Kabanata 2

606 41 18
                                    

Natasha

Kinabukasan ay inihatid ako ni Kuya Thanatos sa school gamit ang motor nito. Papasok din kasi ito sa trabaho niya kaya isinasabay na lang ako. Kasabayan namin sina Kuya Arkanghel at Zephyrus na may kaniya-kaniyang motor. Maraming pampa-gas, e. Iba-iba rin kasi ang pinapasukan nilang trabaho.

“Take care, Tash,” ani Kuya Thanatos nang maihatid ako.

Sumaludo ako rito bilang tugon na ikinatawa nito.

“Ikaw rin, Kuya.”

Pagkaalis nito ay nagmartsa ako papasok.

“Hoy! Beverly at Stephany Montehermoso!” sigaw ko sa dalawa na nakaupo sa bench at nagkukuwentuhan.

Napalingon naman ang mga ito sa akin at agad na napangiti.

“Yown! Tara, canteen muna!” aya ni Beverly.

Umangkla ako sa braso ng mga pinsan sabay ngisi.

“May bago akong makeup kit, girls. Wanna try later?”

Napatili ang mga ito sabay alog sa akin.

“Gosh! Yes, girl! And of course, we should get our nails done, ’no?” ani Beverly at excited na hinila kami papasok.

Tunog ng mga takong namin ang umalingawngaw sa mga oras na iyon, pati na ang ingay ng bunganga ng dalawa.

Ipinakita ko ang card ko na hawak at iwinagayway iyon sa harap nila.

“See this? May pampa-salon na ako later! Salon tayo, ha! I want to have that beach wave hair. Magpapakulay rin ako ng brown.”

“Game kami. I think I need to pamper myself naman. Stress na tayo sa school, e.”

Nilingon ko si Steph sabay hatak dito paakyat. Nagtakbuhan kami sa hagdan, walang pakialam kung may matapilok. Wala ring katao-tao roon banda kaya sinolo namin iyon.

Bumili lang kami ng snacks sa canteen at umalis din. Pagdating sa classroom ay naupo ako agad at dinaldal ang dalawa. Wala pang klase kaya tumambay muna sa classroom namin si Steph.

Kaso ay bigla na lang natigilan si Beverly at napapangangang napatingin sa labas ng classroom.

“Oh, gosh! Si Bryan Tolentino!” mahinang tili nito at nahampas pa ako sa braso.

Napasimangot tuloy ako pero lumingon din. Doon ay nakita ko ang grupo ni Pugak na pasilip-silip sa classroom namin.

Nang magtama ang tingin namin ay napairap agad ako.

“Ang pogi talaga ni Bryan!” kilig na kilig na ani Beverly.

Kamuntikan na akong masuka sa sinabi niya. Nagayuma na siguro itong si Beverly kaya ang lakas ng tama sa lalaking iyon.

“Saan banda ang pogi riyan? Baka feeling pogi lang,” komento ko at napairap.

Hinampas tuloy ni Beverly ang braso ko at sinamaan ng tingin.

“Pogi naman talaga siya. Naku! Nagiging man-hater ka na, Tasha. ’Di ’yan maganda.”

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nito. Itinuro ko pa ang sarili ko at napatawa nang pagak. “’Di ako man-hater! Alam ko lang talaga ang likaw ng bituka ng punyetang Pugak na ’yan kaya isinusuka ko ’yan!”

“Hey, don’t call him Pugak. Ayan ka na naman sa mga exotic nickname mo sa ibang tao, e,” pagtatanggol niya sa boyfriend kuno niya na ikinairap ko.

Bahala talaga siya riyan kapag nasaktan. Isusumbong ko siya kay Tito Damien.

And since wala pa ang teacher namin, malayang nakapasok ang mga anay rito sa school, papasok dito sa classroom namin.

Dangerously In LoveWhere stories live. Discover now