Kabanata 3

468 36 21
                                    

Natasha

Bahagya pa akong napaatras dahil sa gulat dahil ’di ko naman alam na may tao pala roon.

Iniwas ko agad ang tingin at nilingon ang dental assistant na malapit na rin sa akin.

“Thanks!”

“Gagala ka ulit, Madam?” usisa pa nito na tinugunan ko ng tipid na ngiti.

“Yep! Need to unwind. Daming ganap sa buhay these past few days, e.” Pinatunog ko ang susi na nakakabit sa keychain ko at muling sinilip ang lalaki sa loob ng clinic. “Alright. I gotta go,” paalam ko rito na sinagot naman nito ng tango at ngiti.

Tuluyan akong lumabas ng clinic at agad na sumakay sa big bike ko. Oh, my Harley baby.

It was a gift from Kuya Arkanghel noong eighteenth birthday ko. Dati kasi, nagpa-practice lang ako sa motor ni Kuya Ark. At gusto kong malibot nang solo ang mga lugar na gusto kong puntahan kaya niregaluhan niya ako ng ganito. Tuwing weekends ko lang nagagawa ang maggala, lalo na kapag walang tambak na gawain.

Isinuot ko ang helmet. Pero napatingin akong muli sa pulis sa tapat ko na nakatingin din sa akin. May katabi pa itong lalaki na nakangiti sa akin at tila ba may pahiwatig. Parang gusto niya akong tudyuin pero ’di magawa dahil sa seryosong lalaki sa tabi.

Naibaba ko ang kamay at palihim na natitigan ang lalaki. Pamilyar talaga ang built ng katawan niya. Hindi ko lang makita ang kabuuan ng mukha nito dahil natatabunan ng cap at shades. Pamilyar din sa akin ang pagkamoreno nito.

“Hi, Ma’am. Naalala mo pa raw ba si Sarge?”

Naitaas ko ang salamin ng helmet nang marinig na nagsalita ang lalaking nakangiti.

Sarap mambara pero dapat magpigil. Kung ibang tao lang itong kaharap ko, malamang ay natira ko na ng linyahang, bakit? Sino ka ba sa buhay ko para alalahanin?

Naningkit ang mga mata ko at marahang umiling. “No, sorry.”

Paano ko rin naman ito makikilala, e, may takip ang mga mata at ulo? Ano? May x-ray ba mata ko at tumatagos?

“Ay! Sayang naman kung ganoon,” disappointed na anang binatang pulis at nilingon ang kabaro na tingin ko ay ilang taon lang ang tanda sa kaniya. “Si Sergeant kasi, ’di ka makalimutan. ’Di ka mawala-wala sa isip niya.”

Pinagsasasabi ng isang ’to?

“You must have mistaken me for someone else. Wala akong kilalang Sergeant sa buhay,” I said, irritated by the stares of the guy he called Sergeant.

Napahalakhak ang lalaking may apelyidong Domingo sa chest part ng uniform nito. Nang balingan ko ang apelyido ng weirdong lalaki ay nalaman kong Arellano pala ito.

“Sige, Ma’am. Pasensiya na sa abala. ’Di kasi mapakali itong si Sergeant kanina pa, e. Nagpahuli pa nga kami para lang maabangan ka rito at masilayan.”

These two must be crazy. Pag-untugin ko kaya ang mga ulo nilang kalbo?

Napailing na lang ako bago buhayin ang makina at lisanin ang lugar na iyon.

Umalis ako sa siyudad at tinungo ang province para masaksihan ang ganda niyon. Humihinto ako kapag may nakikitang napakagandang view at pinipicturan iyon for my remembrance. And of course, ’di puwedeng hindi ko i-post iyon sa social media account ko. Nag-selfie rin ako at nagganda-gandahan sa camera. ’Di puwedeng hindi.

Marami na namang nag-react at nag-comment sa post ko. Puring-puri na naman ang ganda ko kaysa sa ganda ng nature.

Hays. Mga tagasubaybay ko talaga. ’Di na naa-appreciate ang ganda ng kalikasan dahil masiyado kong nasasapawan.

Dangerously In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon