Chapter 29 *[ The Deal ]*

933 13 0
                                    

NARRATOR POV

Tatlong araw na ang lumipas ng mamatay ang Boss ng Rapoza. Nakalabi ang katawan nito sa isang sikat na Chapel, puno ng mga bantay ang paligid.

At simula ng mamatay ang ama ay lagi nalang tahimik si Harvy laging nag iisa at di makausap ng maayos. Nawala ang sigla at saya sa mga mata nito. Kahit ang mga matatalik na kaibigan nito ay hindi nya kinakausap.

Samantala sa bahay ng mga Angels. Hindi mapakali si Cyril simula kasi ng nang mamatay si Henry hindi na nya nakakausap si Harvy hindi kasi sinasagot ang mga tawag nito. Kayat lumapit ito kay Xandra.

'' Lady X ''

Tawag nya dito. Nilingun naman sya ni Xandra.

'' Lady X, Nakikiusap ako.. Gusto ko syang makita.. Maawa po kayo kahit ngayon lang Please.. ''

Pakiusap nito ngunit isang malaking buntong hininga lang ang sinagot ni Xandra. Nagsimula namang mag agosan ang mga luha ni Cyril sa mga mata nito.

'' Please Lady X.. '' Pakiusap ulit nito

'' Cy.. Alam mong tapos na ang mission mo dahil patay na si Henry.. At ibig sabihin din dun ay tapos na din kayo ni Harvy ''

O.O

Gulat na gulat si Cyril sa nadinig nito kay Xandra.

'' Ang misyon mo ay paibigin ang nag iisang anak ni Henry upang mapalapit ka sa buhay nila. At wala sa usapan ang mahulog ka din sa kanya! Kaya itigil mo yang kahibangan mo! at kalimutan mo na sya ! '' Pagmamatigas ni Xandra dito.

'' Pero mama?!''

'' Tama na!'' Aktong sasampalin ito ni Xandra

'' XANDRA ! '' Pigil ni Mhilbert dito.

'' Ano bang nangyayari sayo?! huh! bakit ka nagkakaganyan?! '' Tanong ni Mhilbert dito.

'' Wag ka ngang mangialam Mhil! '' Xandra.

'' God Xandra!.. Wag makialam ?! Simula nang mamatay si Henry nagkakaganyan ka na!.. Parang hindi na ikaw ang Xandrang kilala ko.. '' At tumalikod na si Mhilbert.

'' Saan ka pupunta? Sorry Mhil '' Xandra.

'' Aalis muna ako.. Babalik nalang ako pag lumamig na yang ulo mo '' At umalis na nga si Mhilbert.

'' Lady X.. Sorry po dahi-

'' Segi, Puntahan mo na sya '' Xandra.

'' Mama? oke-

Hindi pa rin natapos ang iba pang sasabihin ni Cyril.

'' Pwidi mong puntahan ang anak ni Henry hanggang sa mailibing ito. Pero sa isang kondesyon '' Xandra.

'' Ano yun?'' Cyril.

'' Kalimutan mo na ang anak ni Henry '' Xandra.

Kahit masakit sa kaluoban pumayag si Cyril sa kondesyon ni Xandra na kalimutan si Harvy. Madamayan lang ang nobyong nangangailangan ng karamay.

ANGELS  ( Completed )Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu