Dangerously In Love

943 47 17
                                    

Natasha

“Hoy, Enchong! Tingnan mo ang gift sa akin ng Daddy ko!” pagyayabang ko sa pangit na elementary classmate ko slash seatmate. Paglapag ko ng pink bag ko ay inilabas ko mula roon ang kuting na binili para sa akin ni Daddy.

Humagikgik ako dahil itinakas ko lang ito mula sa bahay. Mabuti at hindi napansin nina Mommy at Daddy nang ihatid nila ako sa aking school.

Lumingon naman sa akin ang tingting kong katabi sabay nganga. Lumabas tuloy ang sungki sa ngipin nito.

Nu name ng pussy mo? Ang ganda naman niyan!”

Nagyayabang ko itong nginitian. “Si Pusaidon ’yan! Cat god of the sea kasi mahilig siya sa karagatan!” pagyayabang ko pa sabay halik sa kuting.

Napanganga naman ito na namamangha. Persian cat kasi ito.

“Pusaidon? Pangit ng pangalan!” panlalait nito na agad na ikinawala ng ngiti ko.

Sa isang iglap ay nagngitngit ako sa galit. Ang kapal ng face niyang laitin ang naisip kong pangalan ng cat ko! Isusumbong ko siya kay Daddy!

“’Di mo lang kasi afford ’to! Mamatay ka sa inggit!” Sabay belat dito na ikinasimangot ng lalaki.

“Ibibili rin ako ng kuya ko niyan. Hintayin mo lang!”

“And why should I wait? Duh! Prinsesa ako ni Daddy kaya ’di ako magwa-wait para sa iyo! Sino ka ba para hintayin!”

“Mana ka talaga sa nanay mo!” gigil na sigaw rin nito.

“Walang nagtanong! Pangit mo!”

“’Di ako pangit! Arte mo lang!”

“’Di mo lang afford maging maarte!” ganting sigaw ko kaya natahimik na ito. Sinamaan pa ako nito ng tingin bago dumukdok sa armchair. 

I know Enchong is poor. Lagi kasing nanghihiram sa akin ng pencil na pink. He said na wala silang pambili niyon minsan at working student ang kuya niya. Pati paper ay hinihingi niya minsan sa akin. Wala na kasi silang magulang dahil ’di na sila love kaya iniwan. Ngayon ay panganay na lang niyang kuya ang sumusuporta sa kanila.

Lagi niya pang ipinagmamayabang sa akin na magpupulis raw ang brother niya.

But who cares?

Ngumisi ako bago ilabas ang gummy worms na ipinabili ko kay Daddy. Isang tupperware iyon. Siya ang bumili pero sa akin ang kita.

“Hey! I’m selling my gummy worms for two pesos!” anunsyo ko sa mga kaklase na napatingin sa amin.

It’s recess time so they have to buy from me. Napangiti naman ako nang magsilapitan sila sa akin.

“Yay! Si Natasha, nagbebenta ng gummy worms!” hirit naman ng kaharap ko na ikinasama ng mukha ko.

“Oh, ano pake mo? At least ’di nakupit sa magulang!”

I want to save kasi para sa phone. Wala pa kasi ako niyon. Mommy said if I really want to save money, dapat magbenta ako ng kung ano-ano—aside from drugs—to my classmates. Budulin ko raw.

Binilhan ako ng mga kaklase ko pero hindi pa naubos iyon. There are twenty pieces left kaya inilibot ko na lang sa kabilang room.

Panay reklamo ng iba pero tinatarayan ko lang sila. Don’t they know how a business works? Sa business, dapat may tinutubo! Iyon ang turo sa akin ni Mommy! At hindi nagsisinungaling sa akin ang aking ina!

May business bang walang tubo? Anong klaseng business iyon? Itong mga schoolmate ko talaga, reklamador masiyado. ’Di na lang bumili.

Kaso kahit inilibot ko na sa kabilang room, may natira pa ring dalawa.

Dangerously In LoveWhere stories live. Discover now