KABANATA 36

Depuis le début
                                    

Sasagutin kona sana ito ngunit biglang namatay ang tawag at kung kailan naman ibabalik kona sa bulsa ay tsaka ulit tumunog kaya naiinis na sinagot ko ang tawag.




"Hello? sino ba 'to? Sorry hindi ako nakikipag-usap sa kani-kaninong tao na hindi ko kilala-" Naputol ang sasabihin ko ng magsalita ang taong nasa likod nito.




"kahit pa ang tatay ni devon?" Sabi nito kaya naman napabilog ang aking mga mata tsaka tiningnan ng mabuti ang numerong tumatawag sa cellphone ko.Paano kaya nito nakuha ang number ko?




Aba! himala at kilala pa ako nitong tatay ni devon.At bakit naman siya napatawag?




"I know na napapaisip ka kung bakit tinawagan kita? Don't worry hindi naman ako ganun kasamang tao,Napatawag lang ako para sabihing we need to talk it's important asap!" sabay patay ng tawag.





Napakurap ako sa sinabi nito biglang kumabog ng malakas ang tibok ng puso ko.




Kaya imbes na humilata na at ng makatulog na ay muli kong binalik ang pagsuot sa pantalon ko at nagsuot ng black na jacket.




Alam ko naman kung nasaan ang bahay nila devon dahil minsan na rin akong napagawi sa bahay nilang iyon.





Gamit ang motor ay pinasibat ko ito papunta sa mansyon ng mga Diaz hindi pa rin mawala mawala sa isip ko kung bakit kailangan akong papuntahin.






Hinarang ako ng guard na nagbabantay sa malaking gate kaya nainis ako sa inasta nito, para siyang guard ng school na hindi magpapasok hangga't wala kang pinapakita na i.d





"Sino ka ba? bakit nandito ka? aba! magnanakaw ka siguro ano?" sabi nito sabay tingin sa motor na sinasakyan ko





"Mga magnanakaw talaga ang yayaman tingnan-" Naputol ang sasabihin nito ng may taong nagsalita sa kaniyang likuran.





"What are you doing?" isang pigura ang nagsalita at ng maging malinaw na sa aking paningin ay nakilala kona 'to.





Yung kaninang guard na kinukutya ako at pinagkakamalang mangnanakaw daw eh biglang naging anghel at nagkakamot pa ng ulo, wala namang ulo este buhok. pasalamat siya wala siyang buhok kundi sabunutan kona 'to sa pagkainis.






"Ay kayo po pala señorita devon, heto po kasing tao na 'to tinatanong ko kung-" hindi na niya naituloy ng lumapit sa'kin si devon at niyakap ako na para bang wala ng bukas





Tila nagulat naman ang guard sa ginawa ni devon at biglang nahiya kaya tumalikod na 'to at umalis na.





Napatingin naman ako sa taong yumakap sa'kin. hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.





Napansin kong namayat si devon at mahahalata mo ang pagod sa kaniyang magandang mukha hindi ko naman alam kung anong nangyari sa kaniya at nagkaganyan siya.





"I miss you so much" Mas lalong hinigpitan nito ang kaniyang yakap sa'kin kaya wala akong nagawa kundi ang yakapin siya pabalik.






"Oh hey, tamang tama nakahanda na ang lahat kayo na lang kulang" Bigla ding may lumabas sa gate na lalaki at kung hindi ako nagkakamali 'to ang ama ni devon.





Kahit hindi maganda ang pinagsamahan namin ay may galang pa din ako bilang tatay siya ni devon na dati kong kasintahan.






"You're right dad" Sabay tingin sa'kin ni devon "Tayo na lang ang kulang let's go inside" Magsasalita pa sana ako ng hinila na ako nitong si bria papasok ng bahay nila.






𝐈 𝐃𝐨𝐧'𝐭 𝐊𝐧𝐨𝐰 ✔ ✪Où les histoires vivent. Découvrez maintenant