Chapter Seventeen

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi lang siguro siya sanay na nasa ibang tao ang atensyon ng asawa. Dahil sa tuwing magkasama sila, ramdam niyang laging nasa kanya ang atensyon ni Johann. At habang nakikita niyang sobrang close nito at ni Xan--mas close pa sa kanilang mag-asawa...well, iba lang sa pakiramdam.

Nagseselos ka nga kasi, Sapphire.

Stop it, brain! Stop. Just stop!

You're inlove, girl!

Ugh!

Tumalikod na siya at tumuloy sa loob ng restaurant na medyo marami ang tao. Dinner time na rin kasi. Umupo siya sa isang table na katabi lang ng glass window kung saan kitang kita ang kotse ni Johann. Kaya naman mula sa puwesto niya ay naaaninag niya pa rin ang dalawa na seryoso na ngayong nag-uusap.

"Good evening, Madam. Here's our menu."

Napatingin siya sa waitress na may hawak na menu. Nginitian niya ito. "Ahm, no thank you. Just serve me your best course."

Tumango ito. "Would you like to have a tea, Madam, while waiting?"

"Sure thing. Thank you."

Umalis sandali ang waitress at pagbalik ay may dala ng tsaa. Tamang uminom siya noon para makalma siya. Maki-clear din ang pag-iisip niya kung sakali. Masyado nang maraming nangyari ng araw na iyon, well...para sa kanya. Masyado siyang maraming naiisip lalo na sa feelings niya.

Bakit ba kasi hindi simpleng tanggapin ng puso niya ang posibiladad na mahal niya na si Johann? Pero, bago lang kasi sa kanya ang pakiramdam kaya baka nga napagkakamali lang niya sa ibang feelings. Maybe she's too much fond of Johann, ganoon...

Okay. Go on. Convince yourself more, Saphi. Just accept that you're in love.

Hindi ko nga kasi alam kung ganito ba talaga ang pakiramdam ng in love! Argh!

Napasimangot siya. Kanina pa may nagtatalo sa loob ng isip niya at palakas iyon ng palakas. Ugh!

Just stop denying, Sapphire. Ikaw lang naman ang nahihirapan. Ano naman kung aminin mong mahal mo na si Johann, di'ba? It's not going to kill you or something.

She drank her tea and waited for her order. Wala muna siyang iisipin. Wala muna. Bukas na lang siya mag-iisip. She'll just enjoy the Tagaytay breeze tonight.

Napatingin siya ulit sa kotse ni Johann. Sinasabunutan na ni Xan si Johann, nakita niya. Napailing-iling na lang siya. Kitang kita kung gaanong ka-close ang mga ito para magbiruan ng ganoon. Pansin niya kung gaano kakomportable ang mga ito sa isa't isa.

Nangalumbaba siya at saka tinignan ng mabuti ang dalawa. Lalo na si Xan. Nangunot ang noo niya nang mas mapansin ang itsura nito. She seems familiar...

Saktong dumating ang in-order niya. Kaya inabala na lang niya ang sarili sa pagkain.

Nangangalahati na siya sa pagkain ng maalala kung sino ang kamukha ni Xan. Si Tanya Aragon! Isang anak rin ng mayaman si Tanya na schoolmate niya sa isang exclusive school ng highschool sila. Two years ang tanda niya sa babae pero naging co-members sila sa isang writing club noon. Hindi niya makakalimutan si Tanya dahil lagi silang partners noon kapag may club assignment.

Pero nabalitaan niya seven years ago na namatay daw ang babae dahil sa isang car accident...Pero kamukhang kamukha talaga ni Xan ang babae... Nagkibit balikat na lang siya sa huli. Marami namang magkakamukha sa mundo.

"Misis."

Mabilis siyang napaangat ng tingin at nakita si Johann sa harap niya at kasama na nito si Xan.

The Friendly Wedding (Season 1 & 2) - PublishedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon