**

Matapos naming kumain, napagdesisyunan ni Euri na magpapahinga muna siya.


Kaya ito ako, naglilibot. Nasa isang resthouse kami. Isa sa mga resthouse nila Euri. Oo tama, sa kanila to.


Dito na lang daw kami pumunta.


Kung nagtataka kayo kung bakit hindi kami pumapasok.


Eh okay lang magtaka na kayo.


Nagpaalam na ako kay Mama na hindi na ako papasok.


Biro ulit. Nagpa home school na lang ako. At ganoon din si Euri.


Hindi pa alam ni Euri na aalis ako.


Baka sasabihin ko na lang sa kanya pag may tyempo na ako.


At may goodnews si Mama.


Hindi daw ako magtatagal ng isang taon sa states.



Mga ilang buwan lang naman daw kami.


At kung sakali man na magkakatuluyan kami ni Euri, at nasa states pa rin ako. Aba, pwede namang LDR. Long Distance Relationship.


Pero sa ngayon, di ko muna mamadaliin si Euri.


Maghihintay ako. Even it takes forever—lifetime.

(A/N: Sabi nila walang forever! Kaya hindi ka na maghihintay. mwahahaha. Jk.)

**

*Krriiiiinng*

" Oh Ma, Bakit po kayo napatawag?" si Mama yung tumawag. Sabi niya hindi niya muna ako tatawagan after 20 days. Para masulit ko ang mga nalalabing araw na nandito ako sa Pilipinas.

" I have something to tell you. Important. " Sabi niya sa seryosong tono ng pananalita. Bakit parang kinabahan ako? Ano kaya 'to? Baka.... Sana hindi. Sana.

" Ano po ba 'yon? " SHIT. Kinakabahan na ako. Sana hindi yung naiisip ko. Shit.

Yung naiisip ko kasi na mababawasan yung panahon na nandito ako. Or more than that, na bukas na ako--

" About sa pag i-stay mo riyan.. Your flight is tomorrow. Morning. You should go home now. Or else." -- aalis.

Then she ended the call.

Ano raw? Ha? Huh. Aalis na ako bukas? SHIT! It can't be. Madami pa akong plano. Wrong timing palagi!

No choice.

**

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Euri.

Natutulog siya ng mahimbing.

Pano ko masasabi sakanya?

Ayaw ko pa siyang iwan.

Paano na lang?

What if kung pagkabalik ko may bago na siya?

What if kung pagkabalik ko wala na ang pagmamahal niya?

ANO BA YAN! PURO WHAT IF's

Pero, alam ko kahit mga minor de edad pa lang kami, alam kong pagmamahal na to.

Gusto ko man siyang ipaglaban, pero ito ako.

Duwag. Duwag ako kay Mama. Dahil siya na lang meron ako. Iniwan kami ni Papa dahil sa kompanya. Hindi literally na iniwan talaga. Mas importante ang kompanya kesa sa amin.

Hindi ko kayang tumanggi sakanya.

Sasabihin ko ba sa kanya?

Lumapit ako at tinignan ang kanyang mukha.

Napakaganda niya. Matangos ang ilong, mahahaba ang mga pilikmata, at mapupula ang kanyang mga labi.

" Euri, sorry. Sorry. Sana mapatawad mo ako. Sorry talaga, sana maintindihan mo ang sitwasyon ko ngayon. " sabi ko habang hinahaplos ang kanyang mahahabang buhok.

" Siguro hindi pa ito ang tamang panahon para sa atin. Hintayin mo ako Euri.. Babalikan kita. Sorry, kung iiwan kita ah. Pero sana lagi mo 'tong tatandaan.. Mahal na mahal kita. Paalam Eurica. " dagdag ko. Habang pinupunasan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

At umalis na ako nang tuluyan..

I love you, Euri. I really do.

**

Sorry! SABAW :3

VOTE AND COMMENT

The Cold Hearted Where stories live. Discover now