Hii. :) UD nanaman po. :)
--------------------
Brylle's POV
Yo! Kamusta kayo? Namiss niyo ako noh? Yay! ou alam ko ang iba sa inyo naiinis sakin ngayon.. Pero, let me explain guys.. Ganito kasi yun, nung mga araw na wala si Yhorie sa tabi ko , nandiyan si Zharm, lagi siyang nandiyan para sakin kaya napamahal na din siya sakin at alam kong mahal na mahal niya din ako. akala ko kapag naging kami makakalimutan ko ang nararamdaman ko para kay Yhorie.
Lumipas ang isang taon, akala ko nawala na ang nararamdaman ko para kay Yhorie. Pero hindi. Nang dumating siya nagkaroon kasi ng spark ULIT nung nagkatabi kami sa plaine ng araw na yun. Bumalik yung nararamdaman ko para sa kanya. Hindi pa din nagfafade ang nararamdaman ko. pero parang wala talagang patutunguhan ang nararamdaman ko sa kanya eh. Tignan niyo, nung nagbreak kami ni Zharm.. Sa kadahilanang pinapalayo niya ako kay Yhorie. Anong ginawa niya? Pinilit niya akong makipagbalikan kay Zharm. Bakit niya pa gagawin yun, kung may feelings siya sakin? Db?
Nang nahospital si Yhorie, nagalala ako ng sobra.. Kinabahan ako dahil baka anong mangyari sa kanya. Ang kulit niya kasi eh. Sinabi ng bawal siyang pumunta ng Feild. Bakit niya pa ginawa. Ang sabi niya nagalala daw siya sakin. Matutuwa na sana ako, Pero ng sinabi niyang makipagbalikan ako kay Zharm. Bakit? BAKIT?!
Tinanong niya pa ako kung nagsisisi ako.. OU NAGSISISI AKO! DAHIL DAPAT IKAW ANG NASA LUGAR NI ZHARM NGAYON. DAPAT IKAW ANG GIRLFRIEND AT HINDI SI ZHARM. DAPAT IKAW!!
Sasabihin ko sana sa kanya yun. Pero wag muna. Hindi ito ang tamang oras para malaman niya ito. Kailangan ko muna tapusin ang saamin ni Zharm ng maayos. Sa paaran na hindi siya masasaktan. Ayoko makasakit ng tao. Hindi ako ganong tao.
Nakalipas ang madaming araw. Nagkaayos kami ni Zharm, dahil yung ang gusto ni Yhorie. Pero ng dumating si Nate na kaibigan niya. Ewan ko kung bakit, pero nang nakita ko silang nagyayakapan sa cabin, napuno ng galit yung puso ko. Sino ba talaga yang Nate na yan? Bakit siya nan dito. Bakit? Nararamdaman ko may feelings siya para kay Yhorie. Eh sino ba naman kasing hindi maiinlove sa kanya. Eh saksakan siya ng bait at kagandahan.
Sinubukan kong kalimutan ang nararamdaman ko para kay Yhorie. Mahal ko siya, pero ayoko saktan si Zharm. Pero kahit anong gawin ko, may isa talagang masasaktan. Kaya napagisip isip kong.. Tapusin na ang relasyon ko kay Zharm ng maaga. Ayoko ng patagalin pa. Baka mas lalo ko siyang masaktan..
--
Dinala ko si Zharm sa Enchanted para magsaya. Ang saya saya niya, Ang sabi niya sakin aalis siya, pupunta siya sa UK para sa isang singing reality contest. Nung una ayaw niyang umalis. Dahil daw ayaw niya akong iwan. Sabi ko,
"Hindi ba't matagal mo ng gustong sumikat? Ngayon na ang time mo. Ngayon ka pa ba aayaw? Babe, ituloy mo lang ang pangarap mong maging isang sikat na singer---"
Hindi ko na tapos yung sinasabi ko..
"Paano ka? Babe, matagal akong mawawala.."
"Ayokong ako ang maging dahilan sa hindi mo pagtupad sa pangarap mo. Babe, ayokong magsisi ka. Pagisipan mo ng mabuti yan."
Napaisip siya.. Nandito na kami ngayon sa balcony ng bahay nila.. Nakaupo, ngayon na nag tamang panahon para tapusin ko ang lahat lahat sa aming dalawa.
"Babe, may kailangan ka palang malaman.."
"Huh? Ano yun?"
"Alam mong mahal na mahal kita.."
"Yes, i know it very well. Mahal na mahal din kita.."
Niyakap niya ako..
Magsasalita na sana ako, pero bigla siyang nagsalita..
YOU ARE READING
Love can wait
FanfictionThis is a story about which you are going to choose, your long time best friend or your girlfriend. It's about a girl named Yhorie whose interest is to skate and a boy named Brylle whose interest is to play Soccer. They both don't know how to tell t...
