Chapter one

Mulai dari awal
                                    

"Opo ma!" Nakangiting sabi ko pa,tumulo nanaman ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.


Tumingin ako sa hagdanan.....

"Pa?" Tawag ko kay Papa,dahil may dala siyang malaking bag
na para bang lalayas.

"Pa? San po kayo pupunta?" Tanong ko pero di niya ako sinagot at dumeretso sa pag baba
sa hagdan.

Nung malapit na siya sa pinto ay saka ako sumigaw ng malakas.

"Papa!!!!!!!" Sigaw ko at lumingon siya ng may luha sa mga mata.

"A- anong nangyayari?!" Tanong ni Mama dahil narinig nya akong sumigaw.

Tumingin lang si Papa sa kanya
At saka tatalikod sana siya nang umiyak ako humarap siya sakin

"Ano bang problema mo Ricky,san ang punta mo?!" Tanong ni Mama kay Papa.

Pero di siya sinagot ni Papa
At saka lumapit samin at yumakap,niyakap ko rin siya at ganon rin si inay,agad namang bumitiw si Papa sa pagkakayap niya samin,at saka dumeretso sa pinto.

"Hoy Ricky! San ka ba talaga pupunta?! Iiwan mo kami?! Ricky wag naman ganito! Maayos
naman tayo diba?!" Humahagulgol nang tanong ni Mama kay Papa,pero tinignan lang siya ni Papa habang umiyak.
"Wag mo naman kaming iwan oh!Para sa anak natin? Kahit para sa kanya nalang please---
Hindi ko alam kung bakit ka biglang nagkaganyan!! Magsalita ka Ricky! Bakit ka aalis?! Bakit mo kami iiwan?!" Umiiyak na tanong ni Mama at saka napaiyak rin ako,dahil iiwan kami ni Papa.Ngumiti lang si Papa, saka tumakbo papaalis, hahabolin ko sana sya kaso niyakap ako ni Mama,at napakalakas ng iyak niya.
"Ricky!!!!!!!" Umiiyak na sigaw ni Mama.

"Pa!!!!! Papa!!!!!!!!!" Umiiyak na tawag ko kay papa, at saka yumakap kay Mama na umiiyak parin.

Hayyysssstttt....
Yun ang pinaka masakit na alaala ko,pero ngayon Hindi na sakit ang nararamdaman ko,kundi galit matinding galit.
Ngayon ang pinakamasakit na alaala ko nalang ay ang pagkamatay ni Mama.
Naalala ko bigla, nung panahon na iwan kami ni Papa may nakita kami ni Mama na white envelope, binuksan yun ni Mama habang pinupunasan ang luha sa mga mata niya at saka may kinuwa siyang isang piraso ng papel, ISANG SULAT.....

binuksan yun ni Mama,at isang sulat nga, galing kay PAPA...

'Mahal kong Eliza,patawarin mo sana ako dahil iniwan ko kayo
May mga dahilan rin ako kung bakit ko ginawa yun patawad, ikaw na ang bahala sa anak natin
Mahal ko siya mahal ko kayong dalawa paalam.'

Yun ang nakasulat don.

'Ano ba yung dahilan niya?
Tsk wala siyang kwenta'

May mga pera rin na kasama yung envelope,hindi ko talaga alam kung saan galing yun,
Hindi namin ginastos ni Mama
ang perang yun, dahil sabi ni
Mama pang tuition ko yun pag college nako,pero ngayon naisipan kong wag na muna mag
College,gagamitin ko nalang ang pera para matagal pa akong tumira dito sa probinsya,
1 million ang pera Hindi ko talaga alam kung saan galing yun.

Hindi ko nalang inisip yun.

Umakyat ako sa kwarto at saka natulog.

Z •z Zz • Z .z Z • z Z z Z .

One week later...

Tanggap ko na, na wala na talaga si Mama,pero nasa puso ko parin siya,Graduation namin ngayon sa senior high last year ko nalang sa high school,nagsimula valedictorian ako kaya wala akong problema,akala ko nga ay wala akong problema,pero sa tuwing titingin ako sa ibang klasmeyt ko naiinggit ako dahil may mga magulang sila,at ako ang wala,natapos na ang graduation at saka ako bumili ng food sa Canteen at lumabas sa gate pero kanina pa ako may napapansin na may sumusunod sakin,tumingin ako sa likod ko at may tatlong lalaki na sumusunod sakin, naka black silang lahat at naka sunglass, nagmadali akong maglakad at nagmadali rin sila.
Huminto ako sa paglalakad at tumingin sa kanila.

"Anong kailangan niyo?!" Sigaw ko sa kanila.

Huminto sila sa harap ko at tinanggal ang mga shades nila.

'Wow'

Ang gagwapo!

Pero bakit nila ako sinusundan?
Hihingiin siguro nila ang number ko.

d-_-b

Pero wala naman akong cellphone.

'Hehehehe'

"Ikaw ba si Xiana De Leon?" Tanong nung pinakamataas sa kanila,wewws ang Gwapo.

"O-oo bakit?"

"Sumama ka samin." Sabi niya pa at hinila ang kamay ko,
Nagulat ako kaya nasapak ko siya.Tumakbo ako ng napakabilis
nung nawala na sila sa likod ko ay saka ako nakahinga ng maluwag.

Che! Gwapo sana! Ano kayang gagawin nila sakin?! Maygash!

Umuwi na ako sa bahay at
Nagluto ng makakain, kumain na ako pagkatapos ay nagsipilyo
Umakyat ako sa kwarto ko at naligo saka natulog.

KINABUKASAN.......

Gumising ako at saka uminom ng tubig at naligo,kumain na rin ako
at nagsipilyo.

Napagpasyahan kong lumabas ng bahay,papalabas nako ng pinto ng may tatlong lalaki ang nakaharang don,sila nanaman yung kahapon bwisit!
Kinakabahan ako.
Hinarangan nila ako at tinakpan ang bibig ko ng panyo,at saka dahan dahan akong nakatulog.

Maya Maya pa.
Paggising ko ay, nakaupo ako sa napakalambot na puting sofa
tumingin ako sa harap ko at may
nakita akong matandang babae
Bahagya pa akong nagulat
kung titignan mo siya mukang
Malakas pa naman siya.
Ngumiti siya sakin.

"Si-sino ka?!" Tanong ko sa kanya.

Tumingin lang siya sakin
At saka nag salita.

"Hindi ka kasi makuwa sa salita kaya,pilit kitang pinadala dito hija" nakangiting sabi niya.

Tatayo sana ako nang biglang
may humawak sa balikat ko
tumingin ako sa likod ko at nakita ko ang tatlong lalaki
sa likod nila marami ring lalaki na parehas sa kanila ng suot.

Lagot na...

Thanks for reading!!!

Lots love!💞💕


































































































♡FOUNDED LOVE♡Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang