연꽃 [꽃I ]
ºUseless, Hopeless, Worthless,
Rain is tired living in a toxic society.
It's true that some People will only love you. When you are useful. But when you failed and disappointed them? They will turned their back on you. As if you a...
Malamig na simoy ng hangin, kay sarap damhin. Sana ganito na lang palagi, Walang manghuhusga sa'kin. Walang ibang taong makikialam kung ano man ang gusto kong gawin.
Humiga ako sa gitna ng plaza nang...
Kagila-gilalas na kulog ang narinig sa buong paligid. Ilang minuto pa ay dumilim ang langit saka nagsimulang umulan.
Nanatili lang akong nakahiga. Habang dinadama ang bawat marahas na patak ng ulan.
Tuwing umuulan ay ginagawa ko ito.
Kung bakit? Iyun ay kahit paano dito lang ako kumakalma.
Nagsimula nang mabasa ang buo kong katawan. Ramdam ko na din ang lamig na nanunuot sa aking mga balat. Ipinikit ko ang aking mga mata saka mas lalong dinama ang malamig na paligid.
"Wala kang kwenta! lumayas ka! layas!"
"Halos hindi na kami kumain dito, may madala ka lang na pera pangkain at tuition mo, Tas ito lang ang igagante mo?"
"Lumayas ka! Huwag ka ng bumalik! Tingnan natin kung hanggang saan ang kaya mo,"
"Huwag kang tumulad sa kanya anak ha? naku! Mga bata talaga ngayon hindi na inaayos ang pag-aaral. Baka iba na inaatupag niyan tsk!"
"Yan ba yung anak ni Mang Filon?"
"Oo, naku alam mo bang napakapabaya ng batang yan? Hindi marunong tumulong, Siya na nga yung inaasahan nila. Nasayang pa, Batang walang pangarap para sa magulang niya,"
"Naku, pahiga-higa lang yan sa kanila ngayon, Paano ba naman, bumagsak. Hindi siguro kinaya ng utak ayan tambay,Tas napagod na ata yung Inay niya sa kanya kaya ayan pinalayas na,"
"Mabuti nga sa kanya, para naman matuto siya. Narinig ko din na ilang beses yang nagpatiwakal. Hahaha nabaliw na yata,"
"Haha Oo narinig ko din, jusko! Baliw na nga siguro,"
Napabalikwas ako sa aking pagkakahiga. Saka malakas na sumigaw.
"AHHHH!" sigaw ko saka marahas na pinagbubunot ang mga damo sa paligid ko.
Naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Tama nga sila wala akong kwenta. Simpleng pagpasa ng Third year sa prestigious na school na iyon hindi ko nagawa.
Tinanggal nila ang scholarship ko. Dahil sa grades ko na mababa sa Gpa na kailangan nila.
Naiintindihan ko naman 'yun. At kasalanan ko. Akala ko pwede ko pang maitama ang lahat. Pero mali ako, nakalimutan ko nga pa lang ipaalala sa sarili. Na kapag nabigo ka ng isang beses. Ay wala ka ng pangalawa na pagkakataon para itama ito. Dahil hindi ako mayaman na katulad ng iba na pwedeng magpapalit-palit ng kurso.
huli na, huli na ang lahat. At kasalanan ko ang lahat ng 'to. Dapat lang naman sa akin 'to. Dapat lang na parusahan ako ng mundo. Dahil wala akong kwentang anak.
Taon ang lumipas simula nang tumigil ako sa pag-aaral. At nagsimula nang may mamumuong madilim na usok sa kaloob-looban ko.
Noong una akala ko, kaya kong ipunin lahat ng sakit at hayaan na lang ito sa loob ko.
May kaibigan naman akong pwede kong pagsabihan. But I choose to stay silent and pretend that I am happy. Ayaw kong masama sila sa problema na dulot ko. Tama na ang ganito.
Akala ko kaya kung mabuhay na parang wala lang lahat ng pinagdaanan ko.
I choose to bottled up my emotions. Hanggang sa tuluyan na malunod ako nito.
My emotions drowned me to the deepest darkest part of my soul. Now that I am here, It is hard for me to leave. I am stuck in this blackhole.
This blackhole inside of me is slowly devouring me.
Until all I see is darkness and nothing but darkness around me.
I tried to kill myself multiple times. But here I am and still breathing.
Nakakapagod, bakit hindi na lang ako mamatay para matapos na ang lahat ng delubyo sa buhay ko.
Gusto ko ng matapos lahat ng 'to. Let me be free from this pain please!
"Kung totoo man si kamatayan! Then take me! Kunin niyo na lang po ako, p-pagod na pagod na ako!"
Kung siguro hindi ako ipinanganak na mahirap, Mahihirapan kaya ako ng ganito?
Sana nga, mawala na lang ako ng tuluyan. Sana i- reincarnate na lang ako sa mayamang pamilya. I don't care if they dont give me any attention. I can always buy things for myself to be happy.
Siguro kung ipinanganak akong mayaman. Palagi na akong masaya, Dahil magagawa ko na lahat ng gusto ko.
"Pwede ba kunin niyo na lang ako!" sigaw ko hanggang sa mas lalong lumakas ang ulan. Kumulog at kumidlat dahilan para mapayuko ako.
Napaangat naman ako ng tingin nang may mapansin akong bagay na nagliliwanag sa harap ko.
"Teka, bulaklak? bakit may ganito dito? Waterlily? Aba, bumaha lang nakawaterliliy na dito," Dinampot ko ang puting bulaklak nang biglang magliwanag ito lalo sa kamay ko.
"Ahhh! anong nagyayari!" sigaw ko nang biglang lumipat ang liwanag nito sa kamay ko. Saka biglang naglaho.
Pilit kong tinatanggal ang liwanag na bagay sa kamay ko. Pero unti-unti itong kumakalat pataas sa braso ko. Hanggang sa umabot na ito sa mukha ko.
"Ahhh!"
Ito na ba? ang palagi kong hinihiling? magkakatotoo na? Kahit hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang nagyari sa bulaklak ay pinili ko na lang pumikit saka ngumiti.
finally magiging malaya na din ako.
¡Ay! Esta imagen no sigue nuestras pautas de contenido. Para continuar la publicación, intente quitarla o subir otra.
¤¤¤¤ Another story? yes, but this will be a short one, Please support me in this new story,