Epilogue

25.6K 831 200
                                    


"HELLO, darling?" bati ni Angelo sa asawa na agad sumalubong sa lalaki. Isinara nito ang pinto ng Montero at nilingon ang isang paalis na kotse. "Another customer?"

Tumango si Wilna at hinubad ang gomang guwantes at ikinawit ang braso sa baywang ng asawa. Ginawaran siya nito ng halik sa labi.

"How's hobby and business sa maghapon?"

"Hindi masama. lyong nakita mong kotseng paalis ay apat na klaseng orchids ang binili sa akin," buong pagmamalaki niyang sinabi.

Orchids ang pinagkakalibangan ni Wilna. Iba't ibang uri ng orchids ang pinapatubo niya. Mula sa hindi gaanong mahal hanggang sa mamahaling orkidyas. At sa nakalipas na isang buwan ay naging negosyo ang libangan. May mga kaibigan at kakilalang dumarayo upang bumili ng mga collections niya, ni Mrs. Wilna Avila.

Buong pagmamahal na dinama ni Angelo ang tiyan ng asawa. Anim na buwan na ang nakalipas mula nang sila ay ikasal. At magtatatlong buwan na ang tiyan ni Wilna.

"Hindi ka ba pinahihirapan ng mga anak ko?"

"Paminsan-minsan, 'pag sinusumpong ako ng pagsusuka. Tulad ngayon. Love, may palagay akong dapat mo munang palitan talaga ang cologne mo," aniya na tutop ang bibig at nagtatakbo papasok ng banyo.

Sumunod ang natatawang si Angelo. Hinagod ang likod niya at inabutan siya ng bimpo. "Akala ko pa naman my scent made you feel erotic."

"Not this time..." aniya na nang mahimasmasan ay lumabas ng banyo.

Muling hinimas ni Angelo ang tiyan niya.

"Kalmante na naman ang mga anak ko."

Inirapan niya ito. "Paano mong nalamang kambal ang dinadala ko?"

"When I made love to you, I promised I'll give you twins. Tinupad kong lahat ang mga ipinangako ko, 'di ba? You are now Mrs. Avila, I made love to you sa parang, in bed of grass, at sa dapithapon. Duda ka pa bang hindi kambal iyan?" amused nitong tanong.

"Naniniwala," natatawang sagot ni Wilna. Pagkatapos ay bumulong. "I love you..."

"And I adore you," ganting-bulong ni Angelo at siniil ng halik ang asawa na sa isang maluwalhating sandali ay iisipin mong iisa lang ang huminga.

One breath... one being.

NANG ikasal sina Angelo at Wilna ay si Anthony ang naging bestman sa amusement ng huli. Bakit ba'y noong gawin ang imbitasyon ng kasal ay nakatakdang si Angelo ang bestman para sa kanilang dalawa ni Wilna.

Anyway, Anthony will have his own romance story to tell. With the mysterious Jenny. At kung paanong pinagsikapan niyang labanan ang sariling damdamin. Hindi niya pinakawalan si Wilna upang mapunta lamang kay Jenny? Surely, that's insane! Abangan ninyo ang, "Be still, my heart!"

•••WAKAS•••




****Maraming salamat sa inyong lahat na patuloy na sumusuporta at nagbabasa ng mga akda ni Ms. Martha Cecilia. H'wag sana kayong magsawang mag-comment , mag-share at mag-vote. Lahat ng comments n'yo ay binabasa ko at mga messages n'yo kaya lang di ko kayo masagot lahat pasensya na kayo mahina si Admin A. :( Pero natutuwa akong mabasa lahat ng mga mensahe n'yo at comments. Keep supporting beshies kaya natin ito chaarrrr! HAHAHAHA******

Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko (COMPLETED)Where stories live. Discover now