15

14K 398 10
                                    


NANG mga sandaling iyon sa silid ni Anthony ay kausap nito si Angelo sa telepono. Hindi makapaniwala ang huli na nasa Greenhills na sina Wilna at Nana Inez.

"At nakakakita na siya?" marahang tanong nito bagaman inaasahan na iyon.

"Ang laking gulat ko nga. Gusto ko pa nga sanang magalit sa iyo dahil hindi mo man lang inabiso," isang buntong-hininga ang narinig ni Anthony sa kabilang dulo ng linya. "What now, Angelo?"

"From hereon ay ikaw na ang bahala. Mawawala ako sa background. You can tell her I just arrived from America a few days ago," may nahihimigang kakaiba si Anthony sa tinig ng kapatid pero inalis din agad sa isip.

"I haven't changed my mind, Angelo. Well, I care for Wilna, I really do. But I realized now that it is more of a brotherly affection."

"Damn you, Anthony! Anong brotherly affection ang pinagsasabi mo? Paano mo ipaliliwanag ang mga sexual overtures na ginawa mo?"

Bahagyang inilayo ng binata ang telepono sa tenga. Nabibingi ito sa sigaw na iyon ng kapatid.

"I'm really sorry about that now. No harm done, Angelo. Malinis pa rin si Wilna. At nagpapasalamat pa nga ako at nangyari ang aksidenteng iyon bago kami nakasal or it would have been a big mistake."

Hindi agad nakasagot si Angelo. May bahagi ng dibdib niyang nagagalak dahil sa sinabi ng kapatid. Pero wala rin namang silbi dahil ito ang iniibig ni Wilna. At iyon ang pangunahin sa puso at isipan niya. Ang huwag masaktan ang dalaga.

"Hindi ko alam kung paano mo pakikitunguhan ang mga pangyayari, Anthony. But I'm warning you. Do not hurt her!"

Halos nagdikit na ang mga kilay ng binata. "Alam mo, nagtataka talaga ako kung bakit ganoon na lamang ang pagiging concerned mo kay Wilna. Kung hinayaan mong malaman niya ang lahat una pa man ay wala sana tayong problema. And by this time ay nakaka-recover na siya and might have started looking for somebody else. Gusto kong isisi sa iyo ang pangyayari, Angelo!"

"And by this time ay baka hindi pa siya pumayag na magpaopera dahil sa takot. And by this time ay baka nasa emotional trauma pa siya!" muling hiyaw ni Angelo. "You promised to marry her. Maaari ka niyang idemanda ng breach of promise!"

"Don't give me that bullshit! Kilala ko si Wilna kaysa sa iyo. She'd rather cry than to harm anyone."

"And you took advantage!" Napangiwi si Angelo sa sinabi. Hindi ba at siya man ay nagsamantala rin? Ano'ng karapatan niyang hagkan at tuksuhin ang dalaga sa bulag nitong kalagayan?

"May pakiramdam ako..." hindi itinuloy ni Anthony kung anuman ang gustong sabihin. May nabubuong hinala sa dibdib nito. At sana'y hindi ito nagkakamali. Isang bagay lamang ang dapat nitong tiyakin. Si Wilna. "All right, Angelo, pansamantala ay pakikitunguhan ko si Wilna tulad ng dati. And I promise na magiging very gentleman ako. I won't ever dare touch her, I guess it is my duty to break it to her very gently. Hahayaan kong mapuna niya ang panlalamig ko at siya na rin ang uurong sa aming relasyon."

Nang walang sumagot sa kabilang dulo ng linya ay nagpaalam na si Anthony at ibinaba ang telepono. Sandaling nag-isip. Pagkatapos ay tumayo at kumuha ng T-shirt at pantalon sa wardrobe at nagbihis.

"Sorry, medyo natagalan ako," bungad ng binata sa pinto ng library. Tiningnan ang relo sa braso. "Past twelve na pala. Tingnan natin kung ano ang inihandang lunch ni Andoy at Nana Inez."

Tumayo mula sa pagkakaupo si Wilna at lumakad patungo sa pinto. Inakbayan siya ng binata palabas.

"Hindi mo sinabi sa aking kambal kayong magkapatid?"

Napaangat ang kilay ni Anthony "Hindi ba? Oh, well, siguro nga. We do not really refer to each other as twins. Kahit noong maliliit pa kami ay wala akong natatandaang tinawag kami ng Papa at Mama na kambal o di kaya ay tinukoy man lang nang ganoon. Kahit ang Nana Inez na katu-katulong na ng Mama sa pag-aalaga sa amin. Kung hindi sa aming mga panga-pangalan ay kapatid ang ginagamit na pagtukoy sa bawat isa sa amin."

"And very identical. Hindi ko makilala sa larawan kung sino ka o sino ang kapatid mo."

"We fooled a lot of people maliban siyempre sa mga magulang namin at kay Nana Inez. Kahit ang mga kamag-anak na hindi lagi kaming nakikita ay hindi rin matukoy ang isa't isa sa amin ni Angelo. Ang mga katulong ay nalilito pa rin paminsan-minsan. But it's easy really to identify kung sino ang sino. Angelo is darker. Sa Papa kumuha ng kulay ang kapatid ko,"

"Character wise?" tanong ng dalaga. Napakarami palang hindi pa niya alam tungkol sa kasintahan.

"Tulad din ng Papa si Angelo. The serious type. Para pa ngang ang Papa minsan iyon. While I'm the opposite," sinabayan nito ng kibit ng mga balikat. Hinila ang isang silya sa mesang kainan at pinaupo si Wilna. "At narito sa Pilipinas si Angelo dahil hindi ba, dapat siya ang bestman natin?"

"When do I suppose to meet him?"

"Tonight. Anyway, since na nandito ka na rin lang ay gusto kong sabihin sa iyong wala ka nang babalikan sa apartment mo at sa trabaho mo," binuksan nito ang ulam na natatakpan.

"Ano ang ibig mong sabihin? Gusto kong magtuloy sa apartment ngayon at mag-report sa opisina."

Pumormal ang binata at tinitigan ang kasintahan. "I'm sorry, Wil. Pero nang malaman ng landlady mo na matatagalan bago ka makababalik ay nagpasyang ibigay sa iba. Ganoon din ang posisyon mo sa trabaho."

Nakadama ng panlulumo ang dalalga. Wala na siyang tirahan ay wala pa siyang trabaho.

"Ang... mga gamit ko sa apartment?" Hindi dahil marami siyang mga gamit kundi kahit papaano ay may halagang lahat ang mga iyon dahil pinaghirapan niyang bilhin tulad ng cassette recorder at electric fan. Bedsheets and pillows. At mga kung ano-anong maliliit na bagay.

"Nasa Tagaytay. Hindi ba sinabi sa iyo ni An... ni Nana Inez?'' Huminga nang malalim ang binata. Si Angelo lahat ang may kagagawan kaya walang trabaho at tirahan si Wilna. "Anyway, dumito ka muna sa mansion, Wil. 'Pag sinabi na ng doktor na lubusan ka nang magaling ay saka mo na pag-isipan ang paghahanap ng ibang trabaho. Isa pa, hindi pa maaaring puwersahin ang braso mo."

Bago nakasagot ang dalaga ay pumasok si Nana Inez. Tumayo si Anthony at hinila ang upuan para sa matanda.

"Puro de-lata ito, ah?"

Natawa si Anthony. "Iyan lang ang kayang iluto ni Andoy, Nana Inez."

Umiling ang matanda. "Sana'y sinabi mo sa akin, hijo, nang naipagluto kita ng paborito mo."

"Ngayong nandito na kayo ay natitiyak kong mai-stock na naman nang matagal ang mga de-lata. Pansamantala ay tikman na muna natin itong ginisang corned beef at tome ni Andoy," nilagyan nito ng pagkain ang pinggan ni Wilna.

"Siyanga pala, Anthony. Tinanggap ko ang nag-a-apply na kapalit ni Seling. Mabait na bata at kailangan ng trabaho."

Tumango lang si Anthony at muling tiningnan si Wilna.

"O, ano, Wil? Pumapayag ka bang dumito na muna sa bahay pansamantala?"

"Oo nga naman, hija. Tutal naman ay hindi magtatagal at dito ka na rin titira 'pag natuloy na ang kasal ninyo ni Anthony, 'di ba, hijo?" Si Nana Inez na tumingin sa binata.

Tumikhim ang lalaki na parang nahirinan. Iniabot ang tubig at uminom.

"Oo nga, Wilna..." naiilang nitong sang-ayon. Kung napuna ng dalaga iyon ay walang makapagsabi.

Ang dalaga ay nakayuko sa pagkain. Parang may kulang na hindi niya mawari. Parang kaibigang matalik ang nadarama niyang pakikitungo ni Anthony sa kanya.

Hinahanap niya mula sa tinig nito ang warmth na nadarama niya mula rito noong hindi pa siya nakakakita. At siya, ano ba ang nangyayari sa kanya? Bakit hindi siya nagagalak na kasama ang kasintahan?

Huminga nang malalim ang dalaga. Baka hindi lang braso at mga mata niya ang naapektuhan ng aksidente. Baka pati isip at damdamin niya. She must be going crazy!

Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko (COMPLETED)Where stories live. Discover now