Bongga ka Xiana!
Pero hindi ko maiwasang manghinayang, pano na yung bahay ko sa probinsya, sa Cebu, pinilit kong wag ipahalata sa kanila na malungkot ako kahit papano, kamamatay lang ni Mam, at hanggang ngayon hindi ko parin yun matanggap.

"Ipapasyal na po namin kayo sa
buong Mansion Miss Xiana."
Ani pa nung isang katulong,
Tumango naman ako, saka
Lumabas ng kwarto ko.

Natapos na namin lahat maliban
Sa backyard kung saan nandon
ang pool, may dalawang kwarto
rin sa taas na nilaktawan namin.
Ngayon papunta na kami ng pool
May Tao sa pool! Lalake!
Nagsiswiming gash! Mukang Gwapo, mayamaya lang ay umahon siya sa pool
Saka tumingin sa direksiyon
namin,seryoso ang muka niyang
Nakatingin samin, matipuno siya
maputi,mataas ang ilong,singkit ang mata, pula ang labi,mataas ang height, sa madaling salita
Isa siyang 'Picture perfect'
Nagulat nalang ako nung nasa
Harap ko na siya.

"Good morning po Sir Zach."
Ani katulong.

"Mmm." Maigsing sagot niya,ang
seryoso niya naman, at saka siya lumingon sakin.

" Sino toh?" Turo niya sakin.

"Apo po siya ng Granny Sir."

"Ahh ganon." Tumingin siya sakin,na para bang pinag-aaralan
bawat parte ng mukha ko.
"Name."

"H-ha?"

"What's your name?" Uyyy tinatanong niya ba pangalan ko?!
Nakuuuu ha!

"Hi! Ako si Xiana De Leon!
17 years old! Taga---" tinakpan niya bibig ko at natigilan naman
ako.

"Diba pangalan lang ang 'tanong ko' wala akong sinabing edad at kung San ka nakatira." Ani niya pa.

Grabe ha! Ang sungit! Bwisit
Napapahiya akong nag-iwas ng tingin sa kanya.

"OK 'pasensya' na 'ha'." Tsk nakakainis siya.
Bahagya naman siyang natawa
sakin saka...

"Tabi."

"A-aray!" Sigaw ko dahil binunggo niya ako.Pero
Di niya ako pinansin,at saka
Nagtuloy sa paglalakad.

Humanda ka saking lalaki ka!

" Pwede na kayong makaalis
Salamat!" Nakangiting sabi ko sa mga katulong.

Tumango naman sila saka umalis.

Zach Avery? Pangalan palang
Gwapo na! Hihihihihihi
Nku!! Masungit nga lang, sarap niyang sapakin, Hindi niya pa naman alam na magaling akong makipag laban, tinuruan kasi ako ng Tito ko noong nasa Probinsya pa ako, hanggang ngayon hindi ko parin  malimutan ang lahat ng turo niya.

Pumunta ako sa gilid ng Mansion
at malawak ang lugar don,may-
roong garden don.Pumasok ako
sa garden at may nakita ako,
isang lalake? Naka-headset siya
at bahagya pang gumagalaw ang
ulo, nag-sosoundtrip siguro siya.
Lumapit ako sa kanya at naupo
sa tabi niya, natigilan naman
siya at humarap sakin.
Nginitian ko lang siya.

"Who are you?" Tanong niya sakin na nakataas pa ang isang kilay.

"A- ahh,, Hi! Ako si Xiana De Leon! Ikaw?" Hehe nakakahiya,
Gwapo rin kasi siya.

"I'm Cyde Avery." Pormal pang
sabi niya.

"Kapatid mo si Zach Avery?"

"Yes,why? Do you know him?"
Tanong niya pa sakin,habang
hindi nakatingin.

"Ahh oo, medyo may pagka-
sungit nga ehh haha." Usal ko pa.

"Hmm, he's always like that
don't mind him." Sabi niya at tumingin sakin saka ngumiti.
Ginantihan ko naman siya ng ngiti.

"De Leon ang last name mo diba?" Tanong niya pa.

"Ahh oo yes,apo ako ng lola ko
Ayy! Este apo ako ni lola Flores." Sabi ko pa habang nakatingin sa mga halaman.

"Pero bakit biglaan naman ang
pagdating mo?"

At kinuwento ko sa kanya ang
nangyari,simula nung nakita ko
yung tatlong lalaki hanggang sa makarating ako dito.

"T- talaga? Sinuntok mo yung
lalake?!" Namamangha pang tanong niya.

"Oo, bakit Hindi ka ba marunong sumuntok?" Natatawa pang tanong ko.

"Hindi naman sa ganon pero ngayon ko palang nalaman na
may babae palang nanununtok." Ani niya pa

"Pwede ba tayo maging pwends
Cyde?" Hehe sana pumayag.

"Oo naman! Tara pasok muna tayo, parang umiinit na." Sabi niya kaya pumasok na kami.

Ito na siguro ang panibagong
Simula ng buhay ko,nakakapanghinayang lang na iiwan ko na ang probinsya.
Pero tulad nga ng sinabi ko makiki-go with the flow nalang ako sa ngayon, dahil kung hindi
baka kung saan pa ako umabot.
Nasa harap na kami ng Mansion
Hindi ko talaga maiwasang Hindi mamangha sa laki nito,napaka
ganda rin 'like me'
Nang biglang may asong tumakbo papunta sa direksiyon
Ko.

"WaaAaaaaaaaaaaaAAaAaaahhhhhhh!!!!!!!!!!!!!, Tulong!! Wag!" Sigaw ko pa at saka
nagtago sa gilid ni Cyde at yumakap sa braso niya.

"It's ok Xiana hahaha wag kang matakot he just want you to be his friend,his name is Spike."
Ani pa niya,pero di parin ako bumitaw sa kanya dahil takot talaga ako sa aso dahil sadyang
malaki Ito, pilit nalang akong ngumiti.

"Close na agad kayo?" Tanong ni Zach na nakasandal sa pinto
nagulat naman ako sa kanya saka
Bumitaw sa braso ni Cyde.

"A- ahh hehehe, oo friend na kami." Sabi ko pa,bahagya naman akong lumayo kay Cyde.

d*_*b

"Ahh ganon." Maigsing tugon niya.

'Tsk'

"Kuya, do you know her?" Tanong pa ni Cyde kay Zach.

"Yes, I just met her a while ago." Seryosong Ani Zach.

Aiissshhh masyadong nakakapagod ang araw na Ito
Gusto ko tuloy'ng matulog sa kwarto ko.Tumingin naman ako
kay Zach at tinalikuran niya na kami.

"Ahh Cyde, pagod nako aakyat na muna ako sa kwarto at matutulog." Usal ko.

"Hatid nakita." Ani Cyde.

"Hindi na, kaya ko naman ehh." Sabi ko saka ngumiti sa kanya, ngumiti rin siya sakin
At sinenyasan ko nalang siya ng
'mauna nako' saka ako tumalikod
sa kanya.Pumasok na ko nang makita ko si Zach na nakatitig sakin mula sa taas, katabi ng kwarto ko ang tinatayuan niya.
Mabilis niya namang iniiwas
ang tingin niya sakin saka pumasok sa kwartong yon, kwarto niya siguro iyon.
Kung ganon katabi ko lang ang
kwarto niya, at sa tingin ko
yung sa kabilang side ng kwarto ko ay ang kwarto ni Cyde, kung ganon napapagitnaan ako ng mga gwapo. HAHAHAHA!

Pumasok nako sa kwarto ko at saka naligo,nagsipilyo at nagpalit
ng damit, nahiga nako sa kama
mayamaya ay hindi ko namalayang nakatulog nako dulot ng sobrang pag-iisip.

To be continued......

Written by: xixxxleleo48

♡FOUNDED LOVE♡Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon