3 "Thank You, Next"

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi naman kapalpakan." Medyo nagaalinlangan pa akong sabihin. "Ka – kasi sinusulat ko yung name ni Cliff sa notebook ko." Mahina kong sabi. "Eh malay ko naman bang magiging seatmates kami noh!" Naiinis kong sabi, at hindi ako masaya. Hindi kasi ako ready. Yung mga unexpected talaga yung mga di mo inaasahan – ay mali, yung mga nangyayari pala.

"Seatmates? Oh my gosh." Mabilis syang dumikit ulit sa'kin. "Wait, no. Is this another prank? Alam mo kasi ilang beses mo na yang ginawa sa'kin. Sabi ko sa'yo last time di ba sasaktan na talaga kita kapag inulit mo ang panloloko sa'kin!!!" Kahit naman di ko sya niloloko sinasaktan nya pa rin ako. Ayan may pagbabanta pa sa buhay ko.

"Peksman, cross my heart, nagsasabi ako ng totoo!" Itinaas ko ang kanang kamay ko akala mo nagmamanatang makabayan ang peg.

"Totoo ba talaga?" Tanong nya at tumango namana ko. "OMG! Mukhang matatalo ako sa pustahan natin ah." Napahawak si Katy sa dibdib nya na parang hindi makapaniwala.

"Saglit lang naman hindi pa ko tapos." This is the hardest part, you know. Nakuha ko naman ang attention nya dahil may pagka chismosa din 'tong si Katy.

"Okay go. And then?" Parang stars yung mga mata nya na nagiintay ng kung ano. Talagang nakaharap pa sya sa'kin.

Medyo hesitant na ako kasi baka sumigaw 'to dito mas lalo akong mapapahiya. "Bes – bes wag na lang kaya?" Humina yung boses ko.

"Then what?!!" Ayan sumigaw na nga sya wala pa akong sinasabi. "I'm waiting Torrence Felly!" hindi ko na talaga sya mapigilan.

Here it goes. "Then nanghiram sya ng notes sa'kin." Parang nauutal ako, feeling ko talaga nastroke ako kanina.

"Bes you already." Hinawakan nya ako sa mga balikat tsaka kinalog-kalog. Halos nayanig ata ang utak ko. "Swerte mo te. Ganda ng araw mo ngayon. Naligo ka today no? Aminin!!" Siraulo talaga 'tong babaeng 'to. Araw-araw kaya akong naliligo.

Teka, kinikilig ba sya? Hindi pa nga ako tapos magkwento di ba?

"Gaga. Nasira nga eh. Kasi pinahiram ko yung notebook ko sa kanya." Halos nag-iinit na naman yung mukha ko sa kahihiyan.

"Oh eh anong problema dun?" Hinigit nya ang buhok ko. Kapag maaga akong napanot kasalanan ni Katy.

"Adik ka ba o ano? Di ba nga sinusulat ko yung name nya sa notebook ko." Si Katy ata ang wala sa sarili. Kanina pa ako nagkukwento, hindi man lang nag-iisip.

"Sus, eh name lang naman pala. Okay lang yun." Hindi mawala ang ngiti sa mukha nya. Akala mo sya yung may gusto kay Cliff.

"Kaso nga hindi basta name lang." Tinakpan ko ng mga kamay ko ang mukha ko.

"What do you mean?" Nanlaki ang mga mata ni Katy. "Don't tell me ibinigay mo ang address and phone number mo sa kanya? Ahhhhhhhhh!!" Mabilis kong tinakpan ang bibig ni Katy. Jusko, nasaan ba ang utak nitong babaeng 'to.

"Saan mo naman nakuha yang phone number at address!!! Siraulo ka talaga!! Wag ka ngang sumigaw!!!" Inalis ko ang kamay ko sa pagkakatakip sa bibig nya. "Ano kasi – unconsciously, naisulat ko pala ay I LOVE CLIFF!" Bulong ko sa kanya.

Hinampas nya ako ng malakas. "Nakakahiya ka bes. Hindi ko akalaing ganun ka. Parang sinadya mo naman."

"Yung totoo? Okay lang na isulat ko yung phone number at address ko pero hindi pwede yung I love Cliff, ganun? Ewan ko sa'yo. And lilke I said, di ko naman alam na darating sya dun." Medyo napalitan ng pagkainis yung pagkahiya ko dahil dito sa kaibigan kong supportive.

"Anong gusto mong gawin ko? And besides sanay na si Cliff sa ganun. Wala lang yun sa kanya. Baka nga hindi ka nun natandaan." Aray, medyo nasaktan naman ako sa sagot nya. Mahirap talaga kapag one sided.

LOVE Disaster (NEW EDITED VERSION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon