CHAPTER 44

800 14 0
                                    

CHAPTER 44.

COVIE POV.

Hindi ko akalaing na 3x ang pagka itim ng budhi ng Elizabeth Lopez na to at nagawa nya talagang dukutin ako.

'' Alam mo covie, hindi sana aabot sa ganito ang lahat kung nakinig ka sana sa akin e. Pero ang tigas talaga ng ulo mo e kaya itong nanyari '' Sabi pa nito.

'' Bakit? anong gagawin mo? papatayin mo ako? hindi ako natatakot nuh!.. at sa tingin mo pag nalaman to ni Leon di yun magagalit sayo? '' Pananakot ko sa kanya.

'' Hindi magagalit ang anak ko sa akin. Dahil mahal ako ng anak ko! '' sabi pa nito.

'' E di ikaw na ! ikaw na ang winner! '' naiinis na talaga ako.

Lumapit si Elizabeth sa akin at hinawakan ang pisnge ko. '' Magdasal ka na '' sabi nito sa akin. '' Segi kayo na ang bahala dyan '' nag silapitan sa akin ang mga tauhan nito at pinag sisipa at kung ano ano pang ginagawa sa akin.

Tiniis ko ang bawat pangbubugbog nila sa akin. Nakita ko ang isa sa kanilang may hawak na kahoy na ipapamalo sa akin. Yumuko nalang ako upang hintayin ang pagdampi ng kahoy katawan ko pero nakita ko nalang bumagsak yun isa sa kanila. Kaya napatingin ulit ako. Hindi ko inasahan ang pagdating nito upang tulungan ako pero andito sya nakikipaglaban sa mga tauhan ng mama nya.

LEON CLARK POV.

Nakatanggap ako ng txt galing sa hindi ko kilalang sender at sabi dito sa text na may ginagawang masama ang mama ko sa girlfriend ko. At first di ako naniwala baka niluluko lang ako but ng tinawagan ko ang number ni covie cannot be reach ito at nang tinawagan ko mga kaibigan nito ang sabi di pa daw ito umuuwi kanina pa.

Kaya nereplayan ko yung nag txt kung saan yung address at ibinigay naman ito agad sa akin.

Pinuntahan ko agad yung address dahil alam ko naman kung saan yun dahil minsan na din ako na ka punta doon. Pagdating ko nakita ko si mommy na pinagtatawanan lang ang mga tauhan nitong may pinapahirapan at si covie nga ito. Nandilim ang paningin ko at sinugod ang mga tauhan ni mommy wala akong pakialam kung babae sila basta maiganti ko lang ang ginawala nila kay covie.

'' LEON! '' tawag ni mommy sa akin ngunit di ko pinansin. Galit ako.. Galit na galit. Nang mapatumba ko na silang lahat agad akong lumapit kay covie na puno na ng pasa.

'' Lalabs.. Im sorry '' paumanhin ko. Naaawa ako ko kay covie at naiinis ako kay mommy. Binalingan ko agad si mommy ng matanggal ko na ang mga gapos nito.

'' Paano mo nagawa to sa taong mahal ko ! huh!? mom! Sinunod kita! bakit mo sinaktan si covie !!!! '' sïgaw ko, di ko na kasi mapigilan ang sarili ko.

'' Pinagtaasan mo ako ng boses ?! dahil sa babaeng yan '' turo nito kay covie '' Wala kang utang na luob sa sarili mong ina! '' Panunumbat nito.

'' I Respect you mom, but di makatao ang ginawa mo. Siguro nasa hustong edad na ako upang bumukod sa inyo, para sa ikabubuti ng lahat '' Sabay talikud sa kanya at umalis na kami ni covie.

'' Leon anak! wag mong gawin toh!... LEON!!!!!!!! '' Sigaw ni mommy ngunit di ko xia pinakinggan.

Tinawagan ko na ang mga kaibigan ni covie na sa akin muna sa Covie ng ilang araw. Wala akong paki sa sasabihin nila magpapagaling muna si covie sa tabi ko.

'' Hanggang kailan ako dito lalabs?. '' tanung ni covie sa akin.

'' Hanggang sa gumaling mga sugat mo. Ayokong makita ka nilang ganyan '' sabi ko sa kanya.

'' Baka magalit sila mama '' Pag aalala nito.

'' Pinagpaalam na kita. Kung magagalit sya ok lang pakakasalan naman kita e '' sabi ko.

'' Paano Klasi ko? '' sabi ulit nito.'' Tuturuan nlang kita pag uwi ko total 5 days nalang wala nang pasok Christmast na e ''

'' What about sa susuotin ko? ''

'' Bibili tayo bukas, wag na ngayon madilim nah ''

'' tanan ba to? '' tanong nito. '' Pwidi din.. Bakit gusto mo?'' Pagbibiro ko.

'' Ayoko ang bata pa natin 18 palang nga ako e '' reak nito '' Hahaha dont worry di to tanan. Oh ito muna suotin mo pangsamantala at ipapa laundry natin damit mo para may suotin ka bukas sa Pagbili natin ng damit mo at paghahanap natin ng Apartment '' inabot ko na sa kanya ang mga damit ko na pwdi nyang suotin at pumasok naman ito ng banyo para mag bihis.

'' Bagay ba? '' tanong nito sa akin ng makalabas ito sa banyo. Bagay pala sa kanya ang damit ko ang sexy nitong tingnan '' Oo, Bagay na bagay sayo maslalo kang gumanda '' pagpupuri ko. '' Lalabs nagugutom ako, di pa tayo kakain? '' tanong nito. '' Tumawag na ako andito na yun in a minute.''

Di nga nagtagal ay dumating na yung pagkain namin at kumain na kami. Pagkatapos kumain nag usap muna kami about sa nangyari at pagkatapos nag disesyon na kaming matulog.

'' Ikaw dyan sa kama, dito ako sa sofa '' Sabi ko kay covie.

'' No, Tabi nalang tayo dito sa kama. Magtatabi lang naman tayo at matutulog diba? so tabi nalang tayo '' yaya nito. Hindi na ako tumanggi once in lifetime nga lang itong mangyari e. And so.. natulog na kami.

hahaist ang sarap talaga ng feeling pagkatabi at kayakap mong matulog ang taong mahal mo.

*********************

NARRATOR POV.

Biglang napasugod si Mhilbert sa bahay ng nobya nito. Ng malaman nito ang nangyari kay Aeon.

'' XANDRA!'' Tawag nito sa nobya.

'' Oh?.

'' Di ba sinabihan na kita?! bakit nangialam ka na nman?! ''

'' Ginawa ko lang ang tama Mhil! Ayokong masaktan si Aeon '' sabi ni xandra.

'' Bakit? sa tingin mo di sya nasasaktan?! Ano bang nangyayari sayo Xandra?! nilamon na ba talaga ng galit ang puso mo kaya ka nagkakaganyan!'' sabi nito sa nobya.

'' OO!.. gusto ko na silang mawala!!! gusto ko na silang mamatay ! Kayat wag mo akong pakiilaman! ''

'' Wag kang mag alala. Hindi na ako makikialam! bahala ka na! . Seguro mas mabuting mag hiwalay na tayo nang magising ka at malaman mo kung sino ako sa buhay mo '' pagkasabi nun ay tuluyan nang umalis si Mhilbert at iniwan si Xandra na hindi pa nakabawi sa pagkabigla.

Nang mawala ang nobyo ay nagsiagusan ang masasaganang luha nito '' Sorry, patawarin mo ako mahal.. huhuhu di ko gustong saktan ka '' sabi ni xandra ngunit huli na ang lahat umalis na ang nobyo nito kasabay ng pagtapos ng lahat sa kanila.

*******************


ImADearestChildOfGod

ANGELS  ( Completed )Where stories live. Discover now