19

15.3K 479 13
                                    


NANG nasa silid na niya si Wilna ay paulit-ulit na pumapasok sa kanyang isip ang mga sinabi ng babae.

...hindi mo ba sinabi sa kanyang hindi mo na balak ituloy ang kasal ninyo?

...alam ba niya kung sino sa inyo ang kaharap niya at kung sino sa inyo ang kapiling niya sa kama?

Was it possible na nagkamali siyang kilalanin kung sino ang sino sa dalawa? Pero hindi. Makikilala niya si Angelo mula kay Anthony at vice versa.

Kaya? What about when your eyes are closed?

Nahahapong naupo sa gilid ng kama ang dalaga. Anthony is wearing his own brand of perfumes bago sila naaksidente. At sa buong panahon ng pamamalagi niya sa Tagaytay ay ibang cologne ang nasasamyo niya mula rito.

Pero nang bumalik siya rito nang araw na nakakakita na siya ay taglay na uli ni Anthony ang dating amoy nito.

How come na noong panahong bulag siya, Anthony was wearing a different kind of perfume? At si Angelo noong una niya itong makatagpo? No. Walang gamit na pabango ang binata.

O baka naman hindi talaga nagbago ng cologne si Anthony? Oh, please, please...!

Paano niyang malalaman? Kay Nana Inez? Natitiyak niyang hindi magsasalita iyon. Si Anthony lang ang maaaring sumagot ng lahat ng mga katanungang nasa isip niya. ,

Pagkakain ng hapunan ay niyaya ng dalaga ang kasintahan sa library upang makausap nang sarilinan.

"Kung ang nangyari kanina angipinakikipag-usap mo sa akin ay inihingi ko na ng paumanhin sa iyo, hindi ba?" ani Anthony nang lumapat ang pinto.

"Tungkol sa ating dalawa ang gusto kong pag-usapan natin, Anthony," aniya na dumako sa bintana na nakatanaw sa naiilawang swimming pool.

Nagsalubong ang mga kilay ni Anthony. "Anong tungkol sa atin ang pag-uusapan natin, Wil?"

Lumingon ang dalaga. Tinitigan ang kasintahan. Pagkatapos ay lumapit dito. Malapit na malapit.

"Alam mo bang naninibago ako sa iyo?" malambing niyang sinabi. Ikinawit ang mga braso sa leeg ng lalaki.

Marahang naubo si Anthony. All of a sudden ay bigla itong nanigas sa harap ng isang babae. At isiping kasintahan nito ang dalaga. At hindi iilang beses na pinagnasaan nitong maangkin ang babaeng ngayo'y nasa harapan.

"Got cold feet?" tukso ng dalaga. "Kiss me, Anthony, like you used to."

Napalunok ang lalaki. May mali sa mga pangyayari. May mali sa nadarama nito. Ganoon pa man ay unti-unting bumaba ang mga labi nito sa mga labi ng dalaga. Sinalubong iyon ni Wilna.

Mas mahaba pa ang nilakbay ng mga labi nila patungo sa isa't isa kaysa itinagal ng halik na iyon. Tila halik para sa isang binating kaibigan ang iginawad ni Anthony. Kung sino sa kanila ang unang humiwalay ay hindi mahalaga.

Isang malakas na tawa ang pinakawalan ng dalaga na muling lumakad pabalik sa tabi ng bintana. Nababahala si Anthony dahil sa pahisterya niyang pagtawa.

"Tumigil ka, Wilna!"

Subalit nagpatuloy sa pagtawa ang dalaga. Nilapitan ito ng binata, hinawakan sa magkabilang balikat at niyugyog.

"Tumigil ka! Ano ang nangyayari sa iyo?"

Unti-unting kumalma ang dalaga sa pagyugyog na iyon. Tumatawa pa rin pero humihina na. Kumawala siya mula sa pagkakahawak ng binata. Sumandal sa mesa at pinahid ng kamay ang luha dahil sa pagtawa.

"Gusto mo ba talaga akong pakasalan, Anthony? Sagutin mo sa akin iyan nang buong katotohanan."

Ipinasok ng binata ang mga kamay sa bulsa ng pantalon at tumingala. Ano ba ang isasagot niya? Ganoon ba siya kasama upang huwag tuparin ang pananagutan niya rito? Wala na bang halaga ang salita niya ngayon?

Mabuti at matinong babae si Wilna. Kahit sinong lalaki ay ikararangal na maging asawa ang dalaga. Hindi ba at iyon naman ang pangunahing dahilan kaya niligawan niya ito at inalok ng kasal? Pero bakit ngayon ay parang may kulang?

And he wasn't really a sex-starved kind of person. Nasundot lang ng dalaga ang ego niya kaya ganoon na lang ang pagnanais niyang maangkin ito.

Ano ang problema niya gayung wala namang ibang babaeng involved? Aprubado ni Angelo at ni Nana Inez ang dalaga kaya walang problema.

Nilingon niya si Wilna. "Of course, I'll marry you, Wil. Ano bang klaseng tanong iyan?"

"Kailan mo gustong itakda ang kasal natin, Anthony?"

"Set the date, Wil, then ipadala natin uli sa printing para sa panibagong petsa."

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ng dalaga. Pakakasalan siya ni Anthony. Out of obligation and honor, natitiyak niya. "Bakit, Anthony? Gayung sa loob ng panahong magkasintahan tayo at hanggang sa sandaling ito ay hindi mo pa nasasabi sa aking mahal mo, ako?" pananalakab niya. Kung ito ang kasama niya sa Tagaytay ay itatanggi nito iyon dahil sinabi nitong mahal siya noong nasa terasa sila.

Muling nagsalubong ang mga kilay ng binata. "What about you, Wil? Bakit gusto mong magpakasal sa akin gayung kahit minsan ay hindi ko narinig mula sa bibig mo na mahal mo rin ako?"

Ngumiti ang dalaga. Isang pagkatamis-tamis na ngiti. Umaliwalas ang mukha. Sa terasa nang gabing iyon ay sinabi niyang mahal niya ito. At natatandaan niya ang isinagot sa kanya nang sabihin niyang mahal niya ito.

"...which Anthony, Wilna. Ang Anthony bago nangyari ang aksidente o ang Anthony ngayon?"

Ngayon ay alam na niya. Natitiyak na niya. Nilapitan niya ang binata.

"Bukas ng hapon, Anthony, will you drive me to Tagaytay?"

Naguluhang bigla ang binata sa daloy ng pag-uusap nila. "What for?"

"Kailangan mo pa bang itanong? Do we have to continue this charade? Pareho pa rin ba tayong magmamaang-maangan o gusto mo akong bigyan ng encouragement para sa pagpunta ko bukas sa Tagaytay?"

"Wilna?"

"Hindi natin talaga gustong magpakasal sa isa't isa, hindi ba, Anthony? Pareho nating alam at nararamdaman iyan."

Hindi agad nakaapuhap ng sasabihin ang binata.

"What do you want me to do? Dapat ba akong magpunta roon o hindi?" may agam-agam sa tinig niya, lungkot at insekyuridad.

Sa kauna-unahang pagkakataon mula kaninang mag-usap sila ay ngumiti ang binata. Inilahad ang dalawang kamay. Tumakbo roon si Wilna. Niyakap siya ng binata at hinagkan sa buhok. Halik para sa isang kapatid. Halik ng paglaya.

"I'll take you there. You both deserved to be happy."

Ikaw, Ikaw Ang Iniibig Ko (COMPLETED)Where stories live. Discover now