CHAPTER 3: I KNOW YOU

1 0 0
                                    

Van's POV

It's been a day. At mukha masyado ata akong mainit kay Some. Baka maghiganti agad. Well, I think im ready for everything from him. I know him very well na kahit di ko na pagplanuhan, he'll fall in his own trap. But actually I was afraid I might fall for him because of this. Well Van, this is the new you. You should play yourself as it is.

"Hi miss beautiful" _____

Naglalakad ako ngayon papuntang bahay, namiss ko na kasing maglakad. Tapos binara ako ng mga gagong to.

"Yes?" sagot ko ng may mataray na mukha.

"Aba, suplada si Ate!" siya

"Aba, ang babastos nina kuya! Tumabi nga kayo diyan, may dadaang diyosa" Ako

Naglakad na ulit ako, pero humarang na naman si kuya.

"Baka naman pedeng maimbetahan ang diyosa sa bahay namin!" siya

"Iniimbitahan ka din ni kamatayan" ako

"Ako ba talaga ay hinahamon mo?' siya

"Hindi ginoong impakto!"

Tinaas niya ang palad niya at tangkang hahampasin ako, di ako naka ready dun ah, napapikit nalang ako.

Hala di ako nasaktan. May shiled na ba ako ngayon? Dinilat ko ang mata ko. May isa pang kamay. At kanino naman ang pagkapangit pangit na kamay na to?

Tiningnan ko kung sino yung nasa gilid ko. Muntik na akong matumba ng makita ko siya.

"Bat' kaba nanunulak?" Ako

"Tanga, tinulak ba kita?" Some

"Ei ba't muntik na akong matumba?" Ako

"Ay oo nga pala sorry... natulak ka ata ng kaguwapohan ko!" Some

"MAY KOMPETISYON NG KAYABANGAN DITO?" si kuyang bastos

"Che!!" sabay naming sabi ni Some.

Tinulak ni Some si kuyang bastos.

"Aba!! Tarantado, upakan niyo" sigaw niya sa mga kasama niya.

At ayon nagsitakbuhan papalapit samin. Reding-redi na sana si Some ei, kaso biglang dumating yung mga pulis. At ayon nagsitakbuhan ang mga gago.

Tiningnan niya ko.

"Ikaw ba ang nagtawag ng pulis?" Some

"Obvious ba?" Ako

Actually di talaga ako nagtawag ng oulis, ewan bat may biglang dumating. Okay na sana ei, mabugbog tong kumag na to.

"Ba't ka pa tumawag ei kayang-kaya ko namman yun!" Some

"Ako din naman ei, kayang-kaya ko din yun, kaso lang ayaw ko pang madumihan ang napakanda kong kamay" Ako

Naglalakad na kami habang nag-uusap

'Nung umulan ata ng kayabangan sinalo mo lahat!" Ako

"Nakalimutan mo na ba, nagdedate tayo nun, kaya nagsalo tayo sa blessing!"

"Talaga ba, pinatulan kita?" Some

"Ako nga din ei, kadalasan napapaisip ako kung anong klaseng gayuma ang pinainom mo sakin at pinatulan din kita" Ako

Binilisan ko ang paglalakad ko at malapit na ako sa bahay. Pero pansin ko nakasunod padin siya sakin.

"Ba't ka ba sunod ng sunod? Tae ka, get lost" Ako

"Ang kapal mo,nasa unahan din ang bahay ko" Some

"Taray, may sarili kang bahay?" Ako

"Wala!" Some

"Pero kung maka 'bahay ko' ka, parang umambag ka ng milyonis ah!" Ako

"Tigilan mo nga ako!" Some

"Kung nandyan bahay mo, ei ba't di ka nakasakay sa kotse?" Ako

"Eiii.. Basta" Some

"Asus... tigilan mo na nga ako, wag kang sunod ng sunod, di na kita papatulan ulit no!" Ako

"Ang kapal mo talaga ei no! Akala mo papatulan din kita?" Some

"Eh bakit nga?" Ako

"DAHIL GUSTO KO LANG, MAY PROBLEMA KA?" Some

Tiyaka na siya naglakad ng mabilis ang nauna. Che! Di ko na siya pinansin, naglakad nalang ako ng tahimik at nagpatugtog sa earphone. Tatawid na sana ko sa kalsada nang di ko mapansin na may sasakyan pala. May biglang humila ng bag ko na naging dahilan para di ako masagi. Busit andito na naman tong slo-mo na to. Magkadikit kami ngayon at halos magkaakap. Di ako halos makagalaw. Nalaglag ang dalawang earphone na nasa tenga ko sa sobrang bilis ng pangyayari.

"Alam kong ayaw na kitang patulan kailan man uli, pero pakiusap mag-ingat ka naman. Ayaw kong dumating ang arw na gustuhin ulit kita dahil sa katangahan mong Yan!" Some

At bumitaw na siya, samantalang ako naiwang nakatulala sa hangin. Napayuko ako.

"*smirk* If you think you can fool me with those words Some, well think again. Di mo ako na ako madadali. I told you, I know you very well, at di ko na hahayaang mangyari ulit ang nangyari na" sabi ko sa sarili ko.

CAN'T GET OVER YOUDove le storie prendono vita. Scoprilo ora