko pa 'yon kaysa sa ginawa mo!"

"N-No... No." Paulit-ulit siyang umiling. "H-Hindi ko kayang gawin 'yon..."

Dinaluhan niya ako pero itinulak ko siya at muling dinuro.

"U-Umalis ka na! Umalis ka na!"

Hinilamos niya ang mukha niya gamit ang kamay niya at tumalikod sa akin. Nag-sorry muna siya nang ilang beses bago siya tumalikod at lumabas.

Kinabukasan, nang magising ang diwa ko, kahit masakit pa ang damdamin ko dahil sa ginawa ni Arden ay bumangon ako para maupo sa kama. Iginala ko ang paningin ko at nakita si Arden na mahimbing na natutulog sa tabi ko. Ni hindi ko alam na dito rin pala siya natulog kagabi kahit pa tinaboy ko siya kagabi.

Tumayo ako at pumunta sa bathroom. Pinagmasdan ko muna ang sarili ko sa salamin nang maiyak na naman akong muli dahil sa nakita kong namumulang pisngi ko. Iyon 'yong pisngi kong sinampal-sampal ko kagabi, namula at sumakit iyon kahit hindi ganoon kalakas ang sampal ko.

Nang makalabas ako sa bathroom ay naabutan ko siyang nakaupo na sa kama habang pupungay-pungay ang mga matang nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at pumunta na sa kusina.

"Mahal, I'm very sorry about last night."

Narinig ko ang boses niya sa likod ko ngunit hindi ko siya pinansin. Nagbingi-bingihan ako na parang hindi ko naririnig ang mga sinasabi niya.

"I'm really sorry..."

Naramdaman ko ang mga kamay niya sa baywang ko pero still, hindi ko pa rin siya pinapansin. Mas inilapit niya pa ang sarili niya sa akin kaya ramdam ko na ang mainit niyang balat na nakadikit sa likuran ko.

"U-Umalis ka na lang, please..."

Hindi siya natinag at nakipagtitigan lang sa akin.

"Sorry na muna, mahal." Ngumuso siya.

"Masakit, Arden, e. Masakit."

"I know, mahal, and I hate myself for what I did that caused you pain. I'm so sorry about din doon kay Shaigne, it-."

I cut him. "I don't need your explanations, Arden."

Napasandal ako sa sink nang lumapit siya sa akin. Sa tuwing lumalapit siya ngayon ay hindi na kilig ang nararamdaman ko, sakit at pandidiri. Puro sakit at nandidiri na ako sa tuwing naaalala ko 'yong halikan nila kagabi.

"Magbihis ka nga!" inis kong sambit.

"I won't unless you forgive me."

Umiling ako. Ramdam ko ang muling pangingilid ng luha ko. Wala siyang ibang makikita sa mata ko kung 'di puro sakit at pandidiri. Kung bulag siya, talagang hindi niya makikita 'yon lalo na kung puro sarili niya lang ang iisipin niya.

When The Right Time Comes (BF Series #1)Where stories live. Discover now