Fifth Shot

175 22 1
                                    

Fifth Shot

“I'm sorry.”

Narito kami ngayon sa isang malapit na cafeteria sa Dominicus. Kakaunti nalang ang tao dahil pagabi na. Sa dulo kami pumwesto para na rin maitago si River ng walang makakita sa kanyang nakikipag-usap sa'kin.

That would be the real nightmare! I couldn't even imagine being connected with him!

My bag's sitting on my lap. Kanina pa ako nakayuko sa harapan niya at 'di ko pa rin magawang tignan siya sa mata. Ang intense!

Kanina na rin kami nandito ngunit ngayon ko palang nahugot ang loob na sabihin ang salitang iyon. Na siyang sadya ko sa pagpunta rito.

“For what?” Tanong naman niya na nakapagpa-gulo sa'kin. Seryoso naman ang hitsura niya na nakapagpa-lunok sa'kin.

“Ha?”

His forehead creased.

“Para saan ka humihingi ng tawad? Sa pag-gambala mo sa'kin ngayong araw o may iba pa?” Walang puso niyang paglilinaw. Napapikit ako.

Okay. Kalma lang, Cadence. Nandito ka para mag-sorry, okay? Hindi para i-extend ang pag-aaway niyo so kalma. Kalma..

Alam ko namang iyong tinutukoy niyang ‘iba’ e 'yung mismong rason kung bakit ako napadpad dito.

Nangarap siguro ako masyado sa pag-aakalang magiging smooth ang pag-uusap namin matapos ng nangyari.

I still managed to compose myself and talk. Ngayo'y nawala na ang kaba sa'kin. I will surely do.. sino ba namang makatatagal sa ugali ng isang rude na nilalang na 'to? Definitely not me.

Pinilit ko pa ring ngumiti bilang pagtitimpi. You see, I still have the courtesy of doing so. Salungat sa taong kaharap ko.

“Para sa parehong dahilan. Balak ko sana talaga sa'yong mag-sorry doon sa may hospital kaso no'ng lumabas kami ni Cela, na-discharged ka na raw agad.” I sighed. “Kaya hiningi ko 'yung details sa prefect at pinuntahan ka rito para gawin 'to. Sorry kung na-abala kita ngayong araw.”

Tumango siya at tumingin sa labas ng glass window. Nakahalukipkip siya at tamad na nakaupo sa'king harapan. Nagmumukha tuloy kaming magkasing-tangkad.

The lampposts were lighted on. Ang mga ilaw na nagmumula sa mga sasakyang dumaraan ay nakakalmang tignan. Pati ang mga mahihinang bulungan ng mga tao sa cafeteria.

I'll admit it, alright? He's damn good looking but!

Binawi ng kagandahang-lalaki niya ang ugali niya! Hindi ko maatim na maisip na salungat na salungat siya sa mga naiisip ng mga fangirls niya 'kuno'. Inaasahan ko pa namang kasing-ganda ng hitsura niya ang ugali niya.

Pero hindi! Mas malayo pa sa distansya ng Earth at Pluto! Napaka-layo!

Tinitigan ko siya ng matagal. Hinihintay ang susunod niyang maaanghang na salita ng tuluyan na 'kong matauhan at lumayas dito.

But minutes passed, he didn't say a thing. I cleared my throat and raised a brow. Ayoko ng maghintay.

“That's all. Pwede na ba 'kong umalis?”

A Shot for LoveWhere stories live. Discover now