Fourteenth Shot

86 13 11
                                    

Fourteenth Shot

"Gago, Aisha, bakit wala kang dalang pajama?!" Cela yelled at the top of her lungs. Nagsabi lang naman si Aisha'ng nakalimutan niyang magdala ng PJ.

Malaking bilin pa naman ni Cela na pajama party ang ganap ngayong gabi bilang first day ng sleepover namin sa kanila ng buong isang linggo kaya't ganito nalang ang galit niya ng malimutan ni Aisha ang kanya.

But it isn't a big deal though! Napakarami kayang PJs nitong si Cela! She's even wearing a Demon Slayer themed one!

I literally have no idea where she got that! I think it's personalized? Mukhang maganda ang tela kaya siguro mamahalin!

"Arte mo! Andami mo naman diyan ah? Pahiram muna ako ng isa!" Aisha said. That I agreed with.

Hindi naman pwedeng sa'kin. Iisa lang ang dala 'ko.

"Siraulo ka ba?" Cela spat angrily. There's an idea coming up inside my head but I refuse to accept that. Masyadong hindi kaya kapani-paniwala! "Hindi iyon ordinaryo tulad ng iniisip mo!"

Aisha tsked and walked near Cela's damn huge walk-in closet.

"Hoy! Anong ginagawa mo riyan?!" Agad sumampa pababa si Cela ng kama at pumasok na rin sa closet. Tinatamad akong sumunod dahil kuryoso rin ako kung bakit ang arte magpahiram nitong si Cela.

Pagpasok ko palang ay malakas na halakhak ni Aisha ang bumungad sa'kin. Hinahampas hampas siya ni Cela habang minumura but Aisha just kept on laughing her ass out.

Cela's already burning red because of embarrassment! Gusto ko nalang ding tumawa ngunit napukaw ng atensyon ko ang loob ng closet.

In front of them is an opened closet full of Cela's pajamas. But what would make you laugh is that..

A bitch like her collects anime themed PJs na halatang personalized pa! May mga tags pa at kita mong hindi gawa locally kundi sa international pa!

Puro cute pa iyon tulad ng cute na cute na si Kotaro ng Gakuen Babysitters.. at mga chibi ng mga mukha nina Sukuna, Yuuji, Megumi at Gojou ng Jujutsu Kaisen. I'm even surprised na makakita ng iba pang anime characters sa PJs niya! This is just too much!

This girl is just so crazy.. and hecking rich! A bitch who loves cute stuffs!

"Gago ka talaga, Aisha! Lumabas na nga kayo rito!" Cela complained like a child but too late 'cause we're both laughing so hard. Sasabog na sa kahihiyan ang mukha ni Cela dahil pilit niya kaming hinahatak palabas.

Hah! Good luck lang sa kanya. Mas mabigat lang naman kami sa kanya 'no!

"Hanep, Cady, kaya pala ayaw magpahiram dahil koleksyon pala!" Aisha mumbled while checking the PJs hanged inside.

Tumawa rin ako ng malakas. "The bitch has a weakness. Cute stuffs, hah!"

Humagalpak pa kami ng sabay ni Aisha ng maluha-luha na si Cela kapapadyak na lumayas na kami sa closet niya ngunit 'di namin ginawa.

"Gago, ang yaman mo naman! Ang mahal nito ah! Mukha lang naman ni Yuki Soma 'to!" Inilahad niya ang PJ na tadtad nga ng mukha ni Yuki. May rat version niya roon at mayro'n ding mukha. The PJ's color blue.

"Hoy, tangina ka, ingatan mo 'yan! Napakamahal niyan!" Cela lamented from the side but we ignored.

"Iyong daga ba 'yan sa Fruits Basket?" I asked curiously. Aisha nodded eagerly. Alam niya rin kasi ito dahil tatlo kaming sabay na nanonood ng mga anime series.

Nilingon ko si Cela na nakataas lang ang kilay at nakakrus ang mga braso sa dibdib na nakatanaw sa'min sa may pinto ng closet.

"Seryoso mayro'n ka nito?! Limited edition 'to 'diba?!" I exclaimed.

A Shot for LoveWhere stories live. Discover now